Kabanata 25

30.2K 627 25
                                    

Graduation.

Ito ang pinakahihintay na araw ko sa lahat, ang makatapak sa stage bitbit ang diploma ko. Apat na taon rin akong naburyo sa pag-aaral para lang maka-graduate, and at the moment masaya kong winagayway sa magulang kong nanunuod sa ibaba ng stage ang hawak kong diploma.

And now, finally, isa na rin akong business management graduate!

"Congratulations Anak! We're so proud of you!" Yakap-yakap ako ni Mama habang si Papa naman ay nakangiti g kumukuha sa amin ng litrato, habang ang Kuya ko ay masaya rin akong binati.

Galing sa business meeting ang magulang ko at masayang-masaya ako dahil nandito ngayon ang buong pamilya ko.

"Pwede ka nang magtrabaho sa Company na'tin! Pwede ka sa Chief accounting office, or kung gusto ko 'doon ka sa Barcelona, o kaya naman sa Maldives, sa branch natin doon." Ani Papa nang makasakay kami sa sasakyan.

Tumango naman ako, "Pag-iisipan ko pa po, Pa." Sabi ko, ayoko kasi munang magpaligoy-ligoy sa pagdedesisyon sa pagtatrabaho, para sa akin ay mas maganda kasi talaga kapag nag-umpisa muna ako sa mababa. Eh ang gusto kasi ni Papa ay maging boss na agad ako, Wala naman sa aking problema iyon pero para sa akin, pwede naman akong mag-start in sales office. Hindi ko pa siguro forte ang Chief accounting, hindi rin ako makapgdesisyon kung magtatrabaho ako sa Barcelona o sa Maldives, matagal na kasing ino-offer sa akin ni Papa ang trabaho doon.

Habang nasa biyahe pauwi ay biglang pumasok sa isipan ko si Troy. Hindi siya nakadalo sa graduation ko dahil may pasok siya ngayon. Hindi pa kasi siya pwedeng maka-graduate dahil hindi pa kumpleto ang mga units niya, siguro ay next sem pa siya makaka-graduate bilang isang architect. Then after that, sabi niya sa akin ay mag-rereview naman daw siya para sa board exam niya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at saktong-sakto na nareceived ko ang text ni Troy sa akin.

Congrats, baby! :)

I just smiled. Gusto ko pa sanang sabunutan sa kilig ang Kuya ko na katabi ko pala dito sa sasakyan pero hindi ko naman magawa, baka magalit sa akin.

Until now, hindi pa rin alam ng family ko ang relationship namin ni Troy. Naiintindihan niya naman kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa sinasabi sa pamilya ko.

Kinagabihan ay maraming tao sa bahay.

May party kasi, to celebrate my graduation.

"Hija! I'm so proud of you." Napangiti ako at saka nagmano sa lola ko.

"Maraming salamat po, Lola!" Masayang tinig ko.

Kanina pang seven nag-start ang party at ngayon palang ay napakarami ng bisita. Hindi ko nga namalayan na pati si Vince ay nandito.

"Reign, Congratulations!" Ngiting sabi sa akin ni Vince,

Tumango naman na ako at nagpasalamat, mukhang may gusto pa siyang sabihin sa akin pero nagpaalam na ako sa kanya, hinihintay ko rin kasi ang pagdating ni Troy dito sa party ko.

Sabi niya sa akin ay gagabihin siya ng dating dahil may tatapusin lang daw siyang imporanteng plates niya, naintindihan ko naman iyon.

Pero past nine pm na pero wala pa rin si Troy,

Ilang ulit kong idinial ang cellphone ni Troy pero what the hell? Bakit cannot be reached?

So, I decided to text him nalang.

Where are you?

Sent.

Pero nine thirty pm na ay wala pa ring reply sa akin si Troy,

"Reign. Can I talk to you?" Ani Vince na lumapit sa akin, mukha siyang nakainom pero sa tingin ko'y okay pa naman siya.

Hindi ako nagsalita, hinintay ko lang ang mga susunod niyang sasabihin. "I'm sorry sa gulo ko sa inyo last month."

"Matagal na iyon, okay na."

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Vince.

"Na 'san nga pala ang boyfriend mo?"

Muli akong napabuga sa hangin. "Nasa school?"

Napansin ko na bahagyang kumunot ang noo ni Vince, "School? Pero nakita ko siya kanina kasama ng ex ko."

"Ex mo?" Nanlaki ang mata ko, "Althea?"

Tumango siya at saka parang tangang natawa, "Iniwan ako ni Athea para sa lalaking iyon."

"Huh?" Huh tila ako nabingi sa sinabi niya,

"Reign. Hindi ka mahal ni Troy."

Nanlaki ang mata ko sa bigla, kaya sa gulat ko ay bigla kong nasampal ang gagong ito, "How dare you to say that?!" mabuti na lang at walang tao sa may loob ng bahay namin.

"Sinasabi ko lang ang totoo dahil 'yun ang nakita at nasaksihan ko! Hindi ka niya mahal Reign! Niligawan ka niya dahil gusto niyang magselos si Althea sa inyo! Hindi ka niya—"

"UMALIS KA NA!"

"Parehas lang tayong niloloko, Reign.."

"FVCK YOU!" Tinulak ko siya at hindi naman siya pumalag, malungkot niya akong tinignan at saka tumalikod na para umalis.

Hinihingal kong tinignan ang cellphone ko pero hindi naman nagreply sa akin si Troy.

Nagpasya ako sa lisanin ang Party sa bahay, para pumunta sa condominium si Troy, It's already 10 pm at nagbabakasakali ako na makita siya sa condo niya. Sabi niya kasi kanina sa akin sa huli niyang text ay nasa school pa siya at gumagawa ng plates

Mahigit isang buwan na pala ang relasyon namin ni Troy, masaya naman ako sa nakalipas na mahigit na isang buwan na iyon dahil ipinapakita niya naman sa akin kung gaano niya ako kamahal at kagusto ko.

Wala naman akong napapansin na kakaiba sa kanya bukod nalang noong nakaraang linggo pa. Naging busy kasi masyado si Troy sa mga thesis at plates niya.

Eleven thirty nang makarating ako sa condo Troy. Bumaba ako sa sasakyan at saka naglakad papasok sa loob ng building. Hindi na rin ako tinanong pa ng guard dahil kilala na ako rito dahil madalas naman akong bumisita rito.

Nang makarating ako sa 18th floor kung nasaan ang unit ni Troy ay agad akong kumatok.

After a few minutes, sa wakas binuksan na rin ni Troy ang pintuan, ngumiti ako at yayakapin ko na sana si Troy, pero nanlaki ang mata ko nang makita kong hindi naman si Troy ang bumungad sa akin.

Napapikit ako at tuluyan nang binalot ng kaba ang dibdib ko lalo na nang makita kong gulo-gulo pa ang ayos ng buhok ni Althea pati na rin nang makita ko ang t-shirt ni Troy na suot-suot niya.

"Baby, sino 'yan?"

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon