41

2.3K 47 5
                                    

Forgotten



Sowee's POV




Akala ko tapos na. Akala ko wala na. Pero nandito pa pala. Tama si Yanna. Tama ang kaibigan ko. Hindi ko magawang magmahal ng iba dahil naiwan ang puso ko sa taong tinalikuran ko na matagal na panahon na ang nakalilipas. Ang nakaraan ay hindi lang basta nakaraan kung hindi ko naman talaga nagawang talikuran.

Kasalukuyan akong nakaupo sa labas ng board room sa building ng management nina Cloud. Nag-uusap ang managers, CEO at director ng upcoming movie ni Cloud kasama si Patrick. Ilang linggo na ang nakalipas magsimula silang mag-taping para sa first five scenes ng movie.

Bagamat abala ako sa pag-aaral para sa last year ko sa university at bilang college student, kinailangan kong sumama kay Cloud dahilan sa pagkakaroon ng sakit ng P.A. nya.

"Sowee?"

Agad akong napatayo nang marinig ko mahinang pagtawag ng isang babae sa pangalan ko. Akala ko namamalik-mata lang ako pero bigla kong naalala na kararating nya lang pala sa bansa.

"Ate Via." Sambit ko sa pangalan nya. Oo, si Via, ang orihinal na manager ni Patrick. Ang pagdating nya ang dahilan ng pagbalik sa dating trabaho ni Alex na ngayon ay permanente nang manager ni Cloud. "Napadaan ka?"

"Kumusta ka na?" Tanong nito sakin. Balak ko sanang magsinungaling at sabihin sa kanya na ayos lang ako ngunit bakas sa mukha ko ang pagod at ilang beses na pag-iyak nitong mga nakaraang araw. Bago pa man ako makasagot, agad nya akong ikinulong sa isang mahigpit na yakap sa di ko malamang dahilan. "Alam ko na ang sagot. Hindi mo na kailangang magsinungaling pa." Sa mga sinabi nyang yun, hindi na ako nakaimik at bigla nalang may namuong luha sa gilid ng mata ko. "Patawarin mo ako. Wala akong nagawa sa sitwasyon nyo." Naririnig ko ang ilang hikbi sa bawat pagbuka ng bibig nya. Kagaya ko, umiiyak na rin sya. Pero bakit? Anong dahilan?

Ang huling natatandaan ko, wala naman syang kinalaman sa nangyaring bigla kong pag-alis dati.

"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad. Wala ka namang kasalanan."

"No, may kasalanan ako. Kung nagawa ko lang sigurong pigilan si Patrick sa pag-alis nya sa studio nung araw na nalaman nyang umalis ka, hindi sana nangyari ang lahat ng 'yon." Sambit nito habang patuloy sa pag-iyak.

"Lahat ng 'yon? Anong ibig mong sabihin?" Nagsimula na akong maguluhan at kabahan sa mga sinasabi nya. Napatungo nalang sya at hindi nagawang sagutin ang tanong ko. "Ate Via, anong nangyari?"

"Mommy!"

Hindi na nya nagawang sagutin ang tanong ko nang bumukas ang pinto at isa-isang lumabas ang mga tao mula sa board room. Mabilis naming pinahid ang mga luha sa mga mata namin para hindi nila kami mahalata sa nangyari.

Nakayakap si Cloud sa bewang ko pero hindi ko magawang tumingin sa kanya. Ayokong makita nya na umiiyak nanaman ako. Matapos yun ay sumunod na lumabas sina Patrick at Trixie. Ngayon kumikirot nanaman ang puso ko. Mahal ko pa nga talaga sya. Itinatanggi ko lang sa sarili ko.

"Hi baby." Bati ko kay Cloud.

"Mommy, may sasabihin ako sa'yo." Sambit nito. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi nya napansin ang namumugto kong mata.

"Ano yun, Cloud?"

"Mommy, it's your birthday next month, right?"

Hindi lang ako ang napatingin sa kanya nang sabihin nya yun. Kundi lahat ng tao sa labas. Oo nga pala. Sa dami tuloy ng iniisip ko, nakalimutan ko na pati birthday ko. How stupid am I?

"Oo, bakit mo natanong?" Habang tinatanong ko sya, hindi ko maiwasang mapatingin kay Patrick na hindi ko inaasahang nakatingin din pala sa direksyon namin.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon