Allyza's POV
Unti-unting tumayo ang Troll sa malalaki nitong mga binti. The troll's body was covered with thick, dark-green moss, at halos mukha lang itong ordinaryong bato na hugis halimaw.
Humiyaw ang troll at bumunot ito ng isang puno at saka iyon iwinasiwas sa ere na para bang naghahamon.
Nakatulala lang ako at hindi ko alam ang gagawin. Nangangatog ang tuhod ko at halos hindi na makahinga.
Isang hiyaw pa ang ginawa ng troll at saka nito itinapon ang puno sa direksyon namin! I couldn't move when I saw the large tree sailing in the air, heading directly towards me.
Napapikit nalang ako pero isang nakabibinging pagsabog ang narinig ko. Unti-unti akong dumilat at nakita si Adriel sa harapan ko na nakatalikod.
Napaatras ako ng makitang umaapoy ang nagkapira-pirasong puno sa may lupa sa palibot niya, pero maski siya, his body was on fire!
Reddish-yellow na apoy ang bahagyang nagsu-swirl sa buong katawan niya, pero hindi nasusunog ang mga suot niya.
Nakabuka ang mga kamay niya na bahagyang nakaangat sa magkabilang gilid, at doon pinakamalakas ang apoy na bumabalot sa kanya.
Hindi ako agad nakagalaw pero may naramdaman akong humatak sa braso ko at dali-dali akong hinatak palayo.
---
Third Person modeMabigat ang paghinga ni Adriel at hindi niya inalis ang tingin niya sa troll habang umaapoy ang buong katawan niya.
He was in rage, and he can be very dangerous.
Umatungal ulit ang troll bago ito sumugod, nag-anyong bato ulit ito at nagpagulong papalapit sa kanya.
Agad siyang gumawa ng paraan, tinitigan lang niya ang mga puno na madadaanan ng troll. Agad na nagliyab ang mga puno dahil lang sa ginawa niyang pag-focus sa mga ito.
Kinontrol niya ang mga nag-aapoy na puno gamit ang mga kamay niya at isa-isa iyong nagkabuwalan para harangan ang daraanan ng troll.
Bumalik ang troll sa dati nitong anyo ng maumpog ito sa isang puno. Lalo itong nagalit.
Hindi nagsayang ng oras si Ad at agad niyang pinatamaan ng apoy ang troll gamit ang kamay niya.
Bumulusok ang apoy diretso sa troll pero laking gulat niya ng mawala ang troll na tila ba nasama sa lupa ang katawan nito, na parang nalusaw ang batong katawan nito at humalo sa lupa.
Bahagyang yumanig ang lupa at wala siyang kaalam-alam na unti-unting umaangat ang troll sa likuran niya. Lilingon na sana siya ng maramdaman ang isang pwersa sa likuran na nagpatumba sa kanya. Sinuntok siya ng troll.
Napada siya sa lupa at nawala ang apoy na bumabalot sa kanya.
Agad niyang tinukod ang mga braso sa lupa at tumayo. Pinaapoy niya ulit ang mga kamay niya at mabilis na pinatamaan ang troll, pero nawala ulit ito.
Lumingon-lingon siya sa paligid at hinihintay na lumabas ang troll. Naramdaman niya ang bahagyang pagyanig ng lupa at napalingon siya sa likuran niya at nakitang ilang metro nalang ang layo ng isang malaking bato na gumugulong papalapit sa kanya!
Agad niyang sinangga ang bato gamit ang apoy na walang tigil na lumalabas sa mga palad niya na nakatutok sa direksyon ng bato.
Malakas ang pwersa ng bato at bahagyang umaatras ang nakatukod niyang paa.
Nag-ipon muna siya ng pwersa bago itinulak ang mga braso paharap, this time ay bumalik sa dati ang troll at natumba ito. Sunog na ang likuran ng troll.
Agad na sumugod si Ad para tapusin ang troll, pero nawala ulit ito at humalo sa lupa.
Nabubwisit na si Adriel, isang swirl ng apoy ang lumabas sa inaapakan niya at nag-spiral papataas sa katawan niya, at saka iyon hinigop ng mga kamay niya.
Pinagdikit muna niya ang mga palad niya sa harapan ng dibdib at saka malakas na sinuntok ang lupa gamit ang kanang kamay. Isang malakas na pulse ng apoy ang lumabas ng tumama ang kamao niya sa lupa. Nagkaroon iyon ng malaking crater at natagilid ang ilang kalapit na puno.
Umangat ang troll mula sa lupa sa di kalayuan at unti-unting gumuho at nadurog habang humihiyaw.
Naging abo ang troll at isang tumpok ng puting abo ang nasa lugar kung san siya nawala.
Hinihingal si Ad at tagaktak ang pawis niya sa leeg at noo. Nakaramdam siya ng sakit sa kanang balikat.
Papatindi ng papatindi ang sakit na para bang pinupunit at sinusunog ang parte ng balikat niya at napaluhod nalang siya.
Sumisigaw na siya sa sakit habang hawak hawak ang balikat.
Ang tattoo, ang tattoo ng Phoenix sa balikat niya, unti-unting lumalakas ang fire magic sa katawan niya. He had overused his power, at unti-unting nakakain ng phoenix ang control niya.
''Adriel!''
Hindi niya narinig ang tawag ni Henry sa kanya dahil wala siyang marinig oh makita, tanging ang matinding sakit lang ang mararamdaman niya.
''Adriel! DON'T!''
Lalo pang tumindi ang sakit at lalo pang lumakas ang sigaw niya, and then he stopped...
---
Henry's POV''Adriel! DON'T!'' sigaw ko sa kanya. Iniwan ko ang mga kasama namin sa isang ligtas na lugar malayo dito at nagawa kong makapunta dito kahit na sa kalagayan ng binti ko.
Nataranta na ko ng lalo lang siyang sumigaw. Alam ko kung gaano katindi ang sakit na dulot ng fire magic niya dahil parehas kami ng kalagayan kapag nakikipag-laban.
Magsasalita pa sana ako ng huminto siya bigla. Mabigat ang paghinga niya at unti-unti siyang tumayo at humarap sakin. Nakayuko siya at hindi ko makita ang mukha niya. Tumutulo ang mga pawis niya at naghihingalo pa rin.
Nagulat ako ng makitang ngumiti siya. Kakaibang ngiti.
''Are you okay?'' Humakbang ako palapit. Hindi siya sumagot, humakbang ulit ako palapit pero napahinto ako.
Nag-angat siya ng tingin at napamura ako ng makitang kulay pula ang mga mata niya.
''I'm not.''
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...