"Ano bang gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.
"Simple lang." Kalmadong sabi niya habang pinaglalaruan ang kutsarang hawak niya.
Inis akong kumamot sa ulo ko, "Ano nga? Pabitin ka!" Sabi ko, tumawa lang naman siya.
"Magpapanggap kang girlfriend ko sa harapan ni Althea, okay ba 'yon? Titignan lang natin kung hanggang saan n'ya ako matitiis." Sabi niya. "Hindi yata ako papayag na ipagpalit lang niya ako sa ibang lalaki." Ani pa niya,
"Eh paano kapag hindi nag-success?" Kibit-balikat kong tanong.
"Eh, di tayo na lang talaga." Sabi pa niya kaya naman agad ko siyang nabatukan.
"Hindi kita type noh! Asa ka pa."
Tumawa naman siya habang hawak-hawak ang ulo niya. "Eto naman, hindi mabiro, oh!"
"Ano nga kasi? Baka kasi mamaya magmukha lang tayong tanga sa harapan niya noh!" Sabi ko pa.
Tumayo naman siya at nagulat ako nang umupo na siya sa tabi ko. "Sa gwapo kong ito? Sa tingin mo, matitiis ako ng girlfriend ko?" Pagmamayabang niya habang turo-turo ang sarili.
Literal na nilakihan ko naman ang mata ko para sa kanya. "Wow! Iba rin pala 'yang kayabangan mo eh, ano? Eh, pinagpalit ka nga agad sa ibang lalaki tapos sasabihin mo gwapo ka." Natatawang sabi ko, napansin ko naman ang pagsimangot niya sa harap ko.
"Bakit? Gwapo naman talaga ako ah? Panget ba ako? Hindi naman di'ba?" Sunod-sunod na tanong niya.
Napairap naman ako sa tanong niyang 'yun. Kung tutuusin dapat hindi na siya nagtatanong ng ganyan dahil ang sagot ay 'oo'. "Aba, malay ko sa'yo! Bakit naman ako ang tinatanong mo diyan?"
"Alam kong nagagwapuhan ka sa akin, yingin mo pa lang mukhang nalulusaw na ako eh. Teka, ano nga pala ulit ang pangalan mo?" Tanong pa niya. Sa puntong ito, ako naman ang napasimangot.
"Reign." Simpleng sagot ko.
Tumango naman siya pagkasabi ko nang pangalan ko. "Oo reign nga pala. Parang ulan lang pala." Halakhak niya. Muli naman akong napasimangot sa sinabi niya.
"H'wag mo nga ako pagtawanan!"
"Bakit ba? Bawal ba?" Natatawang tanong niya.
Kinuha ko ang bag ko at saka na tumayo. Hmp, bwisit na 'to, inaasar pa yata ako. "Uy ulan wait!" Habol niya sa akin nang mag-umpisa akong maglakad.
"Ulan mo mukha mo!" Bulyaw ko rito at saka dumiretso nang maglakad.
Narinig ko ang pagtawa niya sa likod ko at saka kinuha ang bag ko. "Troy 'yung bag 'ko! Akin na nga ang bag ko!" Naiinis na sabi ko sa kanya habang nakikipag-agawan ng sling bag ko.
"Ako na! Sa payat mong 'yan mukhang nahihirapan ka nang bitbitin ito." Aniya habang natatawa pa rin
Muli ko siyang sinimangutan at inis na hinampas ang braso niya. "Hoy! Ang kapal mo! Hindi ako ganoong kapayat noh!"
Tumango naman ito at saka ako inakbayan. Nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon at tila ba ako natutulala. "Hoy ano ka ba!"
Narinig ko ang pagngisi niya sa tabi ko. "Ano nanaman? Inaakbayan lang kita ah.." Aniya.
Hindi ko na siya pinansin at itinuloy na ang paglalakad, bahala siya diyan, napakaloko-loko. "Uuwi na ako ah!"
Tumango siya at saka niya ako pinasadahan ng tingin. "Alright ulan!" Ngiti niya.
Sa hindi malamang dahilan ay tila ba bumilis ang pagtibok ng puso ko, may mali na ba sa akin?
Pagkasakay na pagkasakay ko pa lamang ng sasakyan niya ay agad akong napahinga ng malalim. Ano ba itong nararamdaman ko, sigurado akong may iba akong nararamdaman ngayon, pagtibok pa lamang ng puso ko ay alam kong hindi na normal.
"You okay?" Tanong niya nang makasakay siya ng sasakyan.
Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Basta, started tomorrow, girlfriend na kita ah?" Aniya.
Nagitla naman ako. Bakit hindi pa ngayon?
Char!
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
General FictionWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria