5

3.7K 78 3
                                    

First Photoshoot


Sowee's POV


Weeks have passed. Dumating na din yung araw na kinausap ako ng management nina Patrick about sa kontrata ni Cloud. Sobra-sobra ang pasasalamat nila dahil finally pumayag na ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi nila. Para naman kasing pinapalabas nila na ako nalang hadlang sa kagustuhan nilang makuha si Cloud as their artist.

Moving on, as Cloud's mom, ako na yung pumirma sa kontrata ni Cloud for two years. Nag-aalangan pa nga rin akong pumirma dun pero nang ilapat ko na yung ballpen sa papel, wala na akong nagawa. Yun na siguro ang simula.

"Isang Café Bombón at isang Café au lait." Sambit ng isang costumer. Nilista ko iyon sa maliit na notebook ko. Imagine, kahit ang hihirap bigkasin ng mga pangalan ng kape dito, nagagawa ko parin syang intindihin.

Pumunta ako saglit sa serving area para kunin yung order nila at nang makuha ko na, bumalik ako sa table nila para ibigay iyon. Medyo nakakapagod ding mag-part time.

"Enjoy your coffee." I cheerfully said.

Habang naglalakad-lakad ako para tingnan kung may customer pang kailangan asikasuhin at pagsilbihan, bigla akong nilapitan ni Yanna. "May bisita ka." Sambit nito.

"Ha? Sino?" Nagtakang tanong ko. Wala naman kasi akong inaasahang bibisita sakin.

"Si Patrick." Sagot ni Yanna. Nanlaki ang mga mata ko at akmang tatalikod na sana ako nang bigla nya akong pigilan. "Joke lang. Si Cutie nandyan." Nakahinga ako nang maluwag nang bawiin nya yung sinabi nya. Pheew! Akala ko naman.. "Uy... Affected."

"Hindi 'noh!" Mabilis kong pagtanggi. "Nasan na ba sya?" Tinanong ko si Yanna. Sa pamamagitan ng nguso nya, tinuro nya sakin kung saan naroroon si Cutie daw. Pag sinabi nyang si Cutie, si Renz ang tinutukoy nya. Ang cute daw kasi ni Renz. Type na type nga sya ni Yanna para sakin pero ako hindi. Ano ang dahilan? Hindi ko din alam.

Lumapit ako dun sa table kung nasaan si Renz. Balak ko sana itong gulatin pero hindi pa man ako nakakalapit, nakita na nya agad ako.

 Balak ko sana itong gulatin pero hindi pa man ako nakakalapit, nakita na nya agad ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ginawa nya yung gawain namin tuwing magkikita kami. Yung maglalagay ng peace sign sa mata. Kaya naman ginawa ko rin iyon.

 Kaya naman ginawa ko rin iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon