Kabanata 28

28.5K 718 48
                                    

Note: please do like my facebook page: Iheartthisguy Stories because I will be posting any updates there regarding My ON-GOING stories. And don't forget to Vote after reading this chap. Thank you!

Sorry sa wrong grammars, spellings, errors.


-------------

"Ang haba naman pala ng pila, Reign!" Sabi ni Yssa sa akin.

Kadarating lang namin dito sa unang kompanyang pag-a-aplyan namin ni Yssa. Sobrang haba ng pila. Napakarami 'rin talagang nag-a-apply dito sa kompanyang ito,

"Alis na kaya tayo? 'Dun tayo sa kabilang company," Sabi pa ni Yssa,

Mabilis naman akong umiling at ipinakita sa kanya ang stamp naming dalawa,

"May number na tayo, sayang naman kung palalagpasin natin ito." Sabi ko.

Kibit-balikat nalang akong sinagot ni Yssa at saka umupo sa tabi ko. Sa ngayon, hihintayin nalang namin na tawagin ang number namin para sa screening.

"Reign, si Troy ohh..."

Mabilis na napakunot ang noo ko at napatingin sa ininguso ni Yssa sa akin, at nakita ko nga si Troy na nakaupo malapit sa amin, What?! Pinapasok siya dito? Eh halos pang-bahay na nga lang ang suot niya?

Agad akong napailing-iling at saka kinuha ang cellphone ko, mabuti na lang ang new sim card na ang gamit ko ngayon at hindi na ako ngayon kino-contact at kinukulit ni Troy.

"Hayaan mo 'yan, wala sigurong magawa sa buhay."

"Kawawa naman si yagba oh. May flowers pang hawak."

"Anong yagba?" Natatawang tanong ko, "Kaloka 'to!"

"Joke lang naman!"

Humarap na ako kay Yssa at saka sinagot, "Sabi ko naman kasi sa 'yo, damayan mo na lang 'yan! Wala namang magpupumigil!"

"Eto naman!" Sabi ni Yssa at saka ako tinapik ng mahina sa braso, "Sinabi ko lang naman na kawawa, damayan na agad??!"

"Ewan ko sa 'yo.."

Humalakhak na lang si Yssa at ako naman ay nag-cellphone na lang habang hinihintay na tawagin ang number namin.

After almost one hour ay sa wakas tinawag na 'rin ang number namin ni Yssa. By two's kasi ang tawag kapag screening kaya sabay kami ni Yssa na sasabak ngayon sa screening.

Unang experience ko 'to kaya kinakabahan ako, kaya pagpasok namin sa kwarto ay halos tumagaktak ang pawis ko sa kaba. Una pa naman akong sasalang sa interview questions.

"Good day, Miss Reign Santiago." Bati sa akin ng manager nang makita niya ang resumé ko.

"Magandang tanghali po." Magiliw na sagot ko,

"So...." Napahinga ako nang malalim nang makita kong sinusuri ng manager ang resumé na ipinasa ko sa kanya, "Graduate ka ng Marketing from?"

"From Adamson University po.." I smiled.

"Kung sakali, eto ang unang pagkakataon mo na makapag-apply sa kompanya?" Seryosong tanong naman sa akin ng Manager.

"Opo, Fresh Graduate lang po kasi ako.."

Napatango-tango naman ang sa tingin kong manager na kausap ko sa akin habang ang mga mata ay nakatingin sa resumé,

"Miss Santiago, ang tinatanggap po kasi namin dito ay 'yung may at least na two years working experience, Ang ganda naman ng Educational Attainment mo dahil graduate ka from University in Manila, pero base sa sinabi mo at pati na 'rin sa resumé mo ay wala ka pang experience..."

"So hindi na po ako qualified to your company?"

Bumagsak naman ang aking balikat nang tumango sa akin ang Manager, tatayo na sana ako at magpapaalam sa kanya nang biglang tumayo ang Manager at ngumiti ng masigla.

"Good Afternoon po, Sir!" Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang pagngiti ng manager sa binati niya.

Ibig bang sabihin ay hindi ang lalaking kaharap ko ang boss dito?

"What's goin' on?" Agad nanlaki ang mata ko nang makita ko at marinig ko kung sino ang lalaking nagsalita.

"M-Meron po tayong On-going Job hiring today, and--"

"Hire her."

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Yssa na ngayon ay nakanganga na kay Troy, kahit ako, hindi ko mapigilan ang hindi magulat.

Kaya naman pala hindi sinisita ng mga guards at empleyado si Troy dito kanina dahil sila pala ang may-ari ng kompanyang ito.

"S-Sir pero wala pa syang experience at--"

"She'll be hired, ordered by me."

Napa-taas naman ang kilay ko sa tono ng pananalita ni Troy. Aba?! At tila napaka-yabang niyang magsalita sa empleyado nila?!

"Hindi na kailangan," Sabi ko,

Tumayo na ako at agad lumapit sa kinaroroonan ni Yssa.

Nang makalapit ako kay Yssa ay agad ko siyang hinila pero bago pa kami maka-alis ni Yssa ay may pumulupot na kamay sa baywang ko.

"Baby please, let me explain first....."

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon