25

2.4K 51 0
                                    

Long time no see





Sowee's POV




"Pedro, ikaw na ba yan?" Gulat kong tanong. Tumango lang sya habang nakangiti.

"Ako nga 'to, bestfriend." Sambit pa nya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa saya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko sya nang mahigpit na mahigpit.

"Hindi mo naman kaya ako na-miss nan ha?" Dagdag pa nito.

Mangiyak-ngiyak ko syang niyakap. It's been thirteen years simula nung huli kaming nagkita.

Sya si Pedro. Sya yung bestfriend ko nung nasa orphanage pa ako. Si Pedro yung parati kong kalaro. Sobrang saya namin pag magkasama kami. Chubby sya dati kaya hindi ko agad sya nakilala kanina. Ang laki kasi ng pinayat nya ngayon. Parang kalahati ng katawan nya ang nabawas. Bestfriends kami simula nung sampung taong gulang palang kami. Kami yung madalas na pinapagalitan nina Sister sa sobrang kakulitan namin. But then, nung edad din naming yun, nahiwalay na sya sakin. Hindi kagaya ko, sinuwerte sya sa mga magulang na kumupkop sa kanya.

"Na-miss kita." Sambit ko sa kanya habang yakap ko sya.

"Diba sabi ko sa'yo magkikita pa tayo. Na babalikan kita, eto na. Eto na ang napaka-cute mong bestfriend."

"Hoy!" Mukha namang nagselos si Yanna samin kaya pinaghiwalay nya kaming dalawa. "Anong bestfriend? Ako ang bestfriend ni Sowee. Pwede ba?" Pagtataray pa nito.

"Alam mo Sowee, ang sungit nitong kaibigan mo ha?" Sabi naman ni Pedro kaya natawa nalang ako.

I really missed him. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Pero eto, pinagtagpo parin kami ng tadhana without knowing kung ano man ang rason.

Nagpatuloy kami sa pagkain tapos nagkwentuhan kami. Everytime na tumatawa kami, si Yanna naman ay naiinis sa inggit. Madalas din silang mag-asaran ni Pedro at ang cute nilang tingnan. Malay mo, sila pala ang para sa isa't-isa. You can never tell.

Kinuwento ni Pedro lahat ng nangyari sa kanya mula nung umalis sya sa orphanage. Nagpunta pala sila ng New Zealand at dun tumira for three years. No wonder ganun kayaman ang mga umampon sa kanya. Kaya sya nakapag-aral sa RIU. Sikat kaya yung school na yun. For rich people talaga pero nung nalaman daw ni Pedro na nandito ako, ginawa nya ang lahat para mag-transfer dito. Never naman daw tumutol sa kanya ang mga magulang nya. Naiinggit ako. Ang swerte nya kasi may kumupkop sa kanya na ganun kabait. Matagal ko nang pinangarap yun pero wala nang pag-asa kasi may sarili na akong pamilya. At si Cloud na ang mundo ko.

"Eh ikaw, kumusta ka na?" Bigla nyang tanong sakin.

"Eto, poor pa din. May anak na ako, si Cloud." Masaya kong sabi sa kanya ngunit biglang nawala ang emosyon sa mata nya. Ramdam ko na bigla syang nalungkot.

"Talaga? May anak ka na? Gusto ko syang makita." Pinilit nalang nyang maging masaya para sakin. "Sino nga pala ang tatay nya?"

Bigla akong nailang sa tanong na yun. Sa lahat ng tanong, yun ang ayaw kong sagutin.

"Teka nga! Sabihin mo muna kung bakit iba na ang pangalan mo ngayon." Nag-switch topic nalang kami para matabunan na yung tanong na yun. Mukhang hindi naman nya nahalata.

"Alin? Yung Jaise Clarence? Desisyon ni Mommy yun. Pero tinanong naman muna nya yung papayag ako. Syempre hindi na ako nagdalawang isip pa." Sagot nya.

"Ang pangit kasi ng pangalan mo." Biglang sangat ni Yanna.

Sinamaan sya ng tingin ni Pedro pero hindi sya nagpadala at nagpatalo. Bagay talaga sila.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon