Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko habang patingin-tingin sankung saan, naghahanap kasi ako ng matatapunan nitong bulaklak na hawak ko."Reign!"
Napalunok ako nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ni Troy.
"Reign, Baby...."
Tuluyan na akong napatigil sa paglalakad at dahan-dahan pang lumingon sa kanya.
Nakita ko si Troy na seryoso ang mga mata at tila ba hindi ko mabasa ang kung anong iniisip niya, habang si Althea ay nasa harapan niya..
Muli kong tinapunan ng tingin ang hawak kong tatlong piraso na bulaklak. Hanggang sa mapagdesisyunan ko na ilaglag na lang ito sa sahig.
Nakita ni Troy kung paano ko naihulog ang hawak kong bulaklak sa sahig kasabay nang paglapit niya sa akin.
"Reign..."
Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin muli sa kanya.
"Bakit mo hinulog?" Matigas ang tono niya, pansin ko rin ang pagiging matapang ng itsura niya.
"Sige na," Sabi ko at saka muling nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko. 'Yung tipong nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Troy na masaya siya sa iba. I don't know, I don't really know!
Hindi ko na rin nararamdaman ang pagsunod ni Troy sa likod ko. Mukhang wala nga talaga siyang pakialam sa akin, mukhang hindi nga talaga siya tunay na interisado sa akin.
Hanggang sa makarating ako sa tapat ng sasakyan ko, nakaabang na rin ang driver ko. Sumakay na rin ako at saka nagpahatid na sa bahay namin.
Para bang masama ang pakiramdam ko na hindi ko maintindihan hanggang sa makarating na ako sa bahay.
Naabutan ko pa si Kuya ko na papaalis pa lang ng bahay, may lakad na naman siguro siya.
"Aalis ako, reign. Kumain ka na diyan." Sabi ni Kuya.
"I'll call you na lang kapag may problem." I said.
Tumango naman si Kuya at saka lumabas na rin ng bahay.
Ako naman ay dumiretso na sa kwarto at saka agad na nahiga sa kama. Hindi ko namamalayan na kanina pa pala tunog ng tunog ang cellphone ko na hindi ko man lang namamalayan.
Tinignan ko kung sino ang caller at si Troy pala. I cancelled his call, ayoko kasi siyang maka-usap ngayon.
Ayoko pa.
Wala akong magawa kaya napagdesisyunan ko na matulog na lang, wala naman kasing magandang palabas sa t.v.
Mula sa pagkakatulog ay naalimpungatan ako nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa labas ng kwarto ko.
Papungas-pungas ko pang tinignan ang oras sa iPhone ko. Mag-gagabi na pala.
Napansin ko rin ang sunod-sunod na missed call at oati mga texts ni Troy, pero hindi ko naman pinansin ang lahat ng iyon.
"Sino ba 'yan?!" Naiinis na tanong ko,
What the hell?! Hindi ba naiintindihan ng taong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko na napapasarap ako sa pagtulog ko?
Inis akong tumayo at saka dumiretso sa may pintuan ko, binuksan ko ito at halos lumuwa na ang mata ko sa nakita ko.
"A-Anong ginagawa mo rito?" I asked him.
What the?! Paano siya nakapasok sa bahay namin??
"Uhh.. I-Uhh really want to talk--"
Hindi na natapos pa ni Troy ang pagsasalita niya, dahil agad dumalo ang isang katulong namin.
"Ay naku Ma'am, ang kulit ho kasi ni Sir. Hindi po namin naawat sa pagpasok."
Tumango ako at saka muling binalingan ng tingin si Troy na ngayon ay nasa harapan ko. Naka-uniform pa rin siya at tila ba pagod ang mga mata.
"Reign.." sabi niya,
Bahagya akong napayuko at napapikit kasabay ng pagkagat ko sa ibabang labi ko. Hindi kaya may natuyong laway ako sa gilid ng labi ko? Ghad!
"Reign, Bakit ka ba ganyan.." Aniya, "Tinatawagan kita, Tine-text pero hindi ka naman sumasagot. Tinapon mo rin ang flowers na binigay ko sa'yo."
Kibit balikat ko siyang sinagot. "Umuwi ka na."
"Hindi ako uuwi hangga't ganyan ka sa akin!"
"Bahala ka."
Mabilis kong isinara ang pintuan ng kwarto pero kasabay 'non ay ang impit na pagsigaw ni Troy.
"Kamay ko!!"
Omg! Naipit pala siya.
Binuksan ko ulit ang pintuan at naabutan ko na siya na tatalon-talon sa harapan ko habang paulit-ulit na pinapagpag ang kamay niya.
"Arhhhg! Shit! Shit! Shit!"
Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba, hindi ko alam. Kinabahan ako nang makita ko siyang nasasaktan.
"O-Okay ka lang?" Tanong ko.
"Do i look like okay? Huh?"
Napalunok ako at napahinga ng malalim.
"Okay, pasok ka na sa kwarto ko. Gagmutin natin 'yang daliri mo" Sabi ko.
Wala pa yatang segundo eh nasa loob na ng kwarto si Troy at ngingiti-ngiti na ngayon sa harapan ko.
"Pwede na ba ako mag-artista?" Natatawang tanong niya,
"Lumabas ka na nga! Bwisit!"
"Eh, paano kung ayoko?" Aniya at saka ini-lock ang pintuan ng kwarto ko.
"Labas na sabi eh!"
Nakita ko pa kung paano sumilay ang mapuputi niyang ngipin sa akin. Ang gwapo gwapo ng ngiti niya.
"Ang ganda-ganda talaga ng crush ko!" Sabi niya sabay akbay sa akin, "Pakiss nga sa baby ko.."
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
General FictionWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria