Kabanata 11

33.2K 776 25
                                    

"Uy reign, bakit blooming na blooming ka yata ngayon?" Sabi sa akin ni Yssa.

Nasa classroom kasi kami at ngayon ay wala pa rin ang aming prof, maaga pa kasi.

Kani-kanina ko pa rin sinisilip ang mga dumaraan sa hallway, baka kasi makita ko si Troy.

Dalawang araw na rin kasi kaming hindi nagkikita ni Troy. sabado at linggo, at aminin ko man o hindi eh miss na miss ko na ang lokong iyon,

Panay lang siyang nagte-text sa akin, nagcha-chat rin kami tuwing gabi, nakakatuwa nga siya eh, ang dami niyang mga kalokohan sa buhay.

"Sino ba yang tinitignan-tignan mo diyan?"

Napalinga ulit ako. "Wala naman.."

I sighed. Wala talaga si Troy.

"Si Troy nga pala nakita ko kanina.." She said.

"Ano?! Saan? Eh wala naman siya rito?"

Napalunok ako.

Mayamaya pa ay tumatawa na si Yssa. "Joke lang, hindi ko siya nakita, i just checked kung positive nga na in-love ka na, so.."

"Yssa naman, eh."

Dumating na ang prof, at as usual ay nakinig ako dahil nga good girl ako. Charing

Pagkatapos naman nitong subject na ito ay Rizal na ang subject ko, which is dapat ay classmate ko si Troy, pero natapos na ang oras namin sa Accounting at dumating na ang prof namin sa Rizal ay wala pa rin si Troy,

Nag-aalala tuloy ako.

Natapos ang klase ay wala pa rin si Troy, kaya napagdesisyunan ko na i-text siya para malaman kung okay lang siya.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi naman siya nagrereply.

"Reign, uuwi na ako. Ikaw?" Tanong ni Yssa sa akin.

Naglalakad kasi kami sa hallway ng building, tapos na rin ang Rizal na subject namin.

"Mauna ka na, may dadaanan pa ako." I said.

She waved her hand. "Bye.." Sabi niya,

"Okay, see you!"

Napalinga-linga ako sa paligid. Tinignan ko ang mga lalaking nakaupo sa bench, pero hindi ko naman makita 'ron si Troy.

"Reign.."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang napaka-pamilyar na boses ni Vince sa likod ko.

"Uhh, uuwi ka na?" He asked me.

Gusto ko sanang isnabin ang isang ito kaso, ayoko namang gumawa pa ng kahit na anong gulo.

So i just nodded.

Napatango-tango siya, nakita ko pa ang pagkamot niya ng ulo niya.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang mukha niya. Gwapo rin naman itong si Vince, noong kami ay magka-relasyon pa ay napaka-bait niya sa akin, ang alam ko ay mahal na mahal niya ako, 'yun pala ay nagkakamali ako dahil isang pustahan lang pala ang naganap.

Pinagpustahan lang pala ako ng gagong ito, at hanggang ngayon, aminin ko man at hindi ay may galit pa rin akong kinikimkim sa dibdib ko.

Muli akong naglakad pero naramdaman ko si Vince sa tabi ko. "P-Pwede ba kitang ihatid?" Sabi niya.

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay ipinukaw ko ang tingin sa lalaki at babaeng masayang nag-uusap sa may canteen.

Dito ko lang pala makikita ang lalaking kanina ko pa hinahanap.

May kausap pa siyang babae na hindi ko naman kilala, masaya silang nag-uusap na dalawa na parang matagal ng magkakilala.

Napairap ako at saka saglit na tinitigan ang lalaking tuwang-tuwa ngayon habang kausap niya ang babaeng hindi ko naman kilala,

Nawala lang ang ngiti ni Troy nang makita niya ako.

Ibinaling ko ang tingin kay Vince.

"Okay, tara." I said.

Sa inis ko ay mas nauna pa akong naglakad kaysa kay Vince.

"Uhh, anong gusto mong kainin muna? Gusto ko snanag makasama ka muna." He said.

Hindi ako sumagot.

Malayo na rin kami kay Troy at sa babaeng kausap niya kanina. Bahala siya sa buhay niya!

Nakarating na kami sa carpark, at sa totoo lang ay ngayon lang ako halos maliwanagan, na mali pala ang ginawa ko.

What the hell happened to me?

Bakit bigla-bigla ay kasama ko na ang gagong Vince na ito?

"Reign, i just want you to know thath i love y---"

"Sakay."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang baritonong boses ni Troy na iyon, narito siya, Sa harapan namin at nakasakay pa siya sa Audi niya!

"Bro, fucked up.."

Napalunok ako, nagkakaroon na ng tensyon sa kanilang dalawa.

"Eh, gago ka pala eh, girlfriend ko 'yang kasama mo."

Napahawak ako sa zipper ng sling bag ko. Bumaba na rin ng sasakyan si Troy at oh my ghad! He is so gwapo sa porma niyang ito.

Muntik na sana akong mapangiti pero nang tingan ko si Troy ay napakasama na ng tingin niya sa akin.

"Sumakay ka na ng sasakyan ko." Maotoridad niyang sabi.

Mabilis ang pagkilos ko at sumakay na sa sasakyan niya, kahit nakakatakot siya ay may tinatago akong kilig at 75% na kalandian sa puso ko.

Nang sumakay si Troy ay mabilis niyang pinaadar ang kotse, habang si Vince ay naiwang luhaan at talunan sa carpark.

"Tangina, eh kung kani-kanino ka sumasama?" Napatikom ako ng bibig.

Saglit niyang inihinto ang kotse at saka hinampas ang manibela niya.

Sumibol ang kaba sa sibdib ko, nagalit nga siya! "Nawala ka lang ng saglit sa akin, kung kanino ka na agad sumasama..." Nakangusong sabi niya,

Oh? Akala ko ba galit siya? Pero bakit mukhang nagtatampo?

Hmp. Dapat pala ako ang nagtatampo.

"Hindi mo ako nirereplyan sa text ko. Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko, at inis na ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

Pinaadar niya na rin ang kotse niya, at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang tunog ng aircon ng sasakyang ito pati na rin ng hininga naming dalawa.

"Im sorry," mahinang sabi niya.

Kibit-balikat ako.

Nawala lang naman ako saglit ay may bagong girlfriend na siya, alam ko na hindi tama na mag-assume na tunay nga kaming mag-boyfriend at mag-girlfriend na dalawa, alam ko naman na peke lang ang relasyon naming dalawa at kung may aasahan pa akong kahit na ano magmula sa kanya ay wal naman akong pag-asa.

"Okay lang, hindi naman ako nagagalit." Sabi ko.

Narinig ko ang muli niyang pagbuntong-hininga.

"Reign, i think... I like you...."

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon