15

2.8K 65 2
                                    

Content



Sowee's POV



Sa salitang contract palang, kinabahan na ako. Baka kasi kung anong kontrata yun. Mamaya yun na pala yung kasulatan na kukunin na nya si Cloud sakin. Huhuhu... Wag naman. Di pa ako ready.

Aist! Wala namang masama kung basahin ko diba? Pwede naman akong tumanggi sa nilalaman nitong what-so-called contract na 'to.

Sinimulan kong basahin yung nilalaman nun. At ayon sa nakasulat....

       Ako, si ____________, ay pumapayag sa kasunduan na ito sa pagtira ng napakagwapong nilalang na si Patrick Jean Romero sa aking bahay sa loob ng isang buwan.

"What the f*ck!? Isang buwan!? Niloloko mo ba ako?"

"Itong mukhang 'to?" Tanong nya habang nakaturo sa mukha nya. GGSS look pa. Edi sya na ang gwapo. "Mukha ba 'tong nagbibiro? Kung nagbibiro ako edi sana kanina pa ako tumatawa dito."

"Oo na! Ang dami mong sinasabi eh!"

Nagpatuloy ako sa pagbabasa....

.......Bilang kapalit, sa loob ng isang buwan, ihahatid ko sya at susunduin nya ako galing bahay at school pati narin sa work ko.

Seriously? Gagawin nya talaga yun? 0.0

Muli akong tumingin sa kanya. This time, nagtama ang mga mata namin. Sinubukan kong basahin yung nasa isip nya. Wala akong makitang kahit na anong bakas ng pagbibiro sa mukha nya. So seryoso nga talaga sya.

Isang buwan akong hatid sundo? Totoo ba yun? Not bad ha?

"Ano? Are you going to sign that?" Tanong nya. May nakahanda na palang ballpen sa mesa. Kamay ko nalang at desisyon ko ang hinihintay para pirmahan ko iyon.

"Ayoko." But then, I refuse his offer.

Binalik ko sa kanya yun. Malugod naman nya itong tinaggap. May nakita akong kung anong lungkot sa mukha nya. Hindi ko alam kung totoo ba yun o nagpapaawa lang sya. Aba malay ko ba kung ano ang totoo sa kanya. Artista yan eh. Ang artista walang pinagkaiba sa mga clown. Magaling silang mag-iba ng mood. Kaya naman maraming tao ang naniniwala sa magic kahit alam nilang may tricks yun. Parang sa pag-arte ng mga artista sa harap ng camera. Pilit tayong tumatawa, naluluha, in short madali tayong madala kahit alam natin na acting lang yun. Imposibleng mangyari sa totoong buhay. Ang dami kong sinabi diba?

Bigla naman itong nag-pout. Shete! Ang cute nya dun! Waah! Grabe naman sya! Alam nya ang kahinaan ko... >.<

Aist! Hindi! Hindi ako magpapadala dyan sa drama nya.

Paulit-ulit kong iniling yung ulo ko para hindi ako bumigay.

"Isipin mo nalang yung magagastos mong pamasahe araw-araw." Sabi pa nito.

"May pera pa ako." Sagot ko naman.

"Eh paano kung mawalan ka ng pera?" Pinipilit nya talaga ako ha? Well sorry, hinding-hindi ako papayag sa gusto nya.

"Edi maglalakad ako."

"Mas titiisin mo pang mapagod sa paglalakad kesa ang makasabay ang gwapong katulad ko?"

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon