Chapter 9: Enchanted

1.8K 62 0
                                    

Allyza's POV

Nagising ako dahil parang may gulo. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa dahon at kinusot ang mga mata. My vision started to clear, and I saw it, nakasandal si Henry sa may puno at parang nilalagnat. Pabaling baling ang ulo niya at parang binabangungot. Nagising na din ang iba.

''Henry, anu bang--gumising ka.'' Bahagyang niyuyugyog ni Jess ang balikat ni Henry. Nakaluhod siya at nakaharap kay Henry. Halata namang kinakabahan na siya. Maski ako, anu bang nangyayari kay Henry?

''What's happening?'' Tanung ni Adriel na nanggaling sa gilid ng cliff. Dali dali siyang nag-jog papalapit.

''Nagising nalang ako ganyan siya. Ayaw niyang magsalita. Tapos ang lamig lamig niya.'' Sabi ni Jess na halatang may worry sa boses.

Tiningnan lang namin sila. Wala kaming magawa. Hindi namin alam kung anu ang gagawin.

''Shit!'' Tiningnan ko si Ad. Ang lakas niyang magmura. Nakita kong inangat niya yung laylayan ng pants ni Henry hanggang binti.

Umiwas agad ako ng tingin at naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko. May kumakalat na sugat sa binti ni Henry! Para bang napaso at mukhang wala ng balat! Hinawakan ko ang binti ko dahil parang nararamdaman ko yung sakit. Nanghina agad ako ng hindi mawala yung hitsura ng sugat niya sa utak ko.

''Bakit ba hindi ka samin nagsabi agad ha?'' Pagalit ang boses ni Jess ng sinabi niya iyon kay Henry at umiiyak na siya.

''May lason ang tinik ng pusa na yon.'' Narinig kong bulong ni Ad. Parang wala siyang pakialam.

''Anu ang gamot diyan Ad, ha? Kaylangan na nating humanap!'' Halos sumigaw si Jess. Alam ko naman ang nararamdaman niya. Sobrang nag-aalala din naman kami. Hindi muna umimik si Ad.

''Great Healer.''

Napatigil si Jess at panandaliang tumahimik ang paligid. Nakatingin si Jess kay Ad, at binaling niya ulit ang tingin niya sa naghihingalong si Henry.

''H-Hindi ko alam ang gagawin.'' Bulong niya.

Tahimik lang kaming lahat. Napakalaking problema nito, at napakahirap ng sitwasyon, pero wala kaming nagawa para tumulong.

''Isang Gopper Mushroom ang makakagamot niyan.'' Sabi ulit ni Ad.

''Humanap na tayo!'' Umiiyak pa rin si Jess. Bumuntong-hininga lang si Adriel at yumuko.

''Wala tayo sa Mysticland Jess, ikaw nalang ang pag-asa.'' Mahinang sabi ni Ad.

''P-papanu ko mapapagana ang---hindi ko alam.''

''Trust yourself. You can do it.''

Tiningnan ko lang si Henry. Natataranta ko pag nakikita ko siya, tingin ko anytime hihinto siya sa paghinga.

''P-pero, panu pag di ko napagana?'' Nag-aalangang tanong ni Jess.

I heard that she was the Great Healer. Hindi ko alam kung anu yon, but I'm sure related ang kapangyarihan niya sa paggamot.

''Subukan mo Jess.'' sabi ni Ad.

Huminga muna ng malalim si Jess at saka pinahid ang luha niya bago tumingin kay Henry.

Nakatalikod siya sakin, pero alam kong nagdadasal siya. Maya-maya ay nagulat ako ng makitang umiilaw ang kabuuan niya.

Napansin kong magsasalita sana si Chris pero agad din naman niyang sinara ang bibig.

Tiningnan ko ulit si Jess, ang sunod niyang ginawa ay itinapat niya ang mga palad niya sa ibabaw ng sugat ni Henry. May mga golden dusts na bumabagsak sa mga palad niya at parang ina-absorb iyon ng sugat. Ilang segundo pa at nakita kong unti-unting lumiliit ang sugat ni Henry hanggang sa mawala ito, pero nag-iwan iyon ng isang peklat.

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon