33

2.2K 48 6
                                    

A sign (2)



Sowee's POV



Buong mall ay nilibot namin. Ay teka, mali! Nila pala, NILA! Nilang mag-ama. As far as I know, sapilitan akong sumama dito sa sinasabing date daw ng nagnga-ngalang Patrick Romero. Although ayoko naman talaga. Kasi kung alam ko lang na date pala 'to, hindi na ako papayag in the first place. Dahil unang-una sa lahat, mali. Pangalawa, mali din. At pang-huli, mali talaga! Isang malaking mali. Mali na mag-entertain ako ng ibang lalaki lalo na ngayon na may nanliligaw na sakin. Kung may dapat man akong pagtuunan ng pansin sa love life ko ngayon at ayain sa date, si Renz lang yun.

At ang isa pang nakakapagtakang sitwasyon dito, date daw pero lumalabas na parang personal alalay lang nila ako dito dahil sa parati kong pagsunod sa kanila at pananatili lang sa likod nilang dalawa habang naglalakad. Hindi sa nahihiya ako makisabay sa kanila, kundi ang hirap lang talaga nilang sabayan sa sobrang bilis maglakad ni Patrick. Walang kaso kay Cloud dahil buhat naman sya nito.

Hindi ko tuloy maiwasang tanungin sa sarili ko kung nag-eexist pa ba ako sa paningin nila kasi mukhang wala silang balak pansinin ako. Ano ba ako? Chaperon lang? Hello! Hindi pang-chaperon ang mukha kong maganda.

"Okay ka lang dyan?" Napahinto ako sa pag-momonologue ko sa isipan ko nang tanungin nya ako nun.

"Tinatanong mo ako?" Sarkastikong tanong ko.

"What else do you think? Nabibingi ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?" Sunud-sunod na tanong nito pero yung sa huling tanong lang ako nag-focus.

Parang biglang nagliwanag yung mukha ko nang tanungin nya ako nun. "Talaga? Pauuwiin mo na ako?" Kasi mukhang kailangan ko na nga talagang umuwi. Mukhang hindi naman ako belong sa date na 'to. Bahala na silang dalawa.

"I'm sorry but I won't let you."

Biglang bumagsak yung balikat ko sa sagot nyang yun. Tsk! Akala ko naman makakauwi na ako eh. Akala ko matatapos na ako sa 'chaperon' role ko dito, hindi pala. Akala lang pala lahat. Paasa talaga yang si Patrick Romero. Akala mo naman kung sinong gwapo.

Psss! What am I saying, gwapo naman talaga yang kumag na yan. Masama ang magsinungaling kaya hindi ko na babalakin pa.

~~

"Yes! Daddy, I made it!" Masayang sigaw ni Cloud with matching pag-apir pa sa tatay nya.

Matapos kasi ng mahaba-habang pag-uuli namin dito sa mall, huling lugar na pinuntahan namin ay ang Quantum. If I'm not mistaken, marami din akong alaala sa lugar na 'to. Masasayang alaala na hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan.

Unti-unting pumapasok sa isip ko ang mga ala-alang yun. That made me remember how much I loved him before.

"Sabi ko naman sa'yo magaling ka sa basketball eh. Kung ako ang tatay mo, malamang sa akin ka nagmana." Narinig kong sabi ni Patrick.

"How I wish you really are my father." Malumanay na sagot naman ni Cloud.

Kinakabahan nanaman ako sa mga pinagsasasabi nila. Kahit alam kong alam na naman ni Patrick ang tungkol sa kanila ni Cloud, iba parin yung pakiramdam ko kapag masyado silang nagiging masaya. To the point na hilingin na nga ni Cloud na sya nalang sana ang tatay nya.

"Well, pwede mo naman akong maging daddy ah." Biglang sabi nito.

"Talaga, Daddy Idol?" Nangingislap-ngislap ang mga mata ni Cloud sa sinabi ni Patrick sa kanya.

"Well, it depends to your Mom kung okay lang sa kanya." Pagkasabi na pagkasabi nya nun, napalingon sila nang sabay sakin. Yung tipong naghihintay sa sagot ko.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon