Napakasaya ng gabing ito para sakin. Nakikisaya ang mga kaibigan ko at ang mga taong malalapit sa puso ko. Lahat sila pinapanuod ako. Pakiramdam ko, isa akong prinsesa. Tinitingnan ng lahat. I never felt this happy, even before.
Isa-isa akong isinasayaw ng sinasabi nilang '24 princes with 24 tulips'. Lahat ng gusto ko nasunod ngayong gabi. Ultimo paborito kong bulaklak. Bawat abot ng bulaklak sa kamay ko, ay katumbas ng matatamis na ngiti at walang kapantay na ligaya.
At nang tinawag na ang kasunod na taong sasayaw sakin, agad akong napangiti.
"Tulips for a beautiful lady." Sambit nito nang iabot nya sakin yung bulaklak.
Ngumiti ako hanggang sa sinimulan namin ang pag-uusap habang nagsasayaw. Hanggang ngayon hindi ko parin nakakalimutan na ako ang dahilan kung bakit nasaktan si Renz. Gayunpaman, patuloy syang naging mabait sakin. He chose to be a friend that will always be there for me. I'm so grateful to have him as a friend. Wala syang katulad. Sya yung kaibigan na kahit kailan ay hinding-hindi mo ipagpapalit kaninoman.
Kailan kaya dadating yung babaeng para talaga sa kanya. Kasi sa tingin ko talagang hindi ako yun. If there's someone who deserves his love, it's not me. Someone else deserves it. Yung hindi sya sasaktan at mamahalin sya nang buong-buo, kagaya ng pagmamahal na binibigay nya.
At ang lahat ng 'to, ipinasasalamat ko sa kanya. He planned all of this. Kung bibilangin ang utang na loob ko sa kanya, baka mahirapan na ako.
"Masaya ka ba?" Bigla nyang tanong.
Ngumiti ako at sinabing, "Oo, sobrang saya."
"Pero may kulang, tama ba ako?"
Gusto kong magsinungaling pero hindi ko naman maikakaila sa sarili ko yun. May kulang talaga, pakiramdam ko meron.
Tumango nalang ako pero nakangiti parin. Ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan ni Renz dahil sa isang bagay na yun. Kailangan kong maging masaya. This is my day. I should enjoy this.
"Don't worry, mapupunan ang kulang na yun."
"Ha?" Napanganga nalang ako sa sinabi nya.
Parang napaka-confident nya dun sa sinabi nya. Ako naman 'tong si nagtataka. Hindi ko ma-gets yung sinasabi nya. Sakto namang natapos yung music at huminto kami sa pagsasayaw. Ngumiti sya't kumindat sakin matapos nya akong bitawan.
"I know this is what you wish for." Sambit nya bago sya tuluyang lumayo.
Naiwan akong nakatayo dun sa gitna habang naghihintay na may magsalita. Lahat sila nakatingin at hindi ko maiwasang mailang. Nahiya tuloy ako.
Ano yung sinasabi nyang 'wish'? Humiling na ba ako?
"And for her last prince," biglang announce ng MC. Namilog ang mga mata ko at agad kong binilang yung bulaklak na hawak ko. Akala ko tapos na. I thought I was holding a complete 24 tulips pero kulang pala ng isa. "Please give it up for this mysterious prince!"
Nanatili akong tahimik habang hinihintay ang sinasabi nilang huling sayaw ko. The last prince that will give me the last flower.
Ilang sandali pa ay tumapat ang isa pang spotlight sa may dulo ng red carpet galing sa gate ng bahay. Hindi ko napigilang tumawa dahil sa nakita ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.