38

2K 43 3
                                    

A chapter dedicated to Ms.JanineMaeVilla, salamat po sa pagboto at pagsuporta nyo sa story ko na 30 days to make you fall.



--------------------------------------------------------





Brokenhearted Boy (Part 2)




Sowee's POV




Tama sya. Oo, tama si Trixie. Tama ang lahat ng sinabi nya. Ako ang dahilan ng lahat. Ako ang dahilan kung bakit kinalimutan ni Patrick si Cloud.... Kung bakit nya ako kinalimutan. Kasalanan ko 'to. Kaya wala akong karapatang masaktan ngayon.

Nakalimot na ako, diba? Limang taon syang nawala sa buhay ko. Pero bakit ang sakit-sakit? Ang sakit malaman na ako mismo ang nagtulak sa kanya palayo kaya imposible na syang bumalik sakin?

At bakit ako nasasaktan? Wala na akong nararamdaman pa sa kanya diba? Wala na.....

*Ring~*

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa sa salas nang biglang tumunog nang malakas yung phone ko. Wala na sana akong balak pang sagutin iyon pero nagbago ang isip ko nang makita ko ang pangalan ni Yanna na syang tumatawag sakin ngayon.

Labis-labis ang pagtataka ko dahil ngayon lang ulit ito tumawag sakin. At hindi sya tumatawag kapag alam nyang hindi mahalaga. Kaya naman bago pa mamatay yung tawag, agad ko na itong sinagot.

"Hello?"

[Sis! Where are you?] Tila natatarantang tanong nito.

"Nasa bahay na ako. Nagpapahinga na ako. Bakit?" Kalmado ko syang kinausap.

[Pumunta ka dito, bilis!]

Sobra na akong nagtataka sa mga sinasabi nya. Una, tinawagan nya ako at ngayon naman, pinagmamadali pa nya ako. Nakasigaw pa.

"Kumalma ka nga! Ano bang meron ha?"

[Si Renz nandito sya sa isang bar!] Tarantang sabi nito na para bang kinakabahan sya.

Nanlaki yung mata ko sa gulat sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ginoo-good time lang ako ni Yanna o totoo ba yung sinabi nya. O baka dala lang ng kabaliwan nya.

Pero kailan pa natutong uminom si Renz? As far as I know hindi sya umiinom ng kahit anong alcoholic drinks. Kahit wine, kahit pa sabihin nating mayaman sya pero never ko syang nakitang uminom maliban sa tubig at soda.

"Saang bar yan?"

Hinintay ko yung sagot nya. Pagkasabi nya ng saktong address ng lugar, agad kong ibinaba yung phone ko tsaka nagmadaling lumabas ng bahay at tumakbo palabas ng subdivision namin.

Mabuti nalang at nakasakay agad ako ng taxi kaya mabilis akong nakarating sa lugar na iyon. Malalim na ang gabi, hindi ko alam kung anong naisipan nya at pumunta sya sa isang bar nang solo.

Kung may naiisip man akong dahilan, isa lang yun at tanging ako lang ang nakakaalam nun. Hindi ako sigurado pero posibleng yung nangyari nung isang araw ang dahilan kung bakit nya ginagawa ang mga bagay na ayaw nyang gawin.

"Sowee!"

"Bestfriend!"

Napalingon ako nang sabay akong tawagin ng dalawa kong kaibigan. Kasama pala ni Yanna si Pedro. Napatingin ako kay Yanna at tila hindi maipinta ang mukha nito. Kung hindi ko sya kilala, baka akalain kong kanina pa nya gustong tumakbo papunta sa banyo.

Pero hindi iyon ang concern ko ngayon.

"Nasaan sya?" Tanong ko at tinuro nila yung direksyon kung saan naroroon si Renz. "Salamat." Aalis na sana ako para puntahan sya pero napabalik ako dahil may nakalimutan akong isang bagay. "Yanna, can you do me a favor?"

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon