Surprise
Sowee's POV
Malayo-layo din ang biniyahe namin. Sabi kasi nung mokong na 'to, may pupuntahan pa daw kami. Saan naman kaya? Ilang beses ko na syang tinatanong pero ni isang sagot, wala syang binigay. Sikretong malupet ba yun?
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Nagtanong ulit ako. Baka sakaling sagutin na nya ako ngayon.
"Atat? Dalian? Diba nga sabi ko bawal magtanong?" Masungit naman nitong sagot.
Okay, once again, I failed.
Hindi nalang ako umimik. Tumingin nalang ako sa bintana sa buong biyahe namin. Makalipas ang isang oras, pumasok yung kotse sa isang magarang subdivision. Unfamiliar sya at ngayon ko lang talaga nakita. Pagpasok namin, nakamamangha ang bawat bahay sa ganda at ayos. Halatang pang-mayaman. Pero ano namang ginagawa namin dito?
Ayoko namang magtanong at for sure naman na hindi nya sasagutin. -___-
Sa di kalayuan ay huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Bahay nya kaya 'to?
"Baba." Utos nya.
Dahil masunurin kami, bumaba na kami kagaya ng sinabi nya. Humarap sya sa bahay at kami din. Mga ilang minuto din naming tinitigan yung bahay. Maganda, malawak at up and down. Isama mo pa yung garden. Ang ganda talaga. Tingin ko mga tatlong beses ang nilaki nito sa bahay namin.
"Ano bang gagawin namin dito?" Inis kong tanong. Nandito ba kami para inggitin nya sa bahay na 'to? Oo na! Kami na ang hindi maka-afford ng ganitong klaseng bahay. >~<
"Okay na ba 'to sa'yo?" Bigla nyang tanong. Hindi agad nag-sink in sa utak ko yung tanong nya. Kumunot lang yung noo ko tapos tinaasan ko sya ng kilay ko. Hindi ko kasi gets eh. "Wag mo akong titigan, sagutin mo ako."
"Ano ba kasing ibig mong sabihin?"
"Tsss! Engot ka din eh. Kasama sa kontrata 'to ni Cloud sa pag-aartista nya. Yung 4 million, sponsors at house and lot. Bukod pa yung salary nya. Suppose to be si Alice na manager nya ang maghahatid sa inyo dito but then nag-volunteer ako na ako nalang. So ano? Okay na ba 'tong bahay sa inyo?" Paliwanag nito tapos unti-unti nang pumasok sa isip ko at na-digest ng utak ko yung sinasabi nya.
"Ibig mong sabihin.....amin na 'to?"
"Kung hindi ka engot at naintindihan mo ako, oo, sa inyo na 'to." Sagot nya.
Sa una natulala lang ako pero the next thing I know ay napayakap ako sa kanya sa sobrang saya ko. "WAAAAAHHH!!! TALAGA!? THANK YOU!!" Sobrang sayang sabi ko habang yakap ko sya.
"EHEM! Nandito pa po kami!" Agad akong napabitaw nang magsalita si Yanna.
"Nadala lang ako ng damdamin ko. Sorry." Sambit ko pero pare-parehong hindi kumbinsido ang mga itsurahin nila.
"Tara na sa loob." Buti nalang talaga'r nag-aya 'tong si Patrick.
Pumasok kami sa loob. Hindi pa man namin nabubuksan yung main door, literal na kaming napapanganga sa laki at lawak ng garden at garahe sa loob. Ang laki pa ng gate. Grabe pala yung cubic entertainment. Bongga yung kontrata nila.
Nang pasukin namin yung mismong loob, nakakatuwa dahil kumpleto na ang kagamitan. Mapa-furnitures at appliances. Complete package ika nga. Wala na kaming kakailanganin pa.
Nilibot namin ang buong bahay. May apat na malalaking kwarto at may guest room. May malawak na kusina at salas. Simple lang ang ayos ng bahay pero masyadong malawak para samin. Huli kong pinuntahan yung kwarto ko. May sarili akong TV dun. May Queen size bed at may bintana para sa terrace.