Jess' POV
Alam kong malapit na kaming makalabas mula sa underground na ito dahil tila isang kweba na ang dinadaanan namin. Kulay itim na ang mga walls at gawa sa bato instead na kulay pula na gawa sa lupa. Masikip ang mga dinadaanan namin na medyo papaakyat. Manipis pa rin ang hangin at mababa na ang temperatura sa lugar.
''Tingnan niyo 'to.'' Narinig kong sabi ni Chris at malakas ang echo ng boses niya. Napatingin agad kami sa direksyon niya. May pinapagpag siyang alikabok sa may dingding para mareveal ang gusto niyang ipakita.
Lumapit pa kami at narealize namin na bakas iyon ng mga claws. Parang kinalmot ang dinding at nag-iwan ng marka doon.
Napatingin ako sa ibaba at napatakip sa bibig ko ng makitang maraming bakas ng dugo ang makikita. Hindi lang iyon, mga bakas ng paa ng isang hayop na gawa sa dugo.
''I think the dragon we encountered las time.'' Sabi ni Karen. Napatigil kami saglit, hindi ko alam kung iiba kami ng direksyon.
''Great, let's follow his tracks.'' Sabi ni Henry.
''What? Susundan natin ang halimaw na yan? Wala na tayong laban.'' Protesta ni Gen.
''No, he's going out, his tracks will lead us outside this cave.'' Paliwanag ni Henry at napa-isip ako. Sabagay tama siya. Napa-tango nalang kaming lahat ng may maalala ako.
''He's an underground dragon diba?'' Napahinto silang lahat sa sinabi ko. Sinabi na samin ni Henry na underground dragon iyon, nabubuhay sa mga kweba.
''No, he's not...'' sabi ni Henry. Pare-parehas kaming nagulat, ang mga footprints, hugis paa na ng tao! Gulat na gulat kami, how can a dragon's footprints change into a human's---except there's no human here.
''Papanu nangyare---'' hindi naituloy ni Chris ang sasabihin niya.
''Shapeshifter.'' Sabi ni Henry. Kinabahan ako sa sinabi niya. Ang shapeshifter na nakalaban nila, ang lalaking naka-hood, ang lalaking sigurado akong may kinalaman sa lahat ng 'to. At panigurado akong malakas ang kapangyarihan niya.
''Gen, kaya mo bang alamin ang kinalalagyan niya?'' Tanung ni Henry. Napagtanto niyang isang seer si Gen, at meron siyang kakayahang hulaan ang mga bagay gaya ng future na mangyayari, mambasa ng isip, at marami pa.
''I'll try.'' Sabi niya at pumikit habang nakalagay ang dalawang index finger sa magkabilang gilid ng ulo.
Naghintay kami, at dumilat siya.
''Masyadong marami ang nade-detect kong maybuhay, hindi ko alam kung sino siya sa mga iyon, but...may papalapit.'' Sabi niya. Nagulat kami at nagmasid sa paligid, knowing that anytime maaaring may lumabas na nilalang sa bawat sulok ng cave.
''What is that?'' Tanong ni Henry.
''D-dragons...''
Napatigil kami sa sinabi ni Gen. Dragons again. Tila nag-eecho pa rin sa kabubuuan ng lugar ang sinabi ni Gen at naramdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko. Lumingon lingon ako sa madilim na paligid. Halos kaunti lang ang liwanag, para kaming naglalakad sa madilim na gabi.
''They're...here.'' Pagkasabi noon ni Gen ay nagulat kami ng isang bolang apoy na nakalutang malapit sa lupa ang biglang lumitaw na tila ba sinindihan ito. Nagulat kami ng isa pa ang lumitaw, at isa pa, hanggang sa dumami sila, isa isang nasusunog at unti unting tinatalo ang kadiliman. Hanggang sa nakapabilog na sa amin ang mga bolang apoy.
''W-what are t-these...'' ramdam na ramdam ko ang takot sa boses ni Gen.
''The Dragons...'' sabi ni Henry. Dragons? Pero bolang apoy lang ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...