Bandang alas nuebe nang dumating si Pierce sa bahay.Nakaupo kaming dalawa sa sofa, habang panay ang pang buntong hininga niya. "Pierce, is there any problem?" I asked him.
Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko. "Nothing, babe.." He said.
I sighed.
Mabuti na nga lang at umalis sina Kuya at buong pamilya niya. May pinuntahan kasi silang Party kaya kami lang dalawa ni Pierce ang tao dito sa bahay.
It's already ten o'clock in the evening, pero panay lamang ang pagbubuntong hininga ni Pierce sa tabi ko.
"Oo nga pala," saad ko nang may maalala ako. "Malapit na ulit yung monthsary natin." Natutuwang sabi ko habang hawak ko ang kamay niya. "Nakakatuwa, parang ang bilis talaga ng panahon. Nakakatuwa lang kasi parang kailan lang 'yung last monthsary natin."
Hindi pa rin umiimik si Pierce kaya tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi ko, "Pierce, may problema ka ba?"
Umiling lamang siya bilang sagot, pero sa puntong ito ay alam kong may problema siya. "Please tell me. Hindi kasi ako makakatulog nito kapag hindi mo pa rin sinasabi sa akin ang kung anong problema mo,"
"R-Reign...."
I smiled. "Go tell me. Tungkol ba saan 'yan? Office? Pwede kitang tulungan." Sabi ko pa.
Muli siyang umiling at napahinga na naman ng malalim, "Reign, please forgive me."
Makahulugan ang mga tingin niyang iyon sa akin na para bang nakikiusap. Naguguluhan ko naman siyang sinagot. "Forgive for what?"
"Reign....."
Mariin akong napalunok habang tinitignan ang maamo niyang mukha. Sa puntong ito ay unti-unti na 'ring binabalot ng kaba ng dibdib ko sa kung ano ang maaaring sabihin sa akin ni Pierce.
"U-Uuwi ako ng pilipinas."
Kusang nawala ang kaba sa dibdib nang marinig ko ang sinabi niya, "Ah, bibista ka lang ulit doon?" Tanong ko pa sa kanya.
Matagal bago siya tumango, "R-Reign. May pamilya ako sa Pilipinas."
"I know." Napatawa ako at saka hinawakan ang kamay niya, "Di ba, umuwi sila Mama at Papa sa Pilipinas noong August lang?"
"M-May asawa na ako.."
Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ko. Kusa akong napatigil at halos mapako pa ako mula sa aking kinauupuan, "P-Pierce, Hindi 'yan magandang biro."
"I'm telling the truth. May asawa at anak ako sa Pilipinas."
Umiling-iling ako at hinawakan ang ulo ko, "What the hell, Pierce?!"
"I'm so sorry, Reign. i'm so sorry... Hindi na kaya ng konsensya ko na lokohin ang pamilya ko at pati ikaw...."
Nanginginig akong tumayo kasabay ng pagbagsak ng luha ko. "Ginawa akong kabit?! Para ano?! Para may mapaglibangan ka dito sa Amerika, ganun ba?!" I almost shouting at him.
"Reign , please I'm so so-"
"Fuck you!" Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya, "Niloko mo ako, Pierce! Niloko mo ako! Sa tingin mo, matatanggap ba ng sorry mo lang ang kasalanan mo?!"
Nananatili lamang siyang nakayuko habang tinatanggap ang pagsuntok ko sa dibdib niya. "Fuck you, Pierce! Ang haba-haba ng nguso mo! Ang laki ng ilong mo! Ang laki din ng mata mo! Mabuti na lang at nakuha na namin ang investment namin sa inyo! Putang ina ka! Sige alis na! Mukha kang asong ulol na tonta ka!!"
And then he left.
Naiwan na naman akong umiiyak.
Pang ilang beses na ba ito simula noong na heart break ako? Pang una, Si Vince na niloko lang pala ako. Pangalawa si Troy na niloko 'rin ako, at ang pangatlo ay si Pierce na niloko rin pala ako.
Ganito nalang ba talaga ang buhay ko? Laging sawi sa pag-ibig? Tatanda nalang ba akong dalaga? At hindi na ba talaga ako pwedeng maging masaya?
Habang umiiyak ako ay hindi ko namalayan na may yumayakap na pala sa akin, "Please. tumahan ka na..."
Teka nga?!
"Pano ka nakapasok sa bahay, Troy?!"
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
General FictionWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria