Hawak-hawak ko ang kamay ni Vince. Ang boyfriend ko, 5th monthsary namin ngayon at nandito kami ngayon sa mall.
"Uhh reign.." Tawag ni Vince sa akin.
Ngumiti ako. "Bakit parang ang seryoso mo diyan?"
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko bago magsalita. "Reign a-ayoko na.."
Napatigil ako at nawala ang ngiti sa labi ko. "A-Ano ka ba naman Vince, H-Hindi yata magandang biro 'yan.." Saad ko.
"Tara na nga, kumain na kaya tayo?" Tanong ko, ngunit ayaw naman niyang sumagot at nananatiling nakayuko. "U-Uy Vince, K-kinakabahan na ako sa'yo.."
"Reign.."
Iniabot niya ang sling bag ko na bitbit niya at muli akong tinignan. Unti-unti na ring bumibilis ang pagtibok ng puso ko. "R-Reign, A-Ayoko na.."
"V-Vince.."
"S-Sorry.."
Paunti-unti namring bumuhos ang luha ko. Monthsary namin ngayon, pero bakit ganito? "H-Hindi nagwork ang five months? P-Pero ayos naman tayo ah.."
Umiling ito. "H-Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko, R-Reign, may mahal na akong iba.." Saad niya at saka muling tumungo.
Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. "V-Vince bakit mo nagawa ito.."
"S-Sorry.."
And then he left.
Five months. Five months ang nasayang sa relasyon naming dalawa nang hindi ko nalalaman ang kung ano mang dahilan. Ito na ba 'yung sinasabi nilang heartbreak? First time ko kasing masabak sa isang relasyon, sawi pa.
Kaya eto, nag-iisa na lang ako ngayon sa mall at umiiyak. Sa kakiyak ko, hindi ko na namalayang may nasangga na pala ako habang naglalakad. "What the??! Miss! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Singhal sa akin nang lalaking nakabangga ko.
Nakayuko ako at nang tignan ko siya ay kita ko ang pagsimangot niya. "Alam mo bang mas mahal pa sa buhay mo itong button down shirt ko?! Badtrip!" He said.
Mariin kong pinunasan ang luha ko. "Why are you crying?"
"Ano namang pake mo."
"I don't care Miss. Tumabi ka na sa daraanan ko." Sabi pa niya at saka inis na pinupunasan niya ang shirt niya na natapunan ng softdrinks. "Lagot ako sa girlfriend ko nito! Alam mo bang regalo pa ito sa akin ng syota ko ha?!"
Napayuko ako at mas lalong napaiyak. "S-Sorry, babayaran ko na lang."
"Miss, ano bang drama mo? Tumabi ka na nga! Makita ka pa ng syota ko."
Sa hindi ko malamang dahilan ay may namuong ideya sa isipan ko. Baliw na ba talaga ako? O nahurt lang talaga ang heart ko?
"Troy! Why are you so tagal! Kanina pa kita hinihintay baby eh.." Sabi ng isang babae pagkalapit niya sa kinaroroonan naming dalawa nang lalaki.
Humalik pa nga sa pisngi ang babae sa lalaki na troy yata ang pangalan.
Ngumiti ako at kinuha ang kamay ni Troy. "Troy, sweetheart. Sino siya?"
Nawala ang ngiti nang babae at kunot noo akong tinignan. "Girl! Anong sino siya? Troy! Ano 'to?"
"Baby hindi ko alam." Nag-aapurang sabi naman ni Troy.
"Sabi ko na nga ba, manloloko ka eh! Magsama-sama kayo!"
"Baby! Baby! Wait! I can explain.."
Feeling ko dapat wala na ako rito, baka mamaya ako na ang kawawain ng dalawang ito. Mabilis akong naglakad ng patakbo palabas ng mall at iniwan na ang dalawa.
Dahil nasaktan ang feelings ko, started today. Hindi ko na kilala si Mister kupido na pinagkatiwalaan ko noon.
Ewan ko rin ba, kung bakit pumasok sa isipan ko na guluhin ang relasyon ng dalawa kanina. Gusto ko lang kasi na madamay sa pagka-hurt ng feelings ko ang lalaking napakayabang kanina. Akala mo kung sino, eh mas mayaman pa yata ako sa kanya.
"Hoy, babae! Halika nga rito!"
Mabilis na nanlaki ang mata ko. Hala! Hala! Hindi niya ba ako naabutan?
Buti na lang at nakita ko na agad ang driver ko na nag-aabang sa tapat ng sasakyan kaya agad ko itong sinenyasan. "Kuya pakibilis naman! Oh god!"
Nakapasok na ako sa sasakyan at todo-todo na ang kaba ko lalo na nang kalabugin nang lalaking nagngangalang troy ang bintana ng sasakyan ko, oh god! Sinabi ko na nga ba't mali ang ginawa ko kanina.
"Ma'am! H-Hindi ko po mapa-andar ang kotse."
Napatingin ako sa itaas. Oh lord! Nagsisi na ho ako sa ginawa kong kasalanan kanina, na-hurt lang talaga feelings ko.
"Buksan mo ito! Fu ck!"
Napatingin ako sa driver ko. "Ma'am sino ba yan?"
"Manong, dala mo ba 'yung pellet gun mo?"
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
General FictionWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria