Kabanata 9

37.5K 846 36
                                    

"Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Kanina pa kita kinakausap pero di mo naman ako sinasagot." Sabi ni Troy sa tabi ko.

Tumayo na ako at saka muling naglakad, kasalukuyan kasi akong nasa canteen pero wala namang ginawa si Troy kung hindi ang sundan at bwisitin ako.

Kagabi kasi, hindi ako pinatulog ng pesteng halik na 'yon! Hindi ako pinatulog ng magdamag. Tapos kanina, pinagalitan pa ako ng prof ko dahil wala akong nasagot sa tanong niya, lutang kasi ang isip ko at tanging halik lamang ni Troy ang lumalakbay sa isipan ko.

"Reign naman, bakit ka ba ganyan?" Mahinahong tanong sa akin ni Troy,

Sinundan na naman niya ako,

Inis kong hinarap siya. "Pwede ba, layuan mo muna ako!"

Kita ko ang kaguluhan sa mukha niya, mukhang nalilito pero wala na akong pakealam 'ron, mas maganda pa ngang lubayan na niya muna ako tutal wala pa naman si Althea rito.

"Hindi ako mapakali kapag ganyan ka.." Saad niya,

Naramdaman ko na naman na sinusundan niya ako.

"Ano bang nagawa ko? Akala ko okay tayo?"

Pumasok na ako sa klase, naiwan sa labas ng classroom si Troy dahil hindi naman kami magkaklase sa ganitong subject, mamaya pa kasi ang Rizal namin at doon lamang kami magkaklase ni Troy.

"Reign! Bakit pala nasa labas si Troy?" Tanong ni Yssa nang makalapit siya sa kinauupuan ko, galing din kasi siya sa labas at hindi kami sabay mag-lunch.

Kibit-balikat ko siyang tinanong.

"I don't know."

Tumawa si Yssa.

"LQ?"

Napasimangot naman ako.

"Anong LQ?"

"Sus, ewan ko sa'yo, kunwari ka pa eh," Pang-aasar niya, napatigil lamang iyon nang dumating na ang prof namin.

Sa buong oras na iyon ay walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi si Troy! What the hell?! Bakit ba ang gwapong mukha niya ang nangingibabaw sa isip ko?!

Natapos ang klase sa management at Rizal na nga ang subject namin ngayon, it means, kaklase ko na si Troy.

"Reign."

Napatigil ako sa pagsusulat ng kung ano sa notebook ko nang tawagin niya ako sa tabi ko.

"May nagawa ba akong mali para magkaganyan ka?" Seryosong tanong niya pero hindi ko naman siya magawang sagutin.

"K-Kung meron man, sorry.." He said,

Doon na ako tuluyang napatingin sa kanya.

Seryoso ang mga mata niyang nakatutok sa akin.

"Okay lang ba tayo? Hindi kasi talaga ako mapakali." Pag-amin niya.

Tumango ako.

"Wala namang problema." Tugon ko.

Ngumiti siya dahilan para manlambot na talaga ang puso ko nang tuluyan.

"Pinag-alala mo ako, akala ko naman eh, break na agad tayo." Aniya.

Natawa naman ako.

"Anong break? Hindi naman tayo and napag-usapan naman natin na mag-girlfriend-boyfriend lang tayo kapag nandiyan si Althea noh!"

Nawala ang ngiti sa labi niya.

"Nakita ko siya kanina." Mahinang sabi niya.

Napakunot ang noo ko, hindi naman malabong hindi sila magkita dahil nasa iisang department lamang sila. Parehas kasing Architecture ang course nilang dalawa.

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon