"Loraine, Pa-wax muna tayo sa salon," Sabi ko kay Loraine nang makarating siya sa pwesto namin."Sige, Papa-itim na 'rin ako ng buhok ko." Sabi noya.
Tumango ako at tumayo na, hindi ko nga namalayan na nandito pa pala si Troy. Simula kasi nang dumating si Loraine ay napatahimik na siya. "Hindi ka pa uuwi?" Nagtatakang tanong ko kay Troy.
Marahan naman siyang umiling at saka hinila pababa ang laylayan ng damit ko. "Ang ikli naman ng suot mo," seryosong sabi niya habang umiiling-iling.
Napa-irap naman ako at lumayo pa ng kaunti sa kanya, "Wag 'mong tignan!" Sabi ko at saka naglakad na kasabay si Loraine.
Nakalabas na kami sa restaurant ni Loraine. Napatahimik tuloy si Loraine at tila nakikiramdam sa ikinikilos ko.
"Wait lang."
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Lor patungo sa third floor ng mall, "Samahan ko na kayo." Rinig kong sabi ni Troy na sumunod na naman pala sa amin ni Loraine.
"Magka-away ba kayo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Loraine.
Umiling ako habang dire-diretso lang paglalakad, Malakas ang pakiramdam ko na nasa gilid ko lang si Troy at nagmamasid-masid. Parang tanga ang gago.
Nakapasok na kami ni Loraine sa loob ng Parlor at si Troy naman ay sumunod pa 'rin hanggang sa loob.
Mahigit apat na oras na kami ni Loraine na nasa Parlor at nagpapa-ayos ng buhok, nakikita ko kula sa kinauupuan ko ang inip na inip na si Troy sa may counter area ng Parlor.
Pagak akong napatawa habang pinagmamasdan siya. Four hours na siyang naghihintay sanamin pero hanggang ngayon ay hindi pa 'rin siya umuuwi.
Unang natapos sa pagpapaayos si Loraine at makaraan pa ang ilan pang mga minuto ay sumunod na akong natapos, "Reign. Kanina pa siya nandiyan! hinintay ka niya bes! Emerged! What's happening,"
Kibit-balikat ko siyang sinagot at nagpatuloy na palabas ng Parlor. Nang makita naman kami ni Try ay agad siyang napatayo at saka tumabi sa akin sa paglalakad, Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad kasabay ko.
Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang kamay ni Troy sa balikat ko, halos mapanginig ako pero hindi ko na ipinahalata iyon, "Troy! Kamay mo nga?!"
Natatawa-tawa niya akong binalingan habang taas-taas niya ang kamay niya, "Bakit? May nagawa na naman ba ako?" Natatawa-tawa noyang tanong.
Napabaling naman ako ng tingin kay Loraine na may bahid na pagtataka ang kanyang mukha habang nakatingin sa aming dalawa ni Troy.
"Lumayo ka nga sa akin?"
Mabilis akong naglakad kaya sumunod na 'rin sa akin si Loraine, "Girl! Ano ba meron? Please enlighten me, emerged!" Kilig na kilig na sabi niya habang pinaghahahampas ako sa braso ko.
Magsasalita na sa ako nang mapatingin ako sa nakatayong si Troy sa harapan ko. "Flowers for you,." Nakangiting sabi niya habang iniabot sa akin ang isang boquet ng flowers.
Halos mamilog naman ang mata ko sa aking nakita, flowers? Bakit sa isang punto ay may bulaklak na agad siyang hawak?
Napailing na lamang ako sa isip ko at wala sa sariling tinanggap ang bulaklak.
"Emerged bes!"
Muntik na akong mapangiti nang tuluyan kung hindi lang pumasok sa isip ko ang ideyang namumuo sa utak ko, "Loraine, pakitapon naman sa trash can,"
Nang marinig ni Troy ang sinabi ko ay agad kong nakita ang kalungkutan sa mukha niya. Napa-isip tuloy ako. Tama pa ba ang ginagawa kong ito?
"Reign, Plea-"
"Umuwi ka na sa inyo, Troy."
"P-Pero kasi..."
Agad kong iniabot muli sa kanya ang bulaklak na ibinigay niya sa akin. "Hindi ko kailangan niyan," Sabi ko.
Malungkot niya iyong tinanggap habang nakayuko.
Parang sa isang iglap ay nakaramdam tuloy ako ng konsensya, "Alis na."
Dahan-dahan naman siyang tumango at hindi 'rin naman nagtagal dahil tumalikod na 'rin siya sa amin at naglakad na paalis.
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
General FictionWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria