Kabanata 13

30.4K 687 33
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway. Masyado pa yata akong maaga para sa unang klase ko.

"Good Morning.."

Napalingon ako sa lalaking nagsalita.

I keep myself calm. Ewan ko ba, last time nang makita ko siyang kasama si Althea ay may kung ano pang kirot akong naramdaman sa puso ko.

Tila rin ba ako naguguluhan. Nakikisabay rin kasi si Troy sa mga iniisip ko. Isa pa ang lalaking iyon!

"Uhh.. New number ka na ba? Tine-text kasi kita." He said.

Kahapon pa ako nagpalit ng simcard. Paano ba naman kasi, kung ano-ano ang tine-text sa akin ni Troy. Napakamaligalig talaga. Kesyo raw, kapag hindi ko daw siya sinamahan sa tuesday eh magtatampo raw siya. Eh pakialam ko ba sa kanya? Kaloka.

Busy rin naman ako sa tuesday dahil gagawa pa kami ng report ni Yssa sa house. Sa Thursday na kasi ang deadline ng submission para sa report namin ni Yssa sa Social Culture namin na subject.

"Yes," Sabi ko.

Patuloy akong naglakad habang si Vince ay nakikisabay pa sa akin. Nasa gilid ko lang siya.

Nang makarating ako sa tapat ng classroom ay saka ko siya hinarap.

"Uhh, about what you see--"

I cut him. "No problem." I smiled.

Tumalikod na ako at pumasok sa klase. Pagka-upo ko pa lamang sa upuan ko ay saka ako nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Muli kong binalingan ng tingin ang labas ng classroom.

Nandoon pa rin si Vince at malungkot na nakayuko.

"Reign. Kahapon pa ako kinukulit ni Troy!" Sabi ni Yssa na nasa tabi ko pala.

Hawak niya ang cellphone niya at ipinakita sa akin ang napakaraming texts ni Troy sa kanya.

Napa-kunot ang noo ko nang makita kong nirereplyan nga ni Yssa si Troy.

"Eh ba't mo naman nirereplyan? Eh di hindi ka talaga tatantanan niyan!" Sabi ko at ibinalik na sa kanya ang phone.

Pang-asar na ngumiti naman ang gaga at saka ako sinundot sa tagiliran. Seriously?!

"Yiiiie, ikaw ulan ah! May nafifeel ako sa iniisip mo ah! Yiiiieee.."

Hala siya, naloka na!

"Tumigil ka. Nabibwisit ako diyan sa Troy na 'yan kaya dapat hindi mo nalang nireplyan."

Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ng kaibigan ko. Parang hindi babae kung tumawa kaloka!

"Eh, hindi ko mapiglan. Papabols na 'yon oh!" She said. Nabatukan ko tuloy ang bruha.

Dumating na ang prof namin at as usual buhay estudyante na naman ako.

Sa kalagitnaan ng klase sa entrep ay bigla akong siniko ng kaibigan ko.

"Girl. " bulong ni Yssa sa akin.

I looked at her. "Ano?"

Ininguso niya ang labas ng klase at agad kong nakita ang nakatayong si Troy 'doon.

Ewan ko ba, pero bigla-bigla ay parang nabuhay ang sistema ko. Bhe help

Saglit ko siyang tinapunan ng tingin. Nakakailang naman, nakatitig kasi siya sa akin at malamya ang mga mata niya. Ano namang nangyari sa kanya at parang lungkot na lungkot siya?

Tumingin muli ako sa board at nakinig na ako sa prof ko. Bigla-bigla ay hindi ko na maintindihan ang topic, paano'y panay ang impit na sigaw ng bruhang si Yssa sa tabi ko.

"Girlll!!" She said. "Nakita mo ba 'yung hawak niya?" Tanong pa niya.

Umiling naman ako.

"May hawak siya! Ibibigay yata sa'yo." Sabi pa niya,

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at dahil isa akong mabait at masunuring estudyante ay nakinig na ako sa prof. Charing lang

One and a half hour ang klase at natapos na nga ang one and a half hour na 'yon, at hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Troy at tahimik na naghihintay.

"Go girl, mauna ka na. See you na lang next class." Sabi pa ni Yssa.

Nagpaalam na rin ako at tumayo na, at eto na si Troy na napatayo ng maayos nang papalapit na ako sa may pintuan.

"Hi." Ngiti niya sa akin.

I smiled.

Di ko kasi mapigilan, ang hirap bhe!

"For you.." Sabi pa ni Troy at ibinalandra sa akin ang tatlong pirasong roses na hawak niya.

Hehe bhe kilig na me

Tinanggap ko ang tatlong pirasong roses na hawak niya. "Oh, para saan ito?" I asked him. Baka kasi ipapabigay niya lang itong bulaklak na ito para kay Althea. Charot

"Sa'yo 'yan." Sabi niya at saka ako inakbayan.

Bigla-bigla naman ay saka ko naramdaman na dapat pala ay naiinis ako sa kanya, hmp!

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya at saka medyo lumayo sa kanya.

"Oh? Bakit? May problema?" Tanong niya sa akin.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na pinaasa niya lang ako at nahurt ang feelings ko pero hindi ko magawa kaya umiling na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Reign wait!" Sigaw niya sa akin.

Bahagya akong napatigil nang makita kong papalapit na sa amin si Althea.

"Troy." She said. Tuluyan na siyang nakalapit kay Troy.

Napalunok ako at saka tinignan kung paano ngitian ni Troy si Althea. Narinig ko pa nga ang sinabi niya. "How are you?" Tanong ni Troy kay Althea.

"Ayos lang," Sabi naman ni Althea. "By the way, i can't call you kanina eh."

Hinawakan ko ang dulo ng bag ko at saka nagbuga ng hangin.

"Okay, tawagan na lang kita mamaya." Ngiting sabi naman ni Troy.

Muli kong tinignan ang hawak kong tatlong piraso na bulaklak. Para saan ito? Pampalubag-loob?

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon