Allyza's POV
Pumasok na ko ng classroom. Wala na kaming masyadong activity ngayon eh kaya madalang nalang kaming pumunta sa laboratory.
Umupo ako agad at namintana.
Naramdaman kong may tumabi sakin pero hindi ko pinansin.''Liz, samahan mo nga ko sa locker room.''
Si Jaz. Ayoko nga nakakatamad. Hindi ko siya pinansin. Naramdaman kong hinahatak niya yung damit ko.
''Liz sige na.'' Niyugyog pa niya ko.
Argh! Wala na bang kapayapaan dito? Kakaasar, beastmode ako!!
''Ayoko ikaw nalang.'' sabi ko at pilit na tinatanggal yung kamay niya.
''Sige na puleaasse.''
''Andiyan si Jonas eh.'' Sabi ko at iritang irita na ko.
''Sige na kasi.'' Niyugyog niya ko ng todo todo.
Nalaglag ang bag ko at bumagsak yung mga laman. Hindi pala nakasara.
''Ang epal mo Jaz. Pulutin mo yan.'' Sabi ko at tinuro yung mga gamit ko.
''Kasi pabebe pa.'' Reklamo niya at sinimulang pulutin ang mga gamit ko. Dumukdok ulit ako at hinayaan siya.
''Uy, kaninung I.D to.''
Uwaah!! Yung I.D nga pala ni kupal nasa bag ko! Bakit ba ngayon ko lang naalala. Waah patay ako neto.
''Akin na nga yan.''
Mabilis pa sa alas kwatro kong hinablot yung I.D. Nakatulala lang si Jaz. At bigla siyang ngumiti at naglulundag.
''Hahaha. Liz! Panu napunta sayo yung I.D ni A---.'' Tinakpan ko agad yung bibig niya.
Aaah! Panu na ko nito?! Bakit ba kasi pinulot ko pa yung I.D ni Kupsy pahamak lang tuloy. Malisyoso pa naman si Jaz. Waaah!! Natanggal na yung kamay ko sa bibig ni Jaz at nagtatakbo siya palayo.
''Waaah! Nakay Liz yung I.D ni--''
''Jaz tara samahan na kita sa locker.'' Agad akong tumayo at kinaladkad siya palabas.
Nagtataka yung tingin nung mga classmates namin. Grabe pinagsisisihan ko na kung bakit ko pa yun pinulot! Waah, I wanna die! T.T
''Whooshoo, sinasabi ko na nga ba Liz. May gusto ka kay--''
Tinakpan ko ulit yung bibig niya hanggana makarating kami ng locker room. Bwisit na I.D yan!
''Explain Liz. Bakit nasayo yung I.D niya? Hm?'' tinaasan niya ko ng kilay ng makahinto na kami.
''Eh, secret lang natin to ha?'' Sabi ko sa kanya. Subukan lang niya ipagkalat magsu-suicide na ko, pero siyempre joke lang. Sayang naman ganda ko.
''Okay, tell me na.'' Sabi niya at nag-gesture pa. Luminga linga muna ko sa paligid. Baka may makarinig eh.
''Eh kasi nung iniwan mo ko dun sa may likod tambayan pala ni Kupsy yung natambayan ko at ayun nalaglag pala yung I.D niya dun ayun napulot ko pero hindi ko naman maisoli.''
Tiningnan muna niya ako bago humagalpak ng pagkalakas-lakas. Mukhang may tama ata to.
''Samahan mo ko sa canteen,'' biglang sabjg niya sakin. Anyare?
''Ayoko malayo.''
''Oh sige, ipagkakalat--''
''Oo na sabi ko nga sasama na ko eh tara na nga.'' Ako na mismo ang nauna.
Bwisit bwisit magiging alipin ako neto, bwisit na I.D yan. Huhuhu, kaylangan ko na 'tong maisoli.
Lunch...
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...