Kabanata 37

31.4K 665 17
                                    



"Bakit ba ayaw mong umuwi?!" Naiinis na tanong ko kay Troy.

Paano'y sa kakaiyak ko ay hindi ko namamalayan na hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa 'rin siya. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi pa tayo bati." Ngumungusong sabi niya.

Pahak naman akong napatawa, "Excuse me?!"

"Oh?" Sabi niya sabay punas muli sa may pisngi ko.

Umiwas naman ako pero huli na ako, "Anong oh?! Umalis ka na sa tabi ko!" Naiinis ko pang sabi sa kanya.

Natatawa naman siyang tumayo ngunit hindi naman siya umaalis sa tabi ko. Nang-aasar ba ang lokong ito?

"Oo nga pala.." Sabi niya nang mukhang may maalala. "Pinaiyak ka ba nung lalaki kanina?" Kunot noong tanong niya.

Hindi ako nakasagot sa itinanong niya, "Siya 'yung boyfriend mo di 'ba?" Tanong niya sabay upo ulit sa tabi ko.

Halos wala ako sa sariling napatango.

"Ang panget naman ng isang 'yon, mukhang unggoy." Natatawang sabi niya.

Hindi ko alam pero sa puntong ito ay tuluyan na akong napatawa, "Ang haba kaya ng nguso niya! Nakakainis!"

"Bakit nga ba humaba ng ganon ang nguso niya? Baka naman lagi mong pinapadede kaya-"

"Hoy manahimik ka nga! Hindi noh!"

"Sus." Asar niya sabay sundot sa tagiliran ko, "Siguro nagawa n'yo na ang bagay na hindi pa natin nagagawa noh?" Tanong pa niya.

Mabilis naman akong umiling.

"Loko-loko ka! Hindi noh! And never, as in never kasi ayokong mangyari 'yon sa aming dalawa!"

"Sure ka?" Tanong pa niya.

Napa-irap naman ako sabay layo sa kanya, "Teka nga?! Bakit ba hindi ka pa umuuwi? Umalis ka na nga!"

"Kanina mo pa ako pinapauwi eh kararating ko pa nga lang dito." Aniya habang napapakamot pa sa ulo niya.

"Umuwi ka na kasi!"

Lumapit ako sa pintuan at saka binuksan 'yon, "Oh, uwi ka na." Sabi ko sa kanya.

Mabuti na lamang at tumayo na siya at saka naglakad na palabas ng bahay. Muli akong napa-irap nang huminto siya sa harapan ko at saka dahan-dahan pa akong tinapunan ng tingin. "Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Tsupi na."

"Ano ba naman 'yan oh."

Hindi ko na siya inimik pa, sa halip ay sinundan ko na lamang siya palabas ng gate. "Sige, aalis na ako," Nilingon niya ako. "Mag-iingat ka ah! Isara mo na agad ang gate pag-alis ko," Seryosong sabi niya.

Kibit balikat lamang ako habang nakatingin sa kanya. Papasakay na sana siya ng sasakyan nang bigla siya napasigaw kaya medyo naalarma ako, "Fuck!!"

Hindi ko maiwasang hindi kabahan, paano'y napahawak pa siya sa ulo niya sabay baling ng tingin sa gulong ng sasakyan niya.

"Anong nangyari?"

Bago niya ako balingan ng tingin ay itinuro niya muna ang gulong ng kotse niya, "Flat pa 'yung kotse ko! Shet naman oh!"

"Seryoso ka ba?" Kunot noong tanong ko habang tinitignan ko ang gulong ng kotse niya, "Parang hindi naman ah?"

"Naman oh! Flat nga!" Sabi niya sabay naglakad papasok ng bahay at saka ako hinintay sa may gate.

What the hell?!

"Tara na! Pasok ka na sa house natin baby, chleep na atu." Aniya.

Ha?

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon