Chapter 16: Papa's Going Home

2.4K 86 1
                                    

Allyza's POV

Nakatanggap ako ng message sa fb ko. Si Papa! Uuwi daw siya bukas ng hapon! Si Mama naman bukas ng gabi! Whoosho! Kumpleto kami bukas!

Mahigit 9 months din siyang hindi nakauwi! Pero may problema. Nagpapaluto siya ng chicken curry. Dapat kapag umuwi na siya ay luto na yun, pero si Mama ay gabi pa uuwe. Hindi naman ako marunong magluto nun kasi minsan lang si Mama gumagawa nun.

Pero hindi dapat masira ang dinner ni Papa bukas. Nag-search ako sa google pero mahihirapan ako kasi dapat talaga marunong magluto. Si Jaz kaya marunong? Eh si---SI KUPSY! Diba Culinary siya? Perfect! Panigurado magaling yun magluto!

Ang tanung papayag ba? Malamang hindi. Pero pipilitin ko siya. Gagawin ko ang lahat para sa family dinner namin. Let's give it a try.

Agad akong nagbihis. Hapon palang naman. Pupuntahan ko siya sa bahay niya.
---
Natanaw ko na ang gate nila Kupsy. Karay karay ko si Toby na super excited.

Hindi pa ko nakakalapit ng may lumabas na lalaki sa gate. Waa si Kupsy yun naka-leather jacket eh.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya. Nagulat pa siya ng makita ako. Napahinto siya saglet pero nilagpasan niya ko.

''Waah, Adriel!'' Tawag ko sa kanya at hinabol ko siya, hila hila ko pa rin si Toby.

Hindi niya ko pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Deadma pa more.

''Uy!'' Sinundot ko siya sa tagliran.

''Shit! What do you want?'' Galit na sabi niya.

''Favor.''

Sinamaan niya ko ng tingin at saka naglakad ulit. Ba't ba beastmode nanaman siya?

''Uy sige na pulease?'' Pinagsaklop ko yung palad ko at nag-puppy eyes.

''Lubayan mo ko tangna!'' Galit nga siya. Bakit kaya?

''Uwaaaah!'' Lumuhod ako at kumapit sa binti niya. Tingnan lang natin. Marami pa namang nagdadaan.

''Alis!''

''Sige na favor---''

''ISA!''

''Waaah! Sige na naman. Alam mo Adriel ang gwapo gwapo mo ang hunk mo pa, sige na please?''

#utopamore.

Lalong dumilim yung mukha niya. Hala? Sinabihan na ngang gwapo eh? Awts nakakatakot siya. T.T

''DALAWA!''

''Waaah, sabi ko nga alis na ko eh.'' Tumayo na ko. At ng lalakad na ulit siya ay---

''Waaah, sige na please!'' Hinabol ko ulit.

''Hintayin mong ma-dimonyo ako tangina!''

Nagulat ako at lumayo agad. Naglakad na ulit siya.

Sumunod ako sa kanya ng medyo malayo. Huminto siya at bahagyang lumingon. Naglakad na ulit siya.

''Hindi ka talaga titigil noh?'' lumingon din siya.

''Sige na kasi.'' Sabay pout.

''Go away. Wala kong pakialam.'' Ay ang sama niya. T.T. sinundan ko pa rin siya. San kaya siya pupunta?

''Uy? San ka ba pupunta?'' Tanung ko. Baka mamaya kakasunod ko dito san ako mapadpad. Hindi siya sumagot. Dedma talaga!

''Hmp. Dedma pa hangga't kaya!'' Naiinis na din ako eh.

Hindi pa rin siya sumagot. Deadmaness si kuya!

''Pst! Spongebob?''

Huminto siya. At saka ako hinarap.

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon