Kabanata 38

32.9K 682 12
                                    

Hi! Follow me on twitter for more more updates, @yourninonoel
Facebook: Iheartthisguy Stories

Thank you!

---------

"What?! Bakit ganon 'yung ending?! Nakakainis pucha!"

Sa kalagitnaan ng tulog ko ay naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagmumura ni Troy sa tabi ko.

Inis akong napakamot sa ulo ko at saka hinanap ang ulo ni Troy sa tabi ko. Mabilis ko siyang binatukan at narinig ko ang malakas na pagdaing niya sa tabi ko.

"Aray! Reign naman eh!" Reklamo niya.

"Anong oras na?! Bakit ba hindi ka pa natutulog?!"

"Bakit ba?" Tanong niya, Inis ko lang na tinakpan ng unan ang ulo ko.

Nakakainis! Bakit ba hindi siya maka-move on sa train to busan? Kanina kasi nang makapasok siya sa kwarto ko ay agad siyang naghanap ng mga dvd. Kanina niya lang naumpisahang panuorin ang train to busan pero mag-uumaga na nga yata rito at hindi pa rin tapos ang pinapanuod niya, paano'y inuulit-ulit niya.

"Whoooo! Nice naman! Ang ganda talaga ng train to busan!"

Muli akong napakamot sa ulo ko at inis na binalingan si Troy na ngayon ay topless na pala sa tabi ko. Agad tuloy nanlaki ang mata ko.

"Ohh, Baka matunaw na ako niyan." Natatawang sabi niya.

Napasimangot naman ako at saka kinuha ang remote ng t.v sa tabi namin at daka pinatay 'yon.

"Bakit mo pinatay? Nanunuod pa ako eh." Aniya na tila nagtatampo pa.

Napatawa naman ako at saka muli siyang binatukan, "Matulog ka na kasi.." Sabi ko.

"Paano ako makakatulog kita ko na cleavage mo, shet."

Agad na nanlaki ang mata ko at gusto ko nang sapakin ang sarili ko sa sobrang katangahan. Bakit nga ba ako nag-sando?

"Manahimik ka nga!" Sabi ko sabay talukbong ng kumot sa katawan ko.

"Pero tinigasan ako don."

Napapikit na lamang ako sa sobrang inis ko sa kanya. Hindi ko na siya pinansin pa at itinuloy na ang pagtulog ko. Mabuti na lamang at dinalaw rin ako ng antok.

Tanghali na nang magising ako kaya agad akong napabangon nang maalimpungatan ako. Agad kong pinanlakihan ng mata ang tabi ko nang makita kong wala na 'ron si Troy.

Tumayo ako at kahit na hindi pa nakakapaghilamos ay nagtungo ako sa living room dahil doon ako nakakarinig ng usapan.

"Ibig mong sabihin, Hindi wala kang anak dahil hindi mo tunay na anak 'yung ipinagbubuntis ni Althea noon?" Rinig kong tanong ni Kuya kay Troy.

Ilang beses akong napakunok at hinintay na muling magsalita si Troy.

"Nang malaman ko agad na hindi ko pala anak 'yung ipinagbubuntis ni Althea ay hinanap ko na agad si Reign.."

"Tagal ko siyang hinanap tapos dito ko lang pala siya makikita."

"Bakit ngayon ka lang ba nagpakita sa kanya?"

Muli kong pinasadahan ng tingin si Troy. Seryoso lamang ang mukha niya. "P-Pakiramdam ko ay kinalimutan niya na ako, Kuya. Kapag kasi sinusundan ko siya ay lagi ko siyang nakikitang masaya,"

"Kuya. Handa po akong magbago para sa kapatid mo. Matagal akong nagsakripisyo at halos iwanan ko na ang buhay ko sa pilipinas para bantayan lang si Reign dito. Matagal ko nang pinagsisisihan ang mga kasalanan ko kay Reign.."

"Mahal mo ang kapatid ko?"

Napakunok ako at sa puntong ito ay napalingon na sa gawi ko si Kuya ganoon din si Troy na halos manlaki na ang mata nang makita ako.

"Gising ka na pala," Ani Kuya. "Kauuwi lang namain nila Ate mo, May dala akong pagkain." Saad niya.

Napatango naman ako, "Sige, Kuya. Kakain muna ako."

Nagtungo ako sa kusina upang doon kumain. Nakakagutom rin kasi dahil tanghali na nang magising ako.

"Good morning, Princess.."

Napalunok ako nang maramdaman ko si Troy sa likuranko. "Hindi ka yata nakatulog kagabi," sabi ko na lamang.

"Oo nga," natatawang sabi niya at saka niya ako inakbayan, "Paano ako makakatulog? Eh katabi ko ang prinsesa ko. Grabe! Sobrang ganda niya! Tapos ang sexy-sexy pa! Alam mo ba na tigas na tigas ako kagabi dahil--"

Hindi ko na pinatapos pa siya sa pagsasalita niya dahil mabilis ko siyang binatukan. "Aray naman!"

"Tumahimik ka kasi!" Naiinis na sabi ko sa kanya. "Yang bibig mo ha!" I warned him.

Muli kong narinig ang pagtawa niya sa tabi ko, "Masarap 'to. Nakakapagpaligaya sa mga babae."

Inis akong napahinga ng malalim at saka binalingan siya ng masamang tingin. "Sige! Magsalita ka pa! Papatayin na talaga kita!" Nakakainis!

"Papatayin?" Natatawang tanong niya sabay akbay muli sa akin, "Saan? Sa sarap ba?" Aniya at saka ako kinindatan.

Narinig ko na naman ang mahinang paghalakhak niya sa tabi ko at saka mabilis na hinalikan ang pisngi ko, "I missed you, baby."

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon