Chapter 24: The Maze

1.7K 56 3
                                    

Allyza's POV

Madaling araw pa lang at hindi pa sumisikat ang araw pero mahigit isang oras na kaming naglalakad. May nakikita na akong lower part sa harapan namin na parang isang malawak na lupain na walang kapuno-puno. That means isang cliff ang kinalalagyan namin ngayon.

Nang makarating kami sa gilid ng cliff ay kalahati na ng araw ang sumisikat, nagbigay ito ng sapat na liwanag para makita namin kung ano ang nasa harapan.

Dahil sa taas ng kinalalagyan namin, nakita namin ang isang bagay na nagpakaba saming lahat.

Not far from us, were huge towering walls. And behind those walls was an enormous Maze stretching endlessly towards the horizon.

''Oh my God...'' bulong ni Jess. Napanganga lang kami sa nakita. I think escape is impossible in this place. My hopes were fading.

''Whoa. Ang laking maze niyan.'' Bulong ni Chris.

Napatakbo si Adriel sa harapan naming lahat at huminto sa gilid ng cliff para malinaw na makita ang maze.

''Fvck this! Hayop na may gawa nito! Bwisit! I'm going to kill them---''

Agad na lumapit si Henry kay Adriel, he was losing his temper, at alam naman na naming lahat kung ano ang mangyayari.

''Bro, calm down. Shouting will not help.'' Sabi niya at pi-nat ang balikat ni Adriel.

Kumalma naman siya. Nang magsimula namang dumilim ang paligid. Dark heavy clouds covered the sky like a huge blanket that blocked the light.

Lightning flashed across the sky, followed by a roaring thunder. Nagsimula nang kumidlat ng kumidlat, tila naglalaman ang mga itim na ulap na matinding electricity, at ang mga kulog ay tila tunog ng malalaking higanteng bato na gumugulong sa kalangitan.

Nawala ang payapang umaga, napalitan iyon ng tila gabing kadiliman at para bang nagngingit ang kalikasan.

The wind blows very strong, shaking the trees violently. It seems that a storm and a cyclone came altogether at once. Nagsimula ng pumatak ang ulan.

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na halatang kabado ang mga mukha. Napunta ang tingin ko kay Adriel. Nakatayo siya sa gilid ng cliff, nakatuntong ang isang paa sa may bato.

He was standing proudly while the strong wind whipped his dark hair and clothes.

He looked so strong, so brave, standing in the midst of the raging storm. Lightning flares across the sky, at sa isang kalahating segundo ay nagliwanag ang paligid.

''Hindi tayo aatras.'' Narinig kong sabi niya. Unti unting bumalik ang hope ko, I smiled, kung ganu siya ka determinado. Humakbang ako papalapit sa kanya. I'm foolish for not accepting him as a leader.
---
''Master, anu na po ang plano natin?''

''Destroy the place para pumasok sila sa Maze, NOW!''

''Yes master.'' Agad na si-net ng mga crew ang pagwasak sa buong lugar maliban sa Maze.

''Destroy in 60 seconds. 59, 58, 57, 56...''

Napangiti ang master habang tinitingnan ang countdown... I'm going to win, he thought.
---
Allyza's POV

Napatigil kaming lahat ng makarinig ng kakaibang tunog na umaalingawngaw sa kalangitan. Nakikipaglaban pa rin ang tunog ng mga kulog sa tunog na iyon kaya hindi namin malaman kung anu ba talaga ang tumutunog.

Tahimik kaming lahat na nakatingala habang humahampas parin ang malakas na hangin na may kasamang ulan.

45...44...43...42...41...30...

Nagkatinginan kaming lahat sa narinig. Walang nakakilos kaagad. Isang countdown, at masama ang kutob ko---

''GET BEHIND THE WALLS!''

Agad na nagrespond ang mga paa ko sa sigaw ni Adriel. Sabay sabay kaming tumakbo papunta sa side ng cliff para makababa.

28...27

Nakababa kami, and we ran as fast as we can. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa tubig ulan na bumabasa rito. Kitang kita ko parin ang mga silhouette ng mga kasama ko na tumatakbo kasabay ko.

24...23...22...21...

Isang ugat ng kidlat ang nagliwanag sa kalangitan at tumama sa di kalayuan. Kasabay niyon ang nakabibinging kulog. Sa liwanag nito ay nakita ko ang mga naglalakihang mga pader, napakalayo pa para sa 20 segundo.

20...19...18

Namamanhid na ang mga paa ko at bumabagal na ang takbo ko. Hindi ko na kaya, hindi ko alam kung anu ang mangyayari kapag natapos ang countdown pero alam kung ligtas sa likuran ng mga pader na iyon.

''FASTER!! WALANG HIHINTO!!'' sigaw ni Adriel. Isang kidlat pa ang tumama sa di kalayuan. Nakita ko ang anino ng mga pader, malayo pa rin.

14...13...12...11...

Isang puddle ang natapakan ko at nalubog ang paa ko sa putik dahilan ng pagkatumba ko. Napadapa ako sa putik at nalagyan ang buong kasuotan ko.

''ALLYZA! GO GO! TUMAKBO NA KAYO!'' Nakita ko si Adriel na papunta sa direksyon ko. Lumingon lang ang mga kasama ko pero inutusan ni Adriel na wag silang hihinto.

10...9...

''Allyza quick! Tumayo ka na!'' Iniabot niya ang kamay niya at agad ko iyong kinuha at saka tumayo. Sabay ulit kaming tumakbo.

8...7...

Malayo pa ang walls pero lalo ko pang binilisan ang takbo ko. Kumidlat ulit at nakita ko ang walls, closer closer...

6...

Sinubukan kong bilisang ang pagtakbo. Kaunti pa...

5...

Kumidlat ulit at nakita ang walls. Sumasarado sila, kitang kita ko kung pano umalog ang mga walls at unti unting naglalapit, ilang segundo lang ay tuluyan na silang sasara.

4...

Naramdaman ko ang paghawak ni Adriel sa braso ko at hinatak niya ko. Malapit na kaunti nalang...

3...

Isang metro nalang ang bukas na parte ng mga walls, patuloy lang sila sa pagsara.

2...

Ilang metro nalang ang layo namin sa walls, pero hindi talaga sapat ang bilis ng pagtakbo ko. Nakita kong isang tao nalang ang kasya sa butas ng mga walls.

1...

Tila nabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid at parang tumigil ang lahat ng umalingawngaw ang katapusan ng countdown...

DESTROY...

Nakita ko sa peripheral vision ko ang malakas na pagsabog sa likuran ko. Ang pagguho ng lupa...

Tuluyan ng magsasara ang walls---naramdaman ko ang pagtulak ni Adriel sakin at nakapasok ako sa walls kasabay ng pagsarado nito.

Isang malakas na pagyanig ang naramdaman ko at kitang kita ko sa kalangitan ang napakalakas na pulse at explosion. Maging ang mga ulap ay nahawi sa napakatinding pwersa ng pulse.

Tanging ang napakatibay lang na mga pader sa pagitan namin at ng pagsabog ang nakapagligtas sa amin. Agad akong tumayo at lumingon, nakaligtas din ba si Adriel?
---
''Successfully destroyed.''

''Anung nangyari sa kanila?''

''Nasa Maze na sila Master. Walang naapektuhan.''

''Good, I think I have to wait for them...''

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon