"Reign, are you okay?"I smiled, when Loraine asked me. "Puntahan ko muna si Pierce," Sabi ko sa kanya.
Tumango naman si Loraine at itinuloy ang pagsasayaw kasama ng isang amerikanong nadekwat niya lang kani-kanina.
Habang naglalakad ako pabalik sa pwesto namin ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Hindi kaya; namamalikmata lang ako? Gusto ko sanang ignorahin ang nakita ko kanina, pero hindi naman mawala-wala sa isipan ko.
Bahagya akong napangiti nang makita ko si Pierce na nakatulog na sa mesa niya. Mukahang pagod na talaga siya, Umupo ako sa tabi niya at hinayaan nalang muna siyang maka-upo sa tabi ko..
Binuksan ko ang beer-in-can sa tabi ni Pierce, hanggang ngayon kasi ay tulog pa ang tulog na tulog na boyfriend ko sa tabi ko,
Minutes after, hindi pa rin bumabalik sa pwesto namin si Loraine kaya I decided to text her nalang, ayoko na kasing tumayo dahil medyo tinamaan na yata ako ng alak.
Makalipas muli ang ilan pang mga minuto ay hindi pa rin bumabalik si Loraine kaya nagdesisyon na akong tumayo kahit na hindi na ganoong ka-balanse ang paglalakad ko.
Naglalakad ako patungo sa dance floor nang may lalaking naka-bangga sa akin. I was about to ignore him nalang at magpatuloy sa paglalalakad nang muli kong mapansin sa may hindi kalayuan sa pwesto ko ang pamilyar na pigura ng lalaking ngayon ay nakatingin sa akin.
Ilang beses akong napakurap pero hindi naman mawala-wala sa paningin ko si Troy na ngayon ay halos nakatitig na sa akin.
"Miss, are you okay?"
Napabaling ang tingin ko sa lalaking nakabangga sa akin, "Yes."
Naglakad na ako at inilibot muli ang paningin, pero muling napadako ang paningin ko kay Troy na ngayon ay nakayuko at nag-iisa sa may dulong bahagi ng dance floor. Totoo ba itong nakikita ko. Hindi kaya, nananaginip lang ako?
"Reign! Nakatulala ka diyan? okay ka lang ba talaga?" Mabilis na napabaling ang tingin ko kay Loraine na ngayon ay nasa harapan ko na pala. "Sino bang tinitignan mo?"
Umiling ako at hinila si Loraine pero hindi naman siya nagpaawat, mukhang lasing na 'rin ang isang kaibigan kong ito. "Loraine! Tayo na!" Sabi ko sa kanya, pero naglakad lang siya patungo sa direksyon ni Troy,
"Loraine!"
"Wait lang bes!" Nilingon naman ako ni Loraine, "Ang pogi kasi ng tinitignan mo, at saka mukhang pinoy to teh!"
"Tara na!" Sabi ko at umambang tatalikod na sa kanya pero huli na ako dahil ngayon ay tuluyan na siyang nakalapit kay Troy.
Muli akong napalingon sa pwesto ni Troy pero nasa sleeping stage pa rin in fairy dreams ang boyfriend kong si Pierce, "Hi! I'm Loraine and you are?" Tanong ni Loraine.
Hindi naman nakasagot si Troy, sa halip ay nananatili pa rin ang tingin niya sa akin, muli akong napalaunok at saka nagsalita, "Loraine! bahala ka sa buhay mo, mauuna na ako!"
Naglakad na ako patungo sa pwesto ni Pierce pero muli akong napatigil nang may maramdaman ako sa likod ko, "R-Reign...."
Mariin akong napapikit bago lingunin ang pamilyar na pamilyar na boses na iyon. It's been seven years at sa tinagal-tagal ay ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. Sinalubong ko siya ng tingin na ngayon ay nakayuko na sa harapan ko.
"May I know you?" Sabi ko.
Gusto ko sanang matawa sa katangahang naisip ko, pero masisisi ko ba ang sarili ko ngayon?
"Uhhh-" napansin ko ang pagpa-panic ng kanyang mukha nang makita ko ang kanyang reaksyon, "H-Hindi mo ako nakikilala?" Naginginig na tanong niya sabay turo sa sarili niya.
Umiling ako at saka binalingan ng tingin si Loraine nanngayon ay halos mapatulala na sa amin, "Tara na!" Sabi ko sa kanya at naglakad na patungo sa pwesto namin ni Pierce.
Nang makarating ako sa pwesto niya ay agad akong tumabi at saka kinalabit ang balikat niya. "Babe, gising na po.." Sabi ko sa kanya,
Nang balingan ko naman ng tingin si Loraine ay nakita ko siyang kausap ang lalaking kanina lang ay nasa harapan ko, Si Troy.
Sinamaan ko lang ng tingin si Loraine.
Hindi na rin nagtagal dahil nagising na rin si Pierce. "You're so sleepy na, We're going home na naman," I said and gave him a kissed on his cheeks.
"Nakakapagod kasi sa office.." Aniya at hinawakan ang kamay ko at dinala iyon sa lani niya.
Napatawa ako dahil nakiliti ako sa ginawa niya, tumigil rin naman siya sa ginagawa niya at saka ako mabilis na hinalikan sa labi.
"Na-miss ko agad lips mo eh," nakangiting sabi ni Pierce at saka ako inakbayan.
Muli akong napangiti at nang mapatingin ako sa kinaroroonan ni Troy ay nakita ko ang kalungkutan sa mukha niya.
Lungkot?
What the hell?
-----
Ang sabaw at bitin ba? Hahahahahahaha sorry na po hehehe
Anyway; pa-like sa facebook, Search n'yo lang: Iheartthisguy Stories
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
Ficción GeneralWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria