"Arrrg! You're so tagal promise!" Naiimbyerna kong sabi kay Loraine."Chill lang kasi bes, birthday ko kaya today!" Aniya habang naglalagay ng make-up sa mukha niya. "Kaya kailangan, maganda ako!"
Mamaya, Pupunta kami sa Cabin Place sa may West California, to celebrate her birthday. Halos magtatlong-taon na kaming magkaibigan ni Loraine dito sa California. "Nga pala? Where's Pierce? Bakit wala?" She asked me.
"Papunta na daw. 'Di ba, galing siya sa office." Sabi ko at saka tinignan ang oras sa cellphone ko. It's 8:50 in the evening.
"Infairness ah! Mag-two years na kayong mag-jowa ni Pierce! Aniya at may pahapyaw na pagtili pa.
Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya.
Oo nga pala. Two years na pala kami ni Pierce sa December. Grabe! Ang bilis ng panahaon, parang kailan lang ay nililigawan pa lang niya ako pero ngayon ay kami na at magdadalawang taon na kami!
Nakilala ko si Pierce noong naging head ako sa accounting office sa kompanya ni Daddy sa San Diego, California. Si Pierce ay isa sa mga Filipino VIP's ng Company nila Daddy, malaki kasi ang nainvest ng family nila Pierce sa company namin dito sa San Diego.
It's been seven years, at para sa akin ay matagal ko nang nabaon sa limot ang lahat. After what happened noong ipinagpalit ako ni Troy kay Althea ay pumayag na ako sa kasunduan namin ni Papa na magtrabaho na lang ako sa aming office sa Barcelona, Spain.
Two years rin akong nagtagal sa Barcelona, at pagkatapos ay sinundan ko na si Kuya dito sa San Diego at dito na rin nagtrabaho.
Marami ring nangyari makalipas ang ilan pang mga taon.
Nang makarating ako dito sa Amerika ay dito ko na ipinokus ang sarili ko. Katunayan nga, nakapundar na ako ng sarili kong bahay at may tatlong sasakyan na rin ako dito na hindi man lamang na nakakahingi ng tulong kila Mommy at Daddy. Malaki rin kasi ang dahod ko at isa pa, hawak ko ang oras ko.
Dito na rin tumira sa Amerika si Kuya at isinama ang pamilya niya. May sarili na ring pamilya si Kuya at to tell you honestly ay may dalawa na akong cute na cute na pamangkin.
"Hey, babe." Napangiti ako nang maramdaman ko ang labi ni Pierce sa pisngi ko.
"Tagal mo ah," Natatawang sabi ko,
Nangibit-balikat lamang siya at saka ako niyakap ng mahigpit, "May meeting sa office, babe. Tagal nang matapos eh." Aniya
"Tapos na ako, guys." Sabay kaming napatingin ni Pierce kay Loraine.
"Buti naman at natapos ka na," umiiling-iling na sabi ko.
Naglakad na kami palabas sa bahay ni Loraine. Ngayon ay pupunta na kami sa Cabin Place dahil gusto ngang icelebrate ni Loraine ang kanyang birthday doon. Mabuti nga at sinamahan kami ni Pierce kahit na hectic na hectic ang schedule niya.
"New password ka na?" Nagtataka kong tanong kay Pierce nang hiramin ko ang cellphone niya. Hindi ko na kasi ma-access ang cellphone niya.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa sasakyan ni Pierce ngayon at siya na rin ang nagmamaneho patungo sa Cabin Place, hindi kasi ako pinapayagan ni Pierce na magmaneho kapag kaming dalawa ang magkasama.
"It's 7679, babe." Sabi niya habang patuloy na nagmamaneho, "Pilnaltan ko ng Password kasi nalaman ng kapatid ko ang Old pass ko, kaya pinapakialaman niya," He said.
I nodded habang naghahanap sa messages niya. Wala naman akong makitang ibang ka-text si Pierce bukod sa akin. Halos araw-araw ko kasing chinecheck ang cellphone niya at nasasanay na naman siya doon, ganun din naman si Pierce sa akin.
Nang makarating kami sa Cabin Place ay agad kaming pumasok sa loob. Woah! Ang daming tao ngayon ah! "Sayaw tayo!" Masayang sabi ni Loraine sa akin, pero hinila lamang ako ni Pierce at itinabi ako sa kanya.
"Loraine. Bawal si Reign." Napangiti naman ako at saka kinurot ang pisngi ng boyfriend ko.
"Ngayon lang naman eh," I pouted.
Napangiti akong muli nang makita kong napabuntong hininga na lang si Pierce. okay, I will wait for you.." Aniya at agad tumawag ng waiter.
Nakipag-apir naman ako kay Loraine. "Omg girl! Ikaw na talaga!" Aniya, habang hinahawak-hawakan ang buhok ko.
Tumingin naman ako muli kay Pierce na ngayon ay kumukuha na ng inumin niya, "Pierce, 'wag ka maglasing ha." Sabi ko sa kanya.
He smiled and kissed me on my lips. "Yes, baby."
Napangiti naman ako at saka muling kinurot ang pisngi niya, "Saglit lang kami ni Loraine! Diyan lang kami sa may dance floor." Sabi ko at nilakasan ko pa ang boses ko dahil sa ingay ng paligid.
"I'll look for you babe," Sabi pa niya at pumwesto na sa may round table. "I love you!" Sabi niya.
"You too," nangingiting sabi ko.
Nangunot naman ang noo niya, "You too?"
Napatawa naman ako at naramdaman ko na ang pagsabunot ni Loraine sa likod ko, "I said, I love you too!"
Tuluyan na akong hinila ni Loraine patungong dance floor. Katunayan, maraming neses na akong nakarating sa lugar na ito dahil madalas kong samahan si Loraine dito. Sinimulan na naming sumayaw.
Ang maganda lang dito sa Cabin place ay mababait ang mga staff, pati na rin ang mga customers dito. Hindi naman ito 'yung lugar kung saan halo-halo ang tao.
"Oh my god! He's asking me!" Napatawa nalang ako nang may itinuro si Loraine sa tabi ko na, amerikanong nasa tapat niya.
Nag-thumbs up naman ako sa kanya at saka tumingin sa paligid.
I was about to dance again, pero napukaw ng aking atensyon ang isang pigura ng lalaking pamilyar na pamilyar sa akin.
He was looking at me intently, "Troy...."
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
Aktuelle LiteraturWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria