Chapter 3: Late again

4.5K 121 2
                                    

Allyza's POV

Eeeeh! Late nanaman me! Anung oras na kasi ako nakatulog kagabi.

Halos pagewang-gewang akong tumakbo at nag-slow down lang ako ng papaliko na ko sa locker room. Mas mabuti ng mag-ingat sa mga kupal na nang aapak ng mga folders.

Pagliko, ayun, safe naman. wala akong nabunggo. Hinalungkat ko yun bag ko para hanapin yung mga iiwan ko. Kinuha ko yung----BUG!

Awts! Sino---si KUPAL!

Parang wala lang sa kanya. Nakasandal siya sa mga lockers at nagbabasa. Hello? May library tong school kuya! Locker room to! At yung locker ko ay nasa likuran niya. Malas!

''ExCUSE ME!'' Nilakasan ko talaga dahil parang walang pake.

Hindi niya ko pinansin at naglipat ng page.

''Tumabi ka nga!'' Naiirita na talaga ko sa hinayupak na to! Late na ko!

''ANU BA TUMABI KA SABE EH!''

Tiningnan lang niya ko at nagpatuloy ulit sa pagbabasa.

Tinulak ko na siya.

''Ay p*ta!'' Nalaglag yung libro niya. Hindi niya yun pinulot at dahan dahang lumapit sakin. Uh-oh.

''B*tch!'' Nakakatakot yung titig niya.

''Eh ayaw mu kasing umalis eh.'' Halos parang nagso-sorry na yung pagkakasabi ko at paatras ako ng paatras.

''Ano bang karapatan mong palayasin ako ha?'' Ang hina ng pagkakasabi niya.

Gagski pala tong lalaking to eh.

''Eh bakit sayo ba 'tong school?''

Nagulat pa siya sa sinabi ko. Pero lalong sumama yung tingin niya.

Nadikit na yung likod ko sa may pader. Uh-oh wala na ko maatrasan.

Papalapit siya ng papalapit at sinandal niya yung kanang kamay niya sa pader. Ang init! Layo!

''Hindi ako ang may-ari nito,'' pabulong yung pagkasabi niya, ''pero ako ang hari dito. Angal ka?'' Nilapit pa niya yung mukha niya.

Nyetiks kinakabahan ako. Anu ba para kong maiihi anytime. -…-
Ang lapit lapit na niya. Ang init!

Tinulak ko siya palayo. Umalis agad ako at binuksan ang locker ko ng hindi siya pinapansin. Narinig kong nag-snort siya. Kumukulo na talaga yung dugo ko.

''Pero ako ang hari dito. Nyenyenye! Kupal!'' pabulong kong ginaya yung sinabi niya at umirap.

Biglang may humawak sa braso ko.

''Inaasar mo ba ko?'' Oh my galit na siya.

''Kupal ka! Bitawan mo nga ako! Epal ka ah!'' Pilit kong binawi yung kamay ko.

Hinala niya ko papunta sa kanya. Uhmp!

Nilapit niya yung mukha niya sa tainga ko. HELP ME!

''Pasalamat ka babae ka.'' Bulong niya at tumalikod saka naglakad palayo.

Sinundan ko siya ng tingin at ng makalayo na siya ay---

''KUPAL KA!'' sigaw ko sa kanya at mabilis kong sinara ang locker ko at nagtatakbo palayo.

Haha nakaganti ako. Pero panigurado patay ako pag nagkita kame. Awts!
---

''Oh? Ang sama ata ng hitsura mo?'' Bungad ni Justine pagkapasok ko ng classroom.

''Hay nako Jaz, kung alam ko lang na madalas tumambay si kupal sa locker room hindi na sana ko pumupunta don. Argh! Nakakairita talaga!'' Sabi ko at padabog na umupo.

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon