Kabanata 20

31.9K 721 14
                                    

Readers, please VOTE Loved You First for #KwentongJollibee (Cheesy Jollibee Romance Category) in the Wattys 2016 Awards!

How to vote?

Syempre dapat may cellphone ka, tapos kailangan may 2.50 na balance ka rin sa load mo at i-type ang mga sumusunod:

KJOLLIBEE J180 at i-send sa 3456!

Ang botohan ay matatapos sa August 31, 2016!

Isang boto sa isang araw lamang po.

************

"Kakain ba muna tayo o manunuod na agad sa sine? Alam mo, mas maganda talaga kung kumain muna tayo, nakakagutom na kasi at saka--" Mariin akong napapapikit sa kadaldalan ni Troy, kahit kailan talaga.

"Pwede ba tumahimik ka muna kahit saglit lang?"

Napanguso siya bago niya ako akbayan. "...Pero kasi Gutom na ako.."

Nasa tapat kami ng isang restaurant dito sa Alabang Town Center. Kadarating lang namin dito ni Troy pero pagkain agad ang nasa isip niya.

"Kakain na tayo.."

Napatawa ako nang biglang lumiwanag ang mukha ni Troy. Minsan talaga, napapaisip ako kung bakit ganito ang isang ito. Ang gwapo-gwapo naman pero kadalasa'y nag-iisip bata ang loko.

Papasok na sana ako sa magandang restaurant na nasa harapan namin pero hinila ni Troy ang kamay ko.

"Sa Jollibee tayo kumain.." Ngumuso siya, "Gusto ko kasi ng two piece na chicken tapos gusto ko rin ng burger na walang ketchup."

Tumango naman ako at nagpadala na sa kanya. "Tapos gusto ko rin ng sundae pero walang hot fudge, ayoko kasi 'nun eh."

Napailing na lamang ako. "Mamaya mo na sa akin sabihin lahat ng iyan, papunta palang tayo sa Jollibee." Sabi ko.

Hindi na naman niya ako inimik pa at saka sabay na kaming naglakad, at as usual ay akbay-akbay na naman niya ako.

Nang makarating kami sa Jollibee ay agad kaming humanap ng pwesto naming dalawa. "Reign! 'Yung order ko ah?" Ani Troy.

"Ano nga ulit 'yon?" Tanong ko.

"Sabi ko two piece na chicken tapos burger na walang ketchup at isang sundae na walang hot fudge."

"And?"

"And..." Napaisip si Troy at saka ako binalingan ng nakakalokong tingin. "Ikaw sana.." Aniya sabay Kindat.

Marami kaming nagawa sa ATC. Pagkatapos naming manuod ng sine ay nagpalibot-libot kami sa mall. Hindi ko talaga maikaka-ilang masayang kasama si Troy dahil sa bukod na marami siyang kwento ay marami rin siyang panlibre sa akin.

Ang sabi niya. Date daw namin ito, kaya binigyan pa niya akong bulaklak.

"Pwede ka bang sumama sa bahay?" Aniya nang makasakay kami sa sasakyan niya.

Saglit na napakunot ang noo ko, "Ngayon na ba?" My ghad! I'm not prepared!

Tumango siya at saka nag-umpisang paandarin ang sasakyan.

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon