Kabanata 40

39.7K 765 19
                                    



"Welcome to Manila!"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang sabi ng mga flight attendant. Tinignan ko ang paligid. Lumalabas na pala ang mga kapwa ko pasahero.

Paglabas ko ng eroplano ay saka ako kinuha ang mga gamit ko sa baggage area, kung saan chi-ne-check at ini-scan ang mga bag na dala ng mga pasahero.

Kukunin ko na sana ang bag ko nang may tumawag sa akin. "Reign?!"

Napakunot ang noo ko at hinanap ang may ari ng tinig na iyon.

"Reign!"

Mas lalong kumunot ang noo ko nang may lumapit sa aking babae. Ilang beses akong kumurap upang alalahanin ko kung saan ko siya nakita.

Napamulagat ako nang makilala ko siya,

"Althea?"

Ngumiti siya sa akin. "Kamusta ka na?"

I nodded, "I'm okay."

Tila ba may hinahanap ang kanyang mga mata sa tabi ko, "Hindi mo kasama si Troy?" Kunot noong tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"LQ layo?"

"Nope."

Napahinga ako nang malalim nang may umakbay sa kanyang lalaki. Hindi siya pamilyar sa akin.

"Oo nga pala, Reign." Turo niya sa katabi niya, "Si Mccoy, Asawa ko."

"Hi." He introduced himself to me.

I smiled. "Congrats.... May asawa ka na pala." Ani ko kay Althea.

"Yup, five years na kami."

I sighed. Five years? "Sige na, Reign. We're going to Hawaii eh, see you soon."

Ngumiti na lamang ako at tumango.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapa-isip. Limang taon na palang kasal si Althea sa asawa niya? Pero hindi ba't may anak si Troy sa kaniya? Anong nangyari?

Lulan ako nang taxi ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nalaman ko. May asawa na pala si Althea.

Sinabi ko kay Manong Driver ang direksyon kung saan ako tutungo. Hindi na ako makapag-hintay pa na mapuntahan si Troy.

It's 10 o'clock in the evening at dalawang oras na lang ay matatapos na ang kaarawan ni Troy. I am very excited to see him. Hindi na talaga ako makapag-hintay.

Bandang alas onse ng gabi ay nakarating na rin ako sa bahay nila. Agad akong kumatok sa bahay nila, at katulong lang nila ang sumalubong sa akin.

"Sino ho sila?" Tanong ng isang katulong sa akin.

Napahinga ako ng malalim, "Nandiyan ho ba si Troy?"

"Nasa Condominium unit niya sa BGC. Hindi po siya umuuwi dito."

Kinuha ko sa kanya ang address ni Troy. Buti na lang at binigay niya agad sa akin.

11:45 PM nang makarating ako sa condo unit niya sa Bonifacio Global City.

Ang sabi sa akin ng katulong ni Troy ay nasa 16th floor ang unit niya at room 1661.

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon