Chapter 6: Fraire Aragon

2.1K 59 1
                                    

Third Person

Tuluyang nawalan ng hininga ang pusa. Nakatingin pa rin si Henry at Ad sa archer na naka-hood.

His head was bent down slightly, and they couldn't see his eyes. Makapal ang brown na buhok nito sa ilalim ng hood ang tumatakip sa mata at noo niya. Mayrong mga waving lines sa hood niya na kulay silver at ganun din sa kapa niya. Nakasuot siya ng isang silver vest na gawa sa makapal na uri ng tela. May naka-embroidered na bilog sa gitna ng vest niya at may sign doo na parang feather at bow. Ganun din ang sign na nasa gitna ng belt niya, at sa mga boots niya ay mga carvings na parang related sa hangin. Hawak hawak niya ang isang bow na mukhang gawa sa metal.

''Who are you?'' Tanong ni Adriel.

Inangat ng archer ang ulo niya, revealing cold, hard gray eyes. May scar siya sa kaliwang mata na isang guhit pababa na tila ba nahiwa ng isang matulis na bagay. Hindi ito sumagot. May suot itong mask na tumatakip sa bibig nito, at mayrong mga tattoo sa ilalim ng mata na para bang triangle na binaligtad at kulay silver. Tinitigan lang niya si Adriel.

''Sino ka?'' Tanong ni Henry.

''Fraire.'' Sagot nito. Malinaw pa rin ang boses niya kahit natatakpan ng mask ang mga bibig niya.

''Fraire?''

''Fraire Aragon.''

''Fraire, will you tell us where we are?'' Tanong ni Henry.

Tumalikod si Fraire at naglakad palayo. Sa likuran ng kapa niya ay isang sign na parang ibon na na may dagit dagit na palaso.

''Wind Hunter.'' Adriel recognized the sign.

Lumingon ng bahagya si Fraire bago naglakad palayo. Sumunod ang dalawa dahil lumapit si Fraire sa mga kasama nila.

Hindi nakakibo sila Jess ng makita ang archer na papalapit sa kanila. Hindi nila ito kilala. Nawala na ang pagkagulat nila sa pusa dahil napalitan na agad ito ng curiousity sa kung sino archer na nasa harap nila.

''What do you want?'' Tanong ni Adriel at hinarangan niya ang mga kasama niya. Fraire's eyes turned fierce as he looked at him. He didn't say anything.

''Stand back, mukhang kakampi natin siya.'' Sabi ni Henry kay Ad. Walang kibo ang mga kasama nila.

''You never know.'' Sagot lang ni Ad at hindi niya tinanggal ang tingin niya kay Fraire.

''I'm Fraire Aragon, isang Ephiphyran, ako ang Wind Hunter at wala akong intensiyon na kalabanin ang Ice master at Scorcher Phoenix.'' Sabi nito.

(AN: Epiphyran (wind controllers). Ang iba : Fladran(fire masters), Morphians (water wizards/sorcerers) , Terrestians (Nature guardians). All of them are either a wizard or a sorcerer.)

''Then what do you want?!'' Galit na sabi ni Adriel.

''I want to tell all of you something.'' Sagot nito at tumingala. Sumipol ito. Tumingala din si Adriel. Tila ba umihip ang hangin papaikot sa lugar at ilang mga dahon ang umangat mula sa lupa at nag-swirl sa ere. Ilang mga ibon ang tumugon sa sipol.
Ibinalik nila ang tingin kay Fraire.

''This place doesn't exist in the past few days.'' Mahinang sabi ni Fraire na ikinagulat ni Henry at Ad. Confusion lang ang rumehistro sa mukha ng mga kasama nila dahil wala silang maintindihan.

''Ano?! Ang ibig mo bang sabihin---'' pinutol ni Fraire ang sasabihin ni Henry.

''Ang lugar na 'to ay ginawa lamang.''

Lalong nagulat ang dalawa, naiintidihan ni Jess kahit papano ang sinasabi ni Fraire.

''W-what?!'' halos galit na sabi ni Adriel. Tumingala ulit si Fraire at pinagmasdan ang mga puno.

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon