It's a No
Sowee's POV
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tinanong ako nito.
Hindi agad ako nakasagot. Para akong binabalutan ng matigas na simento sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko maigalaw ang buong katawan kong nanginginig na sa takot ngayon. Hindi sya killer, hindi sya kidnapper pero pakiramdam ko papatayin nya ako.
"Hoy! Ano ba? Sasakay ba kayo!?" Inis na tanong ng taxi driver.
"Hindi na po." Si Patrick na ang sumagot bilang hindi naman ako makasagot dahil hanggang ngayon ay natutulala parin ako sa takot. Isinara na nya yung pinto at mabilis na umalis ang taxi. "Pwede ko ba kayong maabala kahit isang oras lang?"
Isang oras!? Ang tagal naman nun! Jusko po! Tulungan nyo ako! Sigaw ko sa isipan ko.
"A-a-ahhh... Ano kasi eh...." Bago pa man ako makagawa ng palusot, hinatak na nya ako palayo at papunta sa gilid ng school. Hawak ko din sa kamay si Cloud kaya damay sya sa paghila sakin nitong lalaking 'to.
"Sakay." Inutusan nya kaming dalawa nang buksan nya yung pinto ng kotse nya. Pinagmasdan ko yung kotse nya. Iba na... Hindi na ito yung kotse nya dati. "Sasakay ba kayo o hindi?" Tinanong nya ulit kami. Tinitigan ko yung mukha nya. Walang makikitang kahit anong bakas ng tawa o pagbibiro sa kanya.
No choice na kami ni Cloud kundi ang sumakay. Dun kami sa likod ng kotse para less tense. Nakayakap si Cloud sa braso ko habang tinitingnan naming dalawa si Patrick sa salamin.
"Mommy, ang scary nya kanina." Bulong sakin ni Cloud.
Tama si Cloud. Nakakatakot talaga si Patrick kung papansinin nyo. Napaka-seryoso ng mukha nya. "Oo nga, anak." Sinang-ayunan ko si Cloud. Hindi na kami umimik at hinayaan nalang namin syang magmaneho papunta sa lugar kung saan man nya kami dadalhin.
Iniisip ko tuloy, Hindi kaya alam na nya? Nalaman na kaya nya na anak nya si Cloud?
Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko na posibleng dahilan ng pagpapakita nya samin. Kagaya ng, ano kayang naging reaksyon nya nung nakita nya kami? Kukunin nya kaya si Cloud sakin? Kinamumuhian na nya kaya ako? Napapayakap nalang ako kay Cloud sa sobrang kaba.
Hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang resturant. Kabubukas lang nito at wala pang ibang costumer maliban samin. Sumunod lang kami sa kanya nang pumasok sya sa loob.
Umorder sya ng pagkain para samin. Kami ni Cloud ay tahimik lang nakaupo habang nakatingin sa kanya.
Pinagmamasdan ko sya ngayon. Wala namang masyadong nagbago sa kanya. In fact lalo pa nga syang gumwapo ngayon.
"Kung tititigan mo ako ng ganyan, baka matunaw ako." Nakangiting sabi nito. Agad akong napaiwas ng tingin. Sa bintana ko nalang binigay ang atensyon ko. Sa mga taong naglalakad sa labas ng restaurant. "I'll take three orders of this." Sambit nya sa waiter.
Nang umalis na yung waiter, dun na ako naglakas loob para magtanong. "A-Ano bang p-pag-uusapan natin?"
"Pinapunta ako ng management dito. Well, supposedly, yung manager ko ang haharap sa inyo pero masyado syang busy ngayon." Nabanggit nya yung salitang manager at ang unang tao agad na pumasok sa isip ko ay si Via. Hindi kaya alam na din ni Via? "And now I am here to ask you...... Sino ba talaga si Cloud?"
Namilog ang mga mata ko at bumalik ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang makita ko sya kanina. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "B-Bakit mo naman natanong yun?" Hindi ko maiwasang mangatal habang kinakausap sya. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa mata nya. Feeling ko, anytime mabibisto ako nito.