Wakas

55.4K 904 50
                                    



"Babe. Where are you going?" Althea asked me.

"Babalikan ko si Reign." Pagkasabi ko no'n ay walang pag-aalinlangan ko siyang iniwanan.

Bumalik ako sa condo unit ko pero hindi ko siya nakita. Pinuntahan ko rin siya sa bahay nila pero ang sabi ay wala raw si Reign 'don.

Naghintay ako ng ilang oras sa tapat ng bahay nila Reign pero mag-uumaga na ay hindi pa rin umuuwi si Reign sa kanila. Nag-aalala na ako. Ilang oras ko na siyang kono-contact pero hindi naman niya sinasagot ang mga calls ko.

"Bakit ka nandito?" Hindi ko namalayang nasa tapat ko na pala si Kuya Michael. Ang kapatid ni Reign.

"Ahm." I cleared my throat. "Gusto kong maka-usap si Reign."

"Wala siya dito." Akma niyang isasara ang gate nang humarang ako sa kanya.

"Gusto ko lang siyang maka-usap." Halos magmaka-awa niya ako pero pinilit niyang maisara ang pintuan.

Wala ako sa sariling bumalik sa sasakyan ko at nagmaneho ulit patungo sa hospital kung saan naroon si Althea. Nang makapasok ako sa loob ng hospital ay nagulat ako sa nakita ko.

Nakita ko si Althea na may kahalikang lalaki. "What the fuck?!"

Pansin ko ang pagkataranta nilang dalawa.

"T—Troy... Let me explain...."

Sa puntong iyon ay para bang nabuhayan ako ng loob. Sigurado akong hindi ako ang Ama ng dinadala ni Althea! Sigurado ako 'ron!

"Hindi na ako maniniwala pa sa 'yo, Althea!" Singhal ko.

Agad kong sinuntok ang lalaking kanina lang ay kahalikan ni Althea. "Tang ina! Pinagmukha niyo akong tanga?!"

Nang dahil sa kanila ay nagkanda-loko-loko ang relasyon naming dalawa ni Reign! Fuck!.... At kanina ko pa siya hindi mahanap!

Lumabas agad ako ng hospital at muling bumalik sa bahay nila Reign at nagbabakasakaling makita ko si Reign 'don, pero wala.

Hour passed. Sobrang tagal kong naghintay pero bale-wala lang sa akin iyon. Past five pm nang may magbukas ng gate kaya agad akong napabaling ng tingin don.

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na wala si Reign dito?! Wala siya rito! Nasa Barcelona!"

Halos matuliro ako nang marinig ko iyon, "What? Anong Barcelona??...." Napahawak ako sa sentido ko. "Hindi niya naman ako iiwan nang basta-basta.."

"Umuwi ka na lang sa inyo, Santos." Sagot sa akin ni Kuya Michael.

Napailing-iling na lamang ako, "Susundan ko siya... I will explain everything to her—Maniwala ka... Hihingi ako ng tawad sa kapatid mo at ipapaliwanag ko sa lahat ang nangyari: na hindi talaga ako ang Ama ng dinadala ni Althea!"

"Siguraduhin mo lang."

Sa puntong ito. Wala na akong iba pang iniisip at hinihiling kung hindi ang makita si Reign. I missed her!

Binigay naman sa akin Kuya Michael ang address ni Reign sa Barcelona. Agad akong nagpa-book ng flight patungong Spain.

Nagpaalam ako kila Mama at Papa na I will go to Spain, oara doon na lamang magtrabaho. Sa una'y hindi sila payag sa desisyon ko pero wala na rin naman silang nagawa. Kailangan kong mapuntahan si Reign, ora-mismo!

Sa isang coffee shop ko unang nakita si Reign. Hindi na ako makapag-pigil! Lalapitan ko na sana siya at sasabihin ko sa kanya ang lahat-lahat nang biglang may umupo sa harap niya at hinalikan ang pisngi niya.

Fuck! Bakit niya hinalikan ang mahal ko?!

Nanginginig ang katawan ko sa galit pero pinili ko na lamang na manahimik! Gano'ong kabilis?! Ganoong kabilis ako pinagpalit ni Reign?! Hindi niya ako hinintay?! Hindi niya ako nagawang hintayin!

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon