Unsaid Rule
Sowee's POV
"Anong ginagawa mo dito!?" Inis kong tanong sa kanya.
Hanggang dito ba naman mang-aasar parin sya? Utang na loob na! Ayaw ba nyang tumigil?
"Sssshhh!!" Tinakpan nito yung bibig ko gamot yung kamay nya para patahimikin ako. Kaya lang hindi yung pagpapatahimik nya yung napansin ko eh, kundi yung amoy ng kamay nya.
Ang bango... ( *_____* )
"Miss me?" Natauhan ako nang magsalita ulit sya. Nakakadistract kasi yung amoy ng kamay nya eh.
Sapilitan kong inalis yung kamay nya sa bibig ko. "Ang baho ng kamay mo!"
"Talaga? Kaya pala inamoy mo."
"Naamoy, hindi inamoy." Magkaibang bagay yun 'nuh? "Ano bang kailangan mo?"
"Nothing, gusto lang kitang makita. May problema ba?"
>////////< Ano bang sinasabi nya!? Nag-iinit nanaman yung mukha ko.
"Uyy... Namumula." Lalo pa akong inasar nito kaya agad kong iniwas yung mukha ko para hindi nya makitang nagblu-blush. "I rent this place for an hour para makausap kita."
Seriously, ano bang pumapasok sa utak ng lalaking 'to at kung anu-anong kalokahan na ang ginagawa nya. Hindi ba dapat galit sya sakin dahil sa ginawa ko dati? Hindi pa ba sapat na dahilan yung pagtalikod ko sa kanya para lubayan nya ako? Parang baliktad pa yata yung nangyayari ngayon eh. O Baka naman ito yung paraan nya para makaganti sakin? Posible.
"Are you showing off your money?"
"No." Matipid na sagot nito. "I just want to set some rules habang nakatira ako sa bahay nyo."
"Rules? Hindi ba dapat ako ang nagsasabi nun tutal bahay ko naman yun?"
"For your information, nangungupahan lang kayo." Tinama pa nya yung sinabi ko. Oo nga, nangungupahan kami. Pero at least kami ang nagbabayad ng renta. "Kaya nga gusto ko munang humingi ng permiso sa'yo."
Permiso? What the hell is he saying? Kahit naman hindi nya sabihin sakin, alam kong ipagpipilitan parin nya yung gusto nya. Ano pang laban ko? For sure naman na gagamitin nanaman nya si Cloud para makuha nya yung gusto nya.
"O hala! Sige na! Simulan mo na nang matapos na yan."
Ngumiti sya sakin. Yung ngiting nakakaloko. Mukhang may binabalak nanaman sya ah. Kailangan kong mag-ingat dun. Kabisado ko na ang mga galaw nan. Kapag ngumiti yan nang pang-demonyo, alam kong may gagawin syang hindi maganda. Kaya beware of that evil smile. Mapanganib yun.
"Okay, let's start."
Inabot nya sakin yung papel at ballpen. Kainis talaga! Ang dami nyang pakana. May parules-rules pa, eh bahay ko naman yun. Ano kaya kung ilagay ko sa rule na pinapalayas ko na sya, may magagawa kaya sya dun?
May kung anong tensyon sa pagitan namin. Para kaming nagpapaligsahan sa quiz bee sa lalim ng iniisip namin. Bawat paglapat ng ballpen sa papel, pinag-iisipang mabuti. Lahat ng ginawa kong rule, pabor sakin. After ten minutes, binaba ko na yung ballpen na hawak ko. "Finish!" Proud ko pang sigaw pero nagulat ako nang makita kong nakatingin lang sya sakin. Kanina pa pala sya tapos. Napahiya ako dun. Akala ko ako ang naunang makatapos. Ang bilis nya. Parang planado na talaga lahat ng rules na ginawa nya.
"Ang bagal mo."
"Wala kang pake."
"Ikaw muna."