A/N: Slow Update po ba? Sorry na guys. I'll try to update as fast as I can. Thank you. :)
By the way, for the first drop of the new character's photo, here's Alexandra Seyanna Martinez or also known as Yanna. Ang bestfriend ni Sowee.
--------------------------------------------------------Confessed
Sowee's POV
Sadyang mapang-asar talaga ang tadhana. Ultimo yung katotohanan naging theme sa photoshoot. Sa pananamit at tindigan, mag-ama nga sila kung titingnan. Kung kanina konti lang yung kaba kong nararamdaman, ngayon sobra-sobra na. But somehow, pinapakalma ako nina Renz at Yanna.
"Relax friend, lalo kang mahahalata nan eh." Sambit ni Yanna.
"Okay lang ako." Sagot ko naman.
"Gusto mo ba munang lumabas? Samahan na muna kita." Tinanong ako ni Renz pero umiling lang ako.
"Tatapusin ko na 'to. Ayos lang ako, 'wag kayong mag-alala."
Gaya ng sinabi ko, tinapos ko yung photoshoot. Nawala-wala na rin naman yung kaba ko nung kinatagalan. Mukhang wala naman kasing nakakapansin eh. OA lang siguro ako. Naging komportable din ako at nawala sa isip ko yung pag-aalala dahil sa pakikipag-usap sakin nina Yanna. Tama lang pala na sinama ko sila. Natapos ang photoshoot nang hindi ko namamalayan.
"Mommy!" Lumapit sakin si Cloud at niyakap ako. Kung hindi pa ako magugulat sa kanya, hindi ko pa malalaman na tapos na pala yun. "How was I? Magaling ba ako?" Agad na tanong nito.
"Yes, of course! Sobrang galing mo, Cloud." Sagot ko kahit hindi ko naman talaga napanuod yung pahuli na.
"You did great, Cloud." Dagdag pa ni Renz.
"Talaga Tito Pogi?" Naniniguro pang tanong nito. Tumango nang tumango si Renz kaya lalo itong natuwa.
"Naku! Sisikat na ang inaanak ko..." Sumunod na nagsalita si Yanna. With matching fake tears pa.
"Mommy, tingin mo ba kakayanin ko 'to?" Nag-aalangan itong nagtanong sakin. Dati lang siguradong-sigurado sya na gusto nyang mag-artista tapos ngayon parang nagdadalawang isip na sya.
"Don't worry, baby. Nandito kami nina Ninang Ganda at Tito Pogi para suportahan ka. Because we are your no.1 fans!" I said to cheer him up. Mukha namang nabuhayan ito kaya gumaan na yung loob ko.
"Wait gagawa na tayo ng fans club mo. Ano ba dapat ang name ng fandom mo? Cloud nine? Cloudy?" Tanong pa ni Yanna. Excited na excited syang gumawa ng fans club para kay Cloud. Kahit na hindi pa naman ito officially na naipapakilala sa media. Gayunpaman, kinakabahan parin ako sa magiging reaksyon at feedback sa kanya ng mga tao. Sana magustuhan sya ng mga 'to...
Akmang lalabas na kami ng studio. Nag-decide na din kasi kaming umuwi. Nang bigla kaming harangin ng taong hindi namin inaasahan. Si Patrick nanaman...