Kabanata 34

30.2K 675 35
                                    

Lame, sorry.

-----

"Bakit ka nakasimangot bes? Eh nagkita naman kayo ni Pierce kanina.."

Kibit-balikat ko na alng na sinagot si Loraine, "Oo nga pala, nakita ko 'yung poging hanap ng hanap sa 'yo kahapon, sa labas ng office mo. Nag-usap kayo noh?"

"Si Troy ba?" Tanong ko,

"Sino pa ba? So siya nga?"

Tumango naman ako at wala pang ilang segundo ay pinaghahampas na ako ni Loraine. aray, ang sakit 'nun ah! "Gaga ka! Bakit ka naman niya pinuntahan? Emerged! Pero infairness bes super gwapo as in!"

"Wala! Wag ka na nga magtanong,"

Nandito kasi kami sa isang mall sa may Cali. Nasa loob ng restaurant at kumakain.

Habang kumakain kaming dalawa ni Loraine ay panay lang ang pagdaldal n'ya, tango lang ako ng tango sa bawat dakdak niya,

"Can I seat beside you?" Nagulat ako at parehas pa kami ni Loraine na nanlaki ang mata habang nakatingin kay Troy na umupo agad sa tabi ko.

"Emerged! Bes siya 'yung Pogi 'diba! Emerged! Tsupi ka muna diyan, tatabi ako kay Pogi!"

Mabilis kong sinimangutan si Loraine na akmang tatayo na, nang makita niya naman ang reaksyon ng mukha ko ay umupo muli siya sa upuan niya at saka nag peace sign pa.

"Hi!" Ngiting bati ni Troy kay Loraine.

"Hello.." Shytype na sabi naman ni Loraine. Eh? Shytype? "Mag C.R lang pala ako," sabi ni Loraine at tumayo na.

"Uhh, Reign. Pasensya ka na, ngayon lang kita nasundan. May ginawa kasi ako eh, kakatapos ko lang." Sabi ni Troy sabay baling ng tingin sa akin.

Napa-irap naman ako at saka uminom ng tubig, "So?"

"Uhh-" mas lalo akong napa-irap nang mapakamot pa siya sa ulo niya, "Sinabi ko lang sa 'yo."

Hindi ko na siya sinagot, kinuha ko na lang ang cellphone ko mula sa bulsa ko at binasa ang text ni Pierce.

Babe, I'll be goin' to your haws later at 9. I missed you.

Napangiti naman ako at saka nag-type,

Okay, I missed you too. See you, baby.

Nang mai-send ko na ang text ko ay napabaling naman ako sa tabi ko, "M-Mahal mo talaga siya?"

Pansin ko ang pagkagat niya ng ibabang labi niya at saglit pang napapikit ng mariin. "Why?"

Tumungo naman siya, kaya hindi ko na nakita pa ang reaksyon ng mukha niya. "H-Hindi mo na talaga ako nahintay." Sabi niya at nagulat ako nang umaalog-alog niya ang balikat niya. "A-Alam mo bang binalikan kita noon sa condo ko? After what happened eh, ikaw pa 'rin talaga ang-"

Okay, by the way baby. I missed your lips. :D

Napangiti ako nang mabasa ko ang reply ni Pierce sa akin. Magre-reply na sana ako pero nakarinig ako ng paghikbi sa tabi ko.

"Kahit pakinggan mo man lang ako, hindi mo na kayang magawa."

"And?"

Muling napayuko si Troy sa tabi ko, "R-Reign. Ngayon lang ako naglakas loob na magpakita ulit sa 'yo, kahit seven years na kitang binabantayan."

Halos mapatigil ako at mapa-awang pati labi ko sa sinabi niya, "S-Sinabi ko naman sa 'yo na babalikan kita 'diba? I-Ikaw lang naman talaga eh."

Mabilsi na pinunasan ni Troy ang luha na tumutulo mula sa mata niya, "Ilang beses na kitang nakikita na may kahalikang ibang lalaki. G-Gustong-gusto ko nang pumatay pero hindi ko magawa dahil ako 'rin naman ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan.."

Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko at mabilis na dinala sa pisngi niya, "K-Kung gusto mo, sampalin mo ako, saktan mo ako, pero 'wag mo naman akong ipagpalit..."

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon