Contract
Sowee's POV
Yung ngiti. Yung ngiti na naging seryoso. Ano kayang ibig sabihin nun? Bipolar lang naman ang mabilis na nakakapagpalit ng mood kagaya nun pero hindi naman sya bipolar eh. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung emosyon na nakita ko sa mukha ni Patrick kanina. Nabo-bother kasi ako. Kasi naman, lately inaasar pa nya ako tapos nung bigla nyang nabasa yung text message ni Renz, nag-iba yung mood nya. Naging seryoso. Hindi kaya....
"Waaaahhh!! Ayokong mag-assume!!"
"Pssst!" Napatingin ako kay Yanna na ngayon ay nakakunot ang noo sakin. Tila nagtataka sa ginawa ko. Kaso bigla kong na-realize na nasa klase nga pala kami, tapos bigla nalang akong sumigaw... Lagot. ~_~" Lahat ng atensyon nila nasakin.
Lahat sila tinitingnan ako nang masama. Lalo na yung prof namin sa unahan. Patay na talaga ako nito.
"At ano naman ang ayaw mong i-assume, Ms. Villanueva?" Mataray pang tanong nito. Nakakatakot sya. Isama mo pa yung paulit-ulit nyang paghampas ng stick sa palad nya. Parang gusto na nya akong paluin.
"Wala po, Ma'am." Sagot ko. Tinakluban ko ng buhok yung mukha ko dahil sa kahihiyan. Buti nalang hindi na nila ako pinansin at nagpatuloy na sila sa pagdi-discuss ng lesson namin.
Sino ba naman kasing tanga ang sisigaw sa gitna ng klase? Siguro ako lang ang gumawa nun.
"Hoy, sis!" Pabulong akong tinawag si Yanna. Katabi ko lang naman sya kaya madali kong narinig iyon. "Anong kalokohan yun ha? Bakit ka sumigaw?"
"Wala. Wala yun! Wag mo nang isipin yun."
"Hoy babae, ako pa ba ang lolokohin mo? Sus. Alam kong meron kaya sabihin mo na sakin."
"Mamaya nalang pag break time."
Nakumbinsi ko naman si Yanna kaya tumahimik na sya. Buong dalawang oras na lumulutang yung isip ko. Kaya naman wala akong naintindihan sa ni-lecture ng prof namin ngayon. Masisisi nyo ba ako? Wala eh! Ang lakas magpaisip nitong si Patrick. Napakamisteryoso nya nitong umaga. At kung anuman yun, I'm 100% sure na wala lang yun. Baka nga bipolar na yung lalaking yun kaya ang dali sa kanyang mag-iba ng mood at facial expressions.
Hindi makatiis si Yanna na para bang gusto na nyang tumunog yung bell ng school para makalabas na kami, para mai-kwento ko na sa kanya yung nakakatangang dahilan kung bakit ako sumigaw. Dapat ko pa ba talagang sabihin? Mapapahiya lang ako nito eh. Baka sabihin ni Yanna na nababaliw na ako at napaka-nonsense nung dahilan ko.
*RRRIIINNNGG!!*
And it finally rings. Agad akong hinatak ni Yanna papunta sa labas. Akala ko standing ovation lang kami pero hindi pala. Naghanap pa ito nang magandang pwesto sa ilalim ng puno.
Nang makalapat na yung katawan namin sa upuan, hinawakan nya yung balikat ko. "So ano nga?" Biglang tanong nito.
"Atat lang? Sandali naman."
Madalas talaga nagiging tsismosa na itong kaibigan kong 'to. Basta pagdating sa mga ganitong bagay, active sya. Sa totoo lang nagdadalawang isip parin ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Alam ko naman kung gaano sya kaboto si Renz para sakin. Kung Baka sa hayop at labanan, eh manok nya yun. Baka magalit lang sya sakin kapag binanggit ko sa kanya yung napansin ko kaninang umaga. Baka isipin nya hindi parin ako nakaka-move on. Well actually, nasa stage ako ng pagmo-move on. Nasa stage 4 na ako kung saan ito ay second to the last stage na. Unti-unti ko nang nakakalimutan si Patrick pati yung nararamdaman ko sa kanya. Siguro malaking tulong nga yung nalayo ako sa kanya nang limang taon. At sa ngayon, ang alam ko lang ay unti-unti ko nang binubuksan ang puso ko para kay Renz. Hindi pa kasi fully recovered 'tong puso ko. Hindi man sya na-broken, nakaranas naman syang magmahal nang sobra. Kung baga sa tao, pilit ko syang inuuntog para makalimutan na nya yung nararamdaman nya para kay Patrick. Though, hindi ganun kadali yun.