Kabanata 8

38K 1.1K 41
                                    



"Bakit ganyan na naman ang mukha mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Yssa.

Nakakainis naman kasi 'yung troy na 'yon! Pinipilit akong umuwi na lang, ayoko nga! Masyado siyang bossy akala naman niya mapapasunod niya ako.

Mukhang nakainom na rin 'yung isang iyon kaya nilayasan ko na rin, bahala na siya sa buhay niya. Parang kanina lang kinikilig pa ako sa kanya habang magka-text kami at magka-tawagan pero ngayon parang bulang bigla na lang na nawala, bwisit na 'yon, sino ba siya para pauwiin ako?!

"Girl! Tinatanong kita, ba't ganyan na ang mukha mo?"

Binalingan ko ng tingin ang katabi ko na nakaupo na rin ngayon at may hawak na beer. "Lasing ka na yata, tama na 'yan." Sabi ko.

Tumango naman siya at kasunod 'non ay ang paglaklak na niya ng beer na hawak niya.

"Hoy Yssa! Ako ang broken hearted dito pero ikaw ang tagay ng tagay." Natatawang sabi ko.

"Eh sabi mo, enjoy lang tayo, kaya eto oh!"

"Hi, girls."

Napatigil ako nang makarinig ako nang boses ng isang lalaki.

"Hi, miko!" Ngiti ko.

Mukhang hindi pa rin tinatamaan ng kalasingan ang lalaking ito, maayos pa kasi ang mga kilos niya kumpara sa kasama kong halos makatulog na sa kalasingan.

"Buti nakita ulit kita." Sabi niya at itinuro ang tabi ko. "May i?" Tanong pa niya at tumango naman ako.

"Miko, sorry nga pala kanina kay Troy ah? Pagpasensyahan mo na 'yon, medyo lasing na rin kasi 'yon." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang naman siya at parang tuwang-tuwa pa na nakikinig sa akin.

"Sorry rin, di ko alam na may boyfriend ka, sabi mo kasi wala eh," natatawang sabi niya. "Anyway nasan na ang boyfriend mo? Baka kung anong isipin na naman 'non." Sabi pa niya.

Ipinilig ko naman ang ulo ko. "Wala akong boyfriend 'noh!"

Tila ba hindi naman siya makapaniwala. "Eh, 'yung kanina sino 'yun?"

"Wala 'yon, kaklase ko lang 'yon." Ngiti ko.

Napailing na lamang si Miko. "Akala ko pa naman boyfriend mo 'yon. Inangasan pa ako ng gago," nanunuyang sabi niya.

"Sinong gago?" Literal na nanlaki ang mata ko at mariing napalunok nang marinig ko ang boses na iyon ni Troy na nasa sa likod ko.

"Pre, ano bang problema mo sakin ha?"

Bumilis ang paghinga ko lalo na nang tumayo si Miko at nakipagsukatan ng tingin kay Troy, nilingon ko ang kaibigan kong si Yssa kung pwede kong mahingan ng tulong pero tulog na ang gaga! Nakakainis.

"Layuan mo 'yang girlfriend ko,"

Napatayo na rin ako at mabilis na lumapit sa kanilang dalawa.

"Troy, pwede bang, umalis ka nalang?" Sabi ko, pero mukhang isang oagkakamali na sabihin iyon sa kanya lalo na't ngayon na mukhang lasing na rin siya.

"Umalis? Ako?!"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at tinignan ang paligid, mukhang wala pang nakakapansin sa amin, dahil busy ang lahat sa kanilang mga ginagawa.

Binalingan ko ng tingin si Miko na ngayon ay mukhang mainit na rin ang ulo.

"M-Miko, pasensya na, mauuna na kami ni troy.." Sabi ko.

Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tumango na lamang. "Okay, see you again soon, nice to meet you." Sabi niya, pero nararamdaman ko pa rin ang matatalim na tingin ni Troy sa tabi ko.

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon