A/N: A new Character's photo. Meet Alice, ang pansamantalang manager ni Patrick.
Please continue....--------------------------------------------------------
Flight
Sowee's POV
Mabilis na lumipas ang magdamag. Maaga kaming nagising bagamat walang pasok ngayong araw. Sabado kasi. Dumiretso ako ng kusina para magluto ng agahan namin. Masama ang gising ko. Wala akong energy ngayon. Dahil ba sa ngayon aalis si Renz? Aist! Hindi yan.
Ilang oras pa ang lumipas at bumaba narin sina Cloud at Yanna. Mga yagit pa ang itsura nila. Nakakatawa lang.
"Good morning, Mommy!" Masigla akong binati ni Cloud. Buti pa sya masayang gumising ngayong araw.
"Good morning, baby." I greeted him back.
Hindi talaga maganda ang mood ko.
Tiningnan lang ako ni Yanna pero nilampasan nya din agad ako at dumiretso sya sa lababo. Nagmumog ito at naghilamos."Kain na tayo."
Umupo na silang dalawa habang ako naman ay naghahanda ng mga plato't kutsarang gagamitin namin. Inalis ko yung taklob dun sa ulam at napatitig agad si Yanna sa niluto ko. Okay alam ko na ang magiging reaksyon nito.
-____-""Wow sis! Ano ba 'tong hotdog? Pinirito mo o pinagulong sa uling?"
Sabi ko na eh. Kahit kailan talaga mapanlait 'to si Yanna. Palibhasa magaling syang magluto eh. Eh ako? Ultimo frozen foods na nga lang, sinusunog ko pa.
"Ang arte mo. Edi wag kang kumain kung ayaw mo."
Akmang ilalayo ko na sa kanila yung ulam pero bigla naman nitong pinigilan yung kamay ko at binalik yung hotdog sa gitna ng mesa.
"Mapapag-tiyagaan pa naman eh. Ikaw naman, di ka mabiro." Sabi pa nya.
Grabe lang sa mapapag-tiyagaan. Truth hurts talaga kahit kailan. Edi sana hindi na pala ako nagluto kung ganito rin lang naman ka-reklamador yung kakain. T^T Kawawa naman yung hotdog na niluto ko.
"Mommy, minsan pag-aralan mo ding magluto ha?"
Tingnan mo, pati anak ko nagre-reklamo na. Promise papasok na talaga ako sa school na may Culinary arts.
Wala na din akong nagawa sa mga pamimista nila sakin. Lahat nalang ng naririnig ko mula sa kanila, inilalabas ko nalang sa isa kong tenga. Nakakabingi yung mga panlalait nila. >.<
Matapos naming mag-agahan, pumunta kami sa salas para manuod ng TV. Nang biglang may kumatok sa pinto. Nag-prisinta na si Yanna na buksan iyon kaya naiwan kaming dalawa ni Cloud. Maya-maya pa'y bumalik si Yanna nang may napakalawak na ngiti.
Problema nya?
"Sis, may bisita ka." Sambit pa nya.
Magtatanong pa sana ako kung sino pero may isang lalaki nang pumasok sa loob. Hindi ko nakita yung mukha nya dahil sa laki nung teddy bear na dala nya. Isama mo pa yung flowers at paper bags. Nang alisin nya yun, dun ko na nakita yung mukha nya. Si Renz pala.