Kabanata 39

32.9K 614 22
                                    


"Reign, I'll be going back to philippines." Mabilis akong napatingin kay Troy na ngayon ay seryosong naka-upo sa tabi ko.

"Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagjo-joke." Turo niya sa sarili niya kaya bahagya akong napatawa.

"Eh di umuwi ka na, pakialam ko ba sa 'yo." Sabi ko sa kanya at saka tumayo na.

Nagtungo ako sa kwarto pero nararamdaman ko ang makulit na presensya niya sa likod ko.

"Hindi ka ba sasama sa akin? Ipinagpaalam na kasi kita kila Mama mo." Sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Kilala ka ni Mama?" Mabilis na tanong ko habang literal na nanlalaki ang mata sa gulat.

Tumango naman siya at sumandal sa may pintuan ng kwarto, "Matagal na akong kilala ni Tita," Ngiti niya.

Napalunok ako kasunod ng paghawak ko sa sentido, "Ano ba?! Stalker ba talaga kita? Tinatakot mo ako!"

"Oh..." Natatawang sabi niya, "Eh, ano naman kung stalker? Ayaw mo nun, may gwapo kang stalker."

Muli akong napa-iling at napahinga ng malalim, "Kung ako sa 'yo, ituloy mo na ang pag-uwi mo sa pilipinas, at pwede ba?! H'wag mo na akong guluhin!"

"Sus." Aniya at saka lumapit sa tabi ko. "Aminin mo na kasi na miss na miss mo na ako, Reign."

Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya, "Sasama ka sa akin ah? Mamaya na ang flight natin." Aniya habang ipinapakita sa akin ang passport naming dalawa. Agad namang namilog ang mata ko sa pagkabigla.

"Hoy! Ibalik mo sa akin ang passport ko!"

Pilit kong inaagaw sa kanya ang passport ko pero sadyang mas malakas siya sa akin at mas matangkad, hindi ko tuloy makuha ang pasaporte ko sa kanya.

"Ayoko nga..." Pang-aasar niya sa akin.

Napasabunot nalang ako sa sarili ko dala sa sobrang pagkainis. "Ayoko kasing sumama sa 'yo sa Pilipinas! H'wag mo nga akong idamay diyan sa kalokohan mo!"

Kusang nawala ang ngiti niya sa labi niya, "Ayaw mo ba talaga?" Tila ba nawala ang naglalarong mga ngiti sa labi niya.

"Oo, kaya please. Ibigay mo na sa akin 'yan." Sabi ko.

Saktong ibinaba niya ang kamay niya at saka ko mabilis na kinuha ang passport ko, "Oh! Ayan na nakuha ko na, pwede ka nang umalis." Sabi ko.

Hindi naman siya sumagot, sa halip ay nananatili lamang siyang nakayuko.

"Okay."

Naglakad na siya palabas ng kwarto na hindi man lang ako nililingon, bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka-guilty.

Nagpahinga na muna ako sa kwarto ko makalipas ang isang oras. Pagkatapos ay bumaba ako at sumalubong sa akin si Kuya na kalaro ang pamangkin ko.

"Oh..." Gulat na sabi niya nang makita ako sa may hagdanan, "Akala ko ba kasama ka ni Troy? Hindi ka ba niya isinama sa Pilipinas?" Nagtatakang tanong niya.

Tumango ako at umupo sa tabi ng napaka-cute na pamangkin ko, "Bakit hindi ka sumama? Matagal nang hinihiling ni Troy kila Mama at Papa na kung pwede ay maisama ka niya sa Pilipinas. Doon kasi siya magce-celebrate ng birthday niya, kasama ka."

Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. Para bang hindi ko rin maigalaw ang katawan ko, "A-Ano...."

"Anong ano? Birthday ni Troy bukas."

Napalunok ako at saka napatayo, para bang hindi na ako mapakali sa pwesto ko. "k-Kuya, Hindi ko alam..."

"Akala ko alam mo,"

Mabilis akong napa-iling at kinuha ang cellphone ko. Nag-text ako kay Troy at tinanong kung nasaan siya pero hindi naman siya nagreply. "Ano? Hindi ka mapakali diyan noh? Nasa eroplano na 'yun ngayon. Kanina pang 11 ang flight niya.

Napayakap ako sa aking sarili at halos hindi na alam kung ano ang gagawin, Napatingin ako sa wall clock. The hell?! It's already two pm.

"S-Susunod ako sa kanya." Hindi pwedeng hindi.

Sa puntong ito, alam ko at sigurado akong tama na ang magiging desisyon ko. Pagbalik ko sa Pilipinas, sigurado akong hindi na ako dapat na magkamali pa. "Hintayin mo ako, Troy."

"'Yan! Ang arte mo kasi!" Sabi ni Kuya sa akin.

Mabilis akong nag-impake ng mga gamit ko.



Mahigit labing walong oras ang biyahe pabalik sa Pilipinas. Sana lang ay maka-abot ako sa kaarawan niya.








1 chapter to go, then epilogue na. Thank you so much sa lahat ng reads, votes and comments!

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon