Kabanata 30

31.6K 618 21
                                    

Unedited





"Are you okay? Kanina pa kita kinakausap.."

Hindi ko namalayang kinakausap pala ako ni Kuya, "Yes kuya, pagod lang siguro ako." Sabi ko at saka napahinga na rin ng malalim.

"Kinausap nga pala ako ni Troy kanina and he apologized for what heppened, ano ba nangyari? Bakit siya nag-sorry sa akin?"

Agad ko namang pinanlakihan ng mata si Kuya, "Kinausap ka niya? Kailan?"

It's been three days at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap si Troy kahit na kadalasan ay inaabangan niya ako sa labas ng bahay. Ang alam ko, after ng klase niya ay dito siya sa amin dumidiretso para lang maka-usap ako pero ayoko naman na.

Ang akala ko, nagka-intindihan na kaming dalawa noong una na titigil na siya pero nagkakamali pala ako.

"Kanina lang, tulog ka pa kasi kaya kinausap ko na siya sa labas, nakakapagtaka kasi kung bakit hindi na kayo nagkakausap."

"What did he said to you?"

"Girlfriend ka niya?" He asked me, "Hindi ko alam 'yon ah!"

"Kuya.."

"You didn't tell me na boyfriend mo pala 'yung Troy na 'yon." Aniya habang umiiling-iling akong tinitignan.

"Kuya, hindi ko na siya boyfriend ngayon."

"...But he said to me earlier na-"

I stopped him. "Kuya, wala na kami."

Narinig ko ang pagbubuntong hininga ng kapatid ko, bago hinawakan ang sentido. "Reign, Anong problema? Hindi ba okay si Troy sa'yo? Sabi niya sa akin kanina, He is currently studying Architecture at Adamson University, okay naman siya." Sabi niya bago tumayo, "Graduating na daw siya ngayon, mukhang maayos naman ah? Loko-loko ba o ayaw mo lang sa mayaman?"

"Kuya, I'll go to my room muna," sabi ko at tumayo na rin mula sa pagkakaupo.

"Sabi mo sa akin, wala na kayo ng boyfriend mo, tapos sabi naman niya sa akin kanina, na kayo pa at galit ka lang daw sa kanya.." Napatigil ako sa paglalakad at saka muling humarap kay Kuya, "Kausapin mo muna 'yon at para magkaliwanagan na kayo, Reign. Lalaki rin 'yon, nasasaktan din 'yon."

I nodded, "Kuya, I will talk to you later."

Hindi ko tinanggap ang trabaho sa kompanya nila Troy. Kahapon ng umaga, the company called me and they're asking for final interview today. Humindi na ako dahil ayoko namang maka-trabaho si Troy 'ron, alam ko na nagtatrabaho si Troy don dahil wala naman ang kapatid niya para mag-asikaso ng kompanya.

Balak ko sanang magpahinga ngayong araw pero naisipan ko na tama nga ang sinabi sa akin ni Kuya kanina. Kailangan kong maka-usap si Troy, kailangan naming magkaliwanagang dalawa, 'yung talagang totoo at 'yung talagang maayos na usapan.

Naligo na ako at nagpalit na rin ng maayos na damit. It's already four o'clock in the afternoon at sa tingin ko ay nasa school pa si Troy dahil ang alam ko ay ala singko pa ng hapon ang tapos ng klase niya.

Gusto ko sanang puntahan siya sa University pero baka hindi na ako umabot sa uwian niya. Kaya napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa Condo Unit ni Troy.

Kasalukuyan akong kargo ng sasakyan ko at nagmamaneho patungo sa España sa maynila kung saan makikita ang condo unit ni Troy. Light to moderate lang ang traffic patungo don kaya bago mag five ng hapon ay nandito na agad ako sa car park ng condo niya.

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon