"Dahan-dahan lang sa pagkain, Troy. Hindi ka naman mauubusan eh." Sabi ko kay Troy na tuloy-tuloy ang pagkain na ginagawa.
Para naman kasi siyang mauubusan ng pagkain.
"Kumain ka ba kaninang tanghali?" Tanong ko pa sa kanya.
Iling lamang ang isinagot niya sa akin at saka muling sumubo ng pagkain.
Halos mapatawa naman ako mula sa pwesto ko dahil sa itsura niya, punong-puno kasi ng pagkain ang bibig niya na para banag ayaw magpa-awat sa pagkain.
Tahimik nalang akong umupo sa tabi niya habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. Maya-maya pa ay nagsalita na si Troy sa tabi ko.
"Galit ka ba?" Biglang tanong niya sa akin
Saglit akong tumingin sa kanya pero hindi ko naman kayang tumitig sa kanya, kaya ibinalik ko nalang ang paningin ko sa cellphone na hawak ko.
"Galit ka?" Pag-uulit pa niya. Narinig ko pa ang mahihinang pagbubunyong hininga niya sa tabi ko.
Itinuloy ko ang pagpindot sa cellphone ko. Text naman kasi ng text si Yssa.
"Sorry..." Mahinang sabi ng katabi ko.
Muntik pa akong mapabuga sa hangin at saka saglit siyang tinapunan ng tingin.
"Pasensya na kung galit ka, pero ano ba kasing nagawa ko?" Tanong pa sa akin ni Troy.
Oo nga. Tama nga pala ang tanong ni Troy na iyon, ano nga ba ang nagawa niya? Wala, hindi ba? Ano ba ang dapat ko pang ikagalit sa kanya gayong kasalanan ko naman kung bakit hulog-na-hulog na ako sa kanya. Hindi naman niya kasalanan kung bakit ganito na ang nararamdaman ko sa kanya. Katunayan nga, mas dapat ko pang sisishin ang sarili ko sa bwisit na nararamdaman kong ito para sa kanya.
Ang hirap kasi sa akin. Asa ako ng asa, ayan tuloy, nagmumukha na pala akong tanga. Pero, dapat ko rin ba talagang sisihin ang sarili ko? Kasalanan ko rin ba talagang mahulog sa kanya? Kasalanan ko rin ba talagang mabilis akong ma-fall at tuloy-tuloy na umaasa sa kanya?
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang maramdaman kong hinawakan ni Troy ang kaliwang kamay ko.
"Reign.. I'm sorry.."
Sorry?
Sorry, dahil ba nasasaktan ako? Sorry, dahil ba, hanggang crush lang niya ako at iba ang tunay na nararamdaman ng puso niya? Sorry, dahil alam niyang hindi niya ako kayang saluhin?
Pagak akong napatawa at saka mahinang tinapik ang kamay niyang nakahawak sa kaliwang kamay ko.
"Ano ka ba, wala namang problema sa akin.." Sabi ko.
Doon ko nakita ang mapuputing ngipin ni Troy na sumilay sa harap ko.
"Buti nalang hindi ka galit." Nakangiting sambit niya sa akin.
"Hindi naman ah? Wala lang siguro ako sa mood kaya ganun." Sabi ko.
Tumango-tango naman si Troy, at saka ako inakbayan.
Nakaramdama pa ako ng kung anong kuryenteng lumakbay sa buong katawan ko. Ito na nga talaga 'yung tinatawag nilang 'tawag ng kalandian' kuno ng iba, paano ba naman kasi, kinikilig ako pero hindi ko naman magawang maipakita sa kanya dahil nahihiya ako. Baka kasi sabihin pa sa akin ni Troy ay patay na patay ako sa kanya.
"Next time, kapag alam kong galit ka, wala ka lang sa mood 'nun." Sabi pa niya sa akin. "Pero, 'wag kang magagalit sa akin ah? Kasi ayokong mawalan ng kaibigan." Aniya.
Hirap akong napalunok sa sinabi niya.
Hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya, tila ba kasi napako na ako ng tuluyan sa kinauupuan ko, para bang gusto ko nang matulog sa kama ko at kalimutan ang nangyayari sa akin ngayon.
"Basta, Ayoko ng nagagalit ka sa akin." Sabi pa niya at saka niya isinandal ang mukha niya sa balikat ko.
"Hindi nga ako galit."
"Pwede bang dito ako matulog sa inyo?" Tanong sa akin ni Troy.
Halos manlaki naman ang mata ko sa tanong na iyon, Oo nga pala! Hindi siya pwedeng maabutan ni Kuya rito, hindi ko pa anman alam kung anong oras uuwi ang kapatid ko. Hindi niya pwedeng makita si Troy dahil baka kung anu-ano na naman ang isipin sa akin ng lokong kapatid kong iyon, sumbungero pa naman 'yun kila mommy.
"Hindi," sabi ko at saka tumayo. Nakita ko pa ang pagkamot ni Troy sa batok niya, nainis yata pero isinarili niya nalang. "Umuwi ka na kaya?" Sabi ko.
Kinuha ko na ang pinagkainan niya at saka inilagay sa lababo dumating rin naman agad ang katulong namin para hugasan iyon.
"Bakit ako uuwi? Akala ko ba okay na tayo?" Sabi ni Troy at naramdaman ko pa ang presensya niya sa likod ko.
"Oo nga, okay na tayo. Hindi naman ako galit sa 'yo e,"
Pumunta sa harapan ko si Troy habang mukhang tangang nakangiti sa harapan ko.
Nang-aasar ba 'to?
"O, hindi ka naman pala galit, eh di, dito muna ako sa bahay n'yo, pwede naman akong mag-istay di 'ba? At saka good boy naman ako."
"Hindi ka pwedeng makita ni Kuya, magagalit sa akin iyon."
Nawala naman ang ngiti sa labi ni Troy.
"Bakit? Hindi ba niya tanggap ang relasyon natin? Hindi ba niya ma--" Hindi ko na pinatapos pa ang kalokohang sasabihin ni Troy dahil agad-agad ko siyang binatukan.
Loko-loko talaga 'tong Troy na ito.
"Tumigil ka ah?"
Muling ngumiti si Troy kasabay ng tila pagbagsak ng puso ko at pati na rin ng kulay pink na panty ko, hihihi charot ang gwapo kasi.
"Promise, magbe-behave naman ako e," Aniya,
Sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na akong napangiti. "Oo na, sige na. Basta in one condition."
Lumawak pa lalo ang ngiti niya.
Ang gwapo!
"Okay sige, ano 'yon baby?" Aniya sabay kindat sa akin ng very hot.
Oh my heart.
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
Ficción GeneralWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria
