"Shit! Nakakahiya!" Sabi ni Troy.Tinignan ko ng reaksyon ng kanyang mukha, namumula ang pisngi niya hanggang sa may tainga niya habang seryoso na siya ngayong nagmamaneho ng sasakyan niya.
Hindi ko alam pero mukhang nawalan na ako ng konsentrasyon, para bang nawala na ako sa sarili ko nang magsalita siya.
"Reign.. Sabi ko gusto kita.."
Bumilis ang paghinga ng puso ko, literal na mabilis. Ewan ko, para bang may kung anong kiliti rin akong nararamdaman si puso ko,
Hindi ko ito naramdaman kay Vince, hindi at ibang-iba sa narara,daman ko ngayon.
"T-Troy naman.."
Napalunok ako.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, pero mas nangingibabaw ang kung anong tuwa at kilig sa puso ko ngayon.
Nakita ko pa ang pagtango-tango ni Troy mula sa pwesto niya kahit na ang tingin niya ay seryosong nasa daan.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya,
Napatingin ako sa paligid, malapit na pala kami sa mall na pupuntahan namin.
"Kahit saan."
He just nodded.
Nang makarating kami sa mall ay panay ang pag-aasikaso niya sa akin, hindi katulad noong mga una na halos wala naman siyang pakialam sa akin, hindi ko nga alam kung bakit biglang nagkaganito si Troy.
"Akin na muna bag mo." Sabi niya, kanina pa siya nagpupumilit na kunin ang bag ko at siya nalang ang magbibitbit nito para sa akin, kumokontra naman ako dahil okay lang naman sa akin at kaya ko namang bitbitin mag-isa ang bag ko.
"Sige na, ako na magbibitbit.." Sabi pa niya,
Wala na rin akong magawa kaya ibinigay ko na ang sling bag ko sa kanya, napangiti ako nang mapangiti rin siya.
"Sabi ko na nga ba, papayag ka rin eh," Aniya.
Napairap naman ako.
"Kanina ka pa nagpupumilit noh!"
Napapigil ako sa pagngiti nang makita ko ang gwapo niyang mukha na tumatawa sa gilid ko.
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin.." Saad niya
Halos mawalan ako nang kulay sa sinabi niya, napansin niya pala iyon?
"Hindi ah!"
Halos mamilog ang mata ko nang sundutin niya ang tagiliran ko.
"Sus, kinikilig ka lang kaya ka ganyan eh.." Sabi niya na tila ba ako inaasar, paano'y kinikiliti ako sa dito sa gitna ng mall.
Pansin ko nga ang pagtitinginan sa amin ng mga tao dito pero itong si Troy na mukhang walang pakialam eh, kanina pa ako kinikiliti.
"Troy naman, ano ba!!"
Humalakhak siya at binitawan na ang tagiliran ko. "Okay, okay, sorry na.."
Napasimangot naan ako.
"Nakakainis ka naman, ang landi mo yata ngayon?!"
Umiling naman siya,
"Hindi ah! Natutuwa lang ako kasi kinikilig ka." Aniya,
Napanguso na ako, habang sabay kaming naglalakad.
Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang nguso ko. "Aray ano ba!!" Reklamo ko, paano'y pinahaba pa lalo ang nguso ko.
Nakita ko naman ang pagtawa niya, "kanina ka pa pout ng pout. Sige isa pa, dadalhin ko na sa labi ko 'yang labi mo." Sabi niya
Halos maglulundag ang puso ko sa kilig, tila ba may namumuong mga paru-paro sa tiyan ko.
Pasimple pa akong napakagat sa labi ko at saka sabay na ulit kaming naglakad ni Troy papunta sa jollibee.
Habang naglalakad patungo sa kakainan namin ay nawala na bigla ang ngiti sa labi ni Troy, seryosong nakatitig na siya ngayon sa babae at lalaking magka-holding hands sa may hindi kalayuan sa amin.
Tinignan ko ang dalawang tinitignan ni Troy, namilog pa nga ang mata ko nang makilala ko kung sino ang tinitignan niya.
"Si Althea pala 'yan.."
Hindi na sumagot si Troy, sa halip hinawakan niya ang kamay ko at holding hands na kami ngayong naglalakad,
Tinignan ko rin ang kasama niyang lalaki na ngayon ay palalapit na sa amin, mukhang hindi pa nga kami napapansin ng mga ito dahil may pinag-uusapan silang dalawa.
"S-Si Vince.."
Napatigil ako sa paglalakad at nang mapansin ni Troy iyon ay tumigil na rin siya, "any prob?" Tanong niya.
Muli niyang hinawakan ang kamay ko, "Cheer up, nandito lang ako." He said.
Wala sa sariling napangiti ako at kasabay 'nun ay ang pagyakap ko sa kanya, dumaan na rin sa harapan namin si Althea at si Vince na magka-akbay, nawala lang ang pag-aakbayan nila nang makita nila kami.
"It's okay, baby. It's okay.." sabi niya at saka idinikit ang labi niya sa pisngi ko.
Pinagpatuloy na namin ang paglalakad namin, at habang naglalakad kami papasok ng jollibee ay masaya akong binulungan ni Troy.
"You're a great actress na." Ngiti niyang sambit sa akin.
Unti-unti na ring nawala ang ngiti sa labi ko, akala ba niya ay umarte lang ako kanina? Akala ba niya ay hindi totoo ang ipinakita ko kanina?
"Konti nalang, babalik na rin sa akin si Althea."
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
Fiksi UmumWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria