"Kailangan ko ba talagang gawin 'to ha?" Sabi ni Troy na sure na sure akong inis na inis na sa mga oras na ito.
Hindi ko naman maiwasang hindi mapatawa lalo na nang makita kong inis na inis na ang mukha ni Troy.
ibinalik ko ang blush-on sa lamesa at saka muling tinignan si Troy na kanina pa inis na inis sa ginagawa ko. "Ano ka ba naman, Troy! Ngayon ka pa ba magrereklamo?" Sabi ko sa kanya sabay kuha ng cellphone ko. "At saka, hello?! Ang pretty mo kaya." Natutuwang sabi ko. "At saka, ito lang naman ang condition ko sa 'yo, kung ayaw mong mapagalitan ako ni Kuya ko."
Mas napahagalpak pa lalo ako nang tawa nang makita kong todo kunot na ang noo ni Troy. Na pakiwari ko'y hindi na maipinta ang kanyang mukha.
"Ano?! Tapos na ba ha?!" Naiinis na sabi niya.
Tumango ako at kinuha ang salamin at saka itinapat sa kanya.
Nang makita niya ang mukha niya ay saka ako muling napatawa. "Fuck! Ano bang ginagawa mo sa akin? Ginawa mo na akong bakla!"
Hihi.
"Eh, di 'ba, gusto mong mag-stay dito sa house? Bawal ako magdala ng boy dito kaya kita ginawang ganyan."
"Shet!"
"Ano ka ba naman Troy! H'wag ka nang magmura."
Napapikit na lang si Troy at saka hinawakan ang bridge ng nose niya, na parang may malalim na iniisip.
"Tsk."
Itinapat ko sa kanya ang hawak kong cellphone at kahit na hindi nakangiti si Troy ay agad ko siyang kinuhanan ng shots. Hahahahaha ng ganda ganda niya pala talaga kapag naging babae siya.
"Reign, H'wag mo akong picturan." Seryosong sabi niya.
"Eto naman, ilang shots lang naman."
Hindi na niya ako sinagot, sa halip ay seryoso na lang siyang nanunuod ng telebisyon sa kwarto ko.
"Hindi ka na ba talaga galit sa akin?"
"Hindi noh!"
Tawa lang ako ng tawa habang pinagmamasdan si Troy na kanina pa asar na asar sa akin. Ang ganda-ganda lang niya kasi tignan dahil daig niya pa ako sa make up niya ngayon, bonggang-bongga kasi talaga to the highest level.
"Reign! Kaninong sasakyan yung nasa labas ng gate?"
Nawala lang ang pagkakangiti ko nang marinig ko ang boses ni Kuya mula sa labas ng pinto. hala siya! Nandito na si Kuya sa bahay.
"Hoy, Troy! Andyan na si Kuya!"
"Bakit ba?! Ano bang gagawin ko?!" Napalakas pa ang boses niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Ano ba?! hinaan mo nga ang boses mo."
"Tsk. Hindi na mauulit to ah!"
"Troy naman! Mamaya ka na magreklamo."
Tumayo ako at muli kong narinig ang boses ni Kuya. "Reign, nandyan ka ba? Lumabas ka muna."
"Saglit kuya,"
Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa akin ang bagot na bagot na si Kuya.
"Tagal mo namang buksan ang pintuan."
"Ahh, eh kasi--"
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
Ficción GeneralWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria
