"Tangina talaga ni Travis. Ang sakit sa ulo!" Napa-upo ako ng maayos nang marinig ko ang pabulyaw na boses ng Daddy nila Troy.
Mukhang mainit ang ulo.
"Papa. Kasama ko si Reign Oh!" Halos mamilog ang mata ko nang ituro ako ni Troy. Kakamot-kamot pa si Troy sa ulo niya habang turo-turo ako. "Nakakahiya. Ngayon pa kayo nag-away ni Trav."
"Tsk. Isa ka pa eh.." Tumingin naman sa akin ang Daddy ni Troy. "Pasensya na ah? Talagang sumo-sobra lang talaga ang anak kong iyon."
Ngumiti naman ako kay Tito Zach.
Wow Tito Zach! Char
"Bakit pala hindi mo pa sinasagot ang anak ko?" Ngayon ay ngiti-ngiting tanong sanakin ni Tito Zach.
Hindi naman ako makasagot. "Papa! Syempre kasi hindi naman niya ako pwedeng sagutin agad." Kakamot-kamot sa ulong sabi ni Troy sa Papa niya.
Napatawa naman ako at kasabay 'non ay ang pagdating naman ng Tita Lizette.
Ang babait pala talaga ng magulang ni Troy. Unti-unti na ring nawawala ang kaba kong kanina ko pa nararamdaman.
"Troy. Hindi mo naman nabanggit sa amin ng Papa mo na break na pala kayo ni Althea." Singit ni Tita Lizette.
Mariin akong napalunok at saglit na napatingin sa paligid. "Mama. Wala na kami, matagal na." Sagot naman ni Troy.
Mukhang may napansin si Troy sa akin kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ilang years din kayo? Hindi ba't high school ka pa lang eh girlfriend mo na si Althea?"
Halos manlamig ang kamay ko habang hawak-hawak ni Troy. Unti-unting bumitaw ang kamay ko at sa hindi ko malamang dahilan ay tila ba sumasama ang pakiramdam ko. "Mama naman, H'wag na naging pag-usapan 'yon. Ito na si Reign oh!"
Muling hinawakan ni Troy ang kamay ko pero sa point na ito ay hindi na ako nagpapadala doon. Hindi naman siya nagpapaawat kaya pinipilit niya akong lambingin. "Pasensya na, Reign. Naninigurado lang sa anak ko." Natatawang sabi naman ni Tita Lizette.
Tumango naman ako sa sabay ngiti sa kanya.
"Baby ko...."
Napanguso ako nang makipagharutan na si Tita Lizette sa asawa niya. Habang si Troy na nasa tabi ko ay panay lambing sa akin.
"Nagtatampo ka ba?" Bulong niya sa akin.
Umiling ako at muling umiwas sa kanya. "Troy. Lumayo-layo ka nga!" Pabulong na sabi ko sa kanya, pero hindi naman siya nagpapigil. Sa halip ay mas lalo siyang lumapit sa akin at saka ako inakbayan.
"Nagseselos ka ano?"
Mabilis na napailing ako. "Hindi noh! Ang kapal mo!" Naiinis na sabi ko. Mabilis na napatingin naman ako sa magulang ni Troy. Mabuti na lang at hindi ako narinig.
Tumayo si Troy at saka muling hinawakan ang kamay ko. "Tara. Dadalhin kita sa kwarto ko." Aniya
Hindi na ako nagpaawat pa at sumama na sa kanya paakyat sa kwarto niya. Habang papa-akyat kami sa 2nd floor ng bahay ay panay ang tingin ko sa paligid. Hindi ko kasi maiwasang hindi mamangha sa kagandahan ng bahay. Daig na daig pa ang bahay namin sa laki at ganda.
Agad akong dinala ni Troy sa kwarto niya. "Baby ko, nagseselos ka eh.." Natatawang sabi niya matapos niyang i-lock ang pintuan ng kwarto niya.
"Hindi nga sabi eh!"
Bahagyang napakunot ang noo ko nang makita kong tumalikod sa akin si Troy.
"Fuck!"
"B-Bakit?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya.
Umiling siya at muling hinawakan ang kamay ko. Humarap siya sa akin, at diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko hanggang sa mapako ang tingin niya sa dibdib ko.
Nanlaki ang mata ko at agad na tinapik ang pisngi niya. "Ano ba Troy! Kung saan saan ka nakatingin!" Sita ko sa kanya.
Hindi naman siya natinag sa sinabi ko. Sa halip, ay napakagat pa siya sa labi niya sabay may papikit-pikit ng mata. "Tangina, tigas na tigas na ako..."
BINABASA MO ANG
SAME MISTAKES {Completed}
General FictionWomanizer Series 5: Troy Ethan M. Santos. ------ Hindi pala talaga sa lahat ng bagay ay palaging tama, mayroon rin talagang mga bagay na maaari kang magkamali... Pero.... Mali nga ba talagang mahalin ka? Cover by @-euluxuria
