Allyza's POV
Halos sira na ang buong lugar dahil sa digmaang nangyari. Ramdam ko ang matinding kaba habang hinahanap ko kung nasan si Adriel. Nanghihina ako dahil sa nakikita ko, halos pati mga walls ay nasira, nagkalat ang mga sunog, at hindi ko alam kung nakaligtas siya.
''ADRIEL!'' sigaw ko at hinagilap ang lugar. Ako na ang nagprisintang sunduin siya at nagpawian na ang mga kasama ko, dahil medyo natatagalan sila dahil kay Henry.
Nagtatakbo ulit ako at hinanap siya, nakita ko naman agad siya at naramdaman ko ang pag pound ng ulo ko ng makita ang katawan niyang nakahiga sa lupa.
''Ad!'' Tumakbo ako at nilapitan siya at halos hindi nakahinga. Halos puro sugat ang mukha at mga braso niya! At ang tagliran niya ay may malaking sugat na nagdurugo.
''Ad!'' Lumuhod ako at tinapik ang balikat niya. Walang response. No! Hindi pwede! Alam kong buhay pa siya.
Tinapat ko ang tenga ko sa dibdib niya at naririnig ko ang mabagal na pagpintig noon.
''AD! Dumilat ka please...'' tinapik ko ang balikat niya. Naku po, kaylangan niya ng hangin. Tsk, mouth-to-mouth? Eh... tsk sige mas mabuti na to kesa mawalan siya ng hininga.
Huminga muna ako ng malalim at unti unting nilapit ang mukha ko hanggang ilang pulgada nalang ang layo nito ng bigla siyang umubo. O.O Agad akong napalayo. Waah nakakahiya.
''Sila?'' Mahinang tanung niya ng hindi pa din dumidilat.
''Hoo, mabuti nalang, akala ko natuluyan ka na.'' Bumuntong-hininga ako at pinunasan ang pawis ko sa noo.
''Hindi na ko magtatagal Allyza.''
O.O, O.O, T.T
''A-anu bang sinasabi m-mo?''
Umubo ulit siya, saka dumilat.
''Malapit na kayo sa exit, umuwi na kayo, iwan mo na ko dito.'' Halos pabulong na sabi niya.
''A-an--wag ka ngang magsalita ng ganyan, tatawagin ko na sila. A-ad, wag ka ngang nagbibiro.'' Nanginginig na ko at kinakabahan sa sinasabi niya.
''No, Im serious. Wag ka ng magsayang ng oras, iwanan mo na ko.''
''Ayoko! Ayoko, dito lang ako. Nakakainis! Bakit ba kasi ang kulit mo!''
Bumuntong hininga lang siya at pumikit.
''A-akala ko ba lalabas tayong lahat dito. Akala ko ba lahat tayo. D-diba?'' Namumuo na yung luha ko sa mga mata.
''Bakit? Diba wala ka namang pakialam sakin ah? Diba nga galit ka sakin?'' Tanong niya ng mahina. Tumulo na yung luha ko.
''Oo, dati. Pero...p-pero simula nung nakilala kitang mas mabuti... Ayun, basta.''
''Wala ng iba?'' Tanong niya ulit habang nakatingin sakin.
''M-meron, oo na. Aamin na ko. Gusto kita. Tama, gusto kita. Kahit na nakakaasar ka minsan, lagi pala.''
Bigla nalang siyang tumagilid at narinig kong nagpipigil ng tawa.
O.O, akala ko ba--
''T-teka, bakit ka tumatawa?'' Takang tanong ko.
''Ewan ko, hahaha. Magaling pala ko um-acting. Hay napa-amin din kita, tara na nga.'' Bigla nalang siyang umupo.
O.O, Akala ko ba nanghihina siya... pamuwisit talaga to!
''Argh! Nakakahiya! Nakakaasar ka talaga!'' Tumayo na ako at tumalikod.
''Oy, iiwan mo ba ko dito? Oy?'' Narinig kong sabi niya. Bumaling ulit ako sa kanya at inabot yung kamay ko.
''Oh bilis, tayo na.'' Sabi ko. Hindi niya kinuha yung kamay ko, sa halip ay tiningnan niya lang ako.
''Tayo na? Sige ba. Sinabi mo yan wala ng bawian.''
O.O May sapi na tong isang to!
''Huy, wala kong sinabi! Ang sabi ko tumayo ka na!'' Kontra ko.
''Hindi eh, sabi mo tayo na eh.'' Pagpipilit niya at ngumiti pa!
-.- Ewan nalang.''Wala akong sinabe!''
''Meron ho.''
''Ay bahala ka nga diyan.'' Tumalikod na ko at naglakad palayo.
''Oy teka...'' naramdaman kong humabol siya at sinabayan ako.
''Hahahaha. Nakakatawa ka talaga.'' Sabi pa niya. Hindi ko siya pinansin at patuloy na naglakad.
''Oy--'' hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang baba ko.
''I like you too...'' bulong niya, at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit nalang ako ng --(alam niyo na yon guys, cut scene XD)
---Pinagmasdan namin ang magkakapatong na bato na may mga bulaklak sa paligid. May nakasulat doon, nakaukit ang pangalan ni Fraire. Naikwento na siya ni Ad kanina, at nalungkot kami.
He was his old friend, at namatay siya ng isakripisyo ang buhay para mailigtas si Adriel sa atake ng kalaban.
Kita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Adriel habang pinagmamasdan niya ang puntod.
''I left my bestfriend, and now he's dead because of me. I'm sorry Air...'' isang patak ng luha ang tumulo sa mata ni Adriel. Bago siya humarap samin.
''Let's go home...''
---
Isang malaking gate ang bumungad sa amin. Isang lumang arch na gawa sa bato. May parang transparent na bagay ang nasa loob ng gate. At gumagalaw ito.''The Exit.'' Sabi ni Jess. We're leaving. It's over. Sa wakas ay magiging normal na ulit kami.
''Think about our adventures, ang lahat ng nalagpasan natin.'' Sabi ni Karen.
''After all, we are the most powerful team.'' Sabi naman ni Gen.
''Yep, ''sabi naman ni Jess, ''we have the Scorcher Phoenix, the Ice master, the Healer, the Enchantress, the Mystic Archer--''
''Ako yun!'' Sabi ni Chris.
''The Shadow slayer, the Seer, the Blade Warlord, the Beastmaster's Apprentice, the Thundergoddess, and--'' huminto si Jess ng tumapat sakin.
''Air Elementalist.'' Sabi ni Henry at napatingin ako sa kanya. What does that mean? Yun ang kapangyarihan ko?
''Kapag lumalapit si Allyza kay Ad, lumalakas ang fire magic niya. That is because hawak niya ang isa sa mga elemento ng hangin na nakakapagpalakas ng apoy, and that is the oxygen.'' Paliwanag ni Henry.
Napaisip naman ako. Kaya pala, kaya pala noong nagkaroon siya ng yelo sa katawan ay nakayanan niya iyon nung hinawakan ko ang noo niya. Kaya kanina ng ilapit ko ang mukha ko sa kanya ay nagkamalay siya. Oxygen and Fire...
''Perfect match. Sabi na nga ba bagay kayo eh.'' Sabi ni Chris at biglang tumawa.
''So, let's go?'' tanong ni Karen. Tumango kaming lahat at saka pumasok sa gate.
---
Dumilat ako at nakita ang maliwanag na kisame. Umupo ako at naramdaman ang tindi ng sakit ng ulo ko. Napalingon ako sa paligid, clinic ito.Naramdaman kong may tao sa likod ko at paglingon ko ay naruon si Karen na para bang kagagaling lang din sa pagtulog.
''Was it all a dream?'' Tanong niya. Nakita ko ang iba ko pang kasama, maliban kay Ad, Axle at Oliver.
''I guess not.'' Sabi ni Jess dahil lahat kami ay halos napakadumi ng mga suot. Tama, it all happened.
''But its better to be a dream.'' Sabi ulit ni Jess. Napatingin ako sa orasan. 5:45 pm. Serious---wala pang isang araw kaming nawala? Its almost a week and a half sa mundo nila Henry...
''Yeah, different dimension, different time. But lets forget it, ang mahalaga ay nakauwi na tayo.'' Sabi ni Henry. Tumango nalang kami.
--
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...