Allyza's POV
Uwaah! Nakabili na ko ng aso ko! Ang cute cute cute cute! Si Toby!
Eto yung pic niya--->Oh diba ang cute? Wah! Grabe nakakagigil talaga tong aso na 'to!
Pinakin ko kaagad siya ng binili kong dogfood. Kagagaling ko lang ng pet shop kanina at mabilis ko lang napili si Toby dahil ang cute niya talaga.
Ang amo agad niya at mukhang kilala na niya ko agad. Kanina nga nagpakalong sakin eh. Sa wakas may kasama na rin ako. Hindi na ko alone sa bahay.
Naisip kong ipasyal mamaya si Toby para excercise na niya dahil maghapon siyang nakakulong sa may display window ng pet shop at maliit lang yung palaruan niya dun.
Pagkatos niyang kumain ay binuhat ko siya sa taas at ipinatong sa kama ko. Hindi na ko magbibihis muna.
Nahiga ako sa tabi ni Toby at ni-himas yung balahibo niya, ang lambot. Agad naman siyang nakatulog.
Bumaba muna ako para magluto ng pagkain. Nagluto ako ng ham at sausage at saka kumain.
Ang lungkot pa rin sa bahay. Ganun parin. Tahimik. Walang kabuhay-buhay at parang nakakatamad tumira.
Nagsasawa na rin ako sa kaka pakinig ng music ko. Paulit ulit nalang kasi.
Natapos akong kumain ay nagopen ako ng facebook ko.
75 notifications. 23 friend requests. 13 messages.
Dun ako agad sa notif. Puro groups. Tae kasing kung sino sino nagsasali sakin sa mga group na yan kaasar.
Justine Myrr Manuel added a photo of you.
Hmm. Anu kaya tong naka-tag. Tiningnan ko. Yung nasa mall kami tama. Yung last last day.
251 likes. 30 comments. Edi siya na famous. Maraming likers yang babaita na yan eh, hilig kasi mag-fb.
Tiningnan ko naman yung ibang notif. Puro yung about dun sa naka-tag sakin.
Tiningnan ko yung friend requests.
Henry James de Guzman. 175 mutual friends.
Di ko muna inaccept. Pasilip muna sa timeline niya.
Nakaside view yung profile pic niya at nakatingin sa malayo. Stolen pero ang gwapo. 302 likes. 80 comments. Pero mahigit 700 lang yung friends niya, siguro maraming sumisilip sa timeline niya.
Marami pang photo na naka-tag sa kanya. Silang magkakabarkada.
In-accept ko na at tiningnan yung iba.
Karen Shane Mendez. 124 mutual friends.
Clark Cedric Villafuerte. 196 mutual friends.
Christopher Vallejo. 253 mutual friends.
Genevieve Fuentes. 92 mutual friends.Wew baki sunod sunod ang friend requests nila? Hmm.
Si-nave ko muna yung naka-tag sakin na pic namin ni Jaz bago nag-log out.
Nagising na si Toby at lumapit sakin.
''Gala tayo Toby?'' Tanung ko sa kanya.
Umingit lang siya at kinawag-kawag ang buntot at mukhang excited pa.
Bumangon na ako at kinuha dresser yung dog-collar na magaan lan at may magaan na tali. Ayoko namang ibigti siya sa kadena noh?
''Wag malikot Toby, lagyan lang kita ng tali para maka-gala tayo.''
Ni lock ko na yung collar. Medyo nairita pa siya pero ilang minuto ay pumirmi din siya.
''Sunod ka sakin Toby.'' Sabi ko at hinawakan yung dulo ng tali. Lumundag siya pababa at nagpunta sa gilid ko.
Lumabas kami at ni-lock ko yung bahay at gate bago lumakad sa sidewalk. Mukhang tuwang tuwa si Toby na makalabas at kumakawag kawag pa yung maliit na buntot habang tumatakabo. Luminga linga lang ako sa paligid habang naglalakad.
Nakarating kami sa isang hindi mataong part. May isang building na sira-sira ang medyo malayo sa daan at may ilang puno doon at nagmumukha iyong haunted house.
Nabitawan ko ang tali ni Toby at nagtatakbo siya papunta dun sa building. Nagulat ako at tumakbo kasunod niya at pilit siyang inabutan pero ang bilis ng tuta.
''Toby balik dito!'' tawag ko sa kanya. Dumiretso siya sa likod ng building at muntik na kong matisod.
''Toby wag---'' napahinto ako, ''--ka diyan.'' Halos pabulong na sabi ko.
May mga lalaking naka-itim na parang nagme-meeting sa likod ng building. Nakatingin silang lahat sakin at kinilabutan agad ako.
Napaatras nalang ako dahil alam kong grupo ito. At wala sa hitsura nila ang paggalang sa mga babae. Bigla nalang ngumisi ang isa sa kanila at lumapit sakin. Hindi ako makatakbo at halos hindi na ko makahinga sa takot.
''Wow. Jackpot mga pare.'' Sabi nung lumapit sakin at tumayo yung balahibo ko sa likuran at nanlamig yung katawan ko.
''Pagbigyan mo na ko sa isang yan.'' Narinig kong sabi pa ng isa. Lumapit siya---si Adriel?!
Ni-tap niya yung balikat nung lalaki sa harap ko at saka iyon pina-alis. Ang sama ng tingin sakin ni Adriel.
''Bakit ka nandito ha?'' Galit yung boses niya kahit pabulong.
''S-Si T-Toby kasi eh.'' Nanginginig na tinuro ko si Toby na nakaupo sa sahig at nakalabas ang dila.
Kinuha ni Adriel ang tuta at saka ako nilagpasan.
''Sumunod ka sakin,'' mahinang sabi niya. Hindi ko na nilingon yung mga lalaki na nakatingin parin sakin.
Sinundan ko si Adriel papalabas ng kalsada kahit na nanginginig pa rin ako sa takot.
''Umuwi ka na. Wag ka ng babalik, wala kang lugar dito, at wag na wag kang pupunta sa building na yan kung gusto mo pang makauwi ng buhay.'' Saka niya ibinigay sakin si Toby. Niyakap ko si Toby at tiningnan siya.
Tumalikod na siya at naglakad pabalik ng building.
---
Agad akong nagpunta sa kwarto pagkayari naming mamasyal ni Toby. Nakatulog siya agad ng ilapag ko siya sa kama.Nagbihis na ako agad at humiga. Naiisip ko pa rin yung nangyari kanina. Kung hindi dahil kay Adriel malamang napagtripan na ko ng mga kasama niya. Hmm, kahit papano mabait din naman pala siya, mga 2 percent.
Pumikit ako saglit at napahinga. Kaka-bored talaga dito sa bahay nato.
Kinuha ko yung cellphone at nag-scroll scroll sa gallery. Tiningnan ko yung picture na naka-tag sakin na si-nave ko. Naka-peace sign kami ni Jaz.
Nagulat ako ng may mapansin ako sa picture. Agad ko iyong ini-zoom para matingnan kong mabuti. Isang lalaking naka-hood at nakayuko ang nasa likuran namin. Sinundan niya ba kami ni Jaz? Tama! Siya yung sumusunod samin...
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...