Hospital
Sowee's POV
"Dito nalang kami." Paalam ko nang makarating kami sa isang kanto mula sa campus. "Thanks." Dagdag ko pa nang pababa na kami.
"Thank you, Pogi." Pasalamat naman ni Yanna. "See yah later!" May pagkindat pang sabi nito.
Napapailing nalang ako sa ginagawa nya. Hinatak ko na sya paalis bago pa man may makakita samin. Lalo pa't kasama namin ang isang sikat na artista. Who knows baka may pakalat-kalat na paparazzi dyan sa tabi-tabi. Madadamay pa kami.
"Selos lang, sis?" Napahinto ako sa tapat ng gate dahil sa tanong nyang yun.
"Ha?" Takang tanong ko.
"Sakin mo pa ba itatanggi? Alam ko namang nakita mo akong kumindat kay Pogi."
"Ano naman kung kumindat ka? Dapat ko bang ikaselos yun?"
"Naman! Obvious na obvious sa face mo eh. Tapos hinatak mo agad ako palayo sa kanya. Naku, sis. To much jelly can kill you."
"Wala akong karapatang magselos kaya hindi ako magseselos." Mariin kong sabi tapos tumalikod na ako para pumasok sa loob ng campus.
"Wala kang karapatan? Ganun kasi pag nagmamahal. Natural lang na magselos. Aba magtaka ka kung hindi ka nasasaktan."
Napapaisip ako sa mga salitang lumalabas sa bibig nya. Malalim at parating may pinanghuhugutan. Tinatanong ko tuloy sa sarili ko, inlove kaya 'tong kaibigan ko? Hindi naman yan ganyan dati eh.
"Mukha bang mahal ko ba yung taong yun?" I sarcastically asked her.
"Wala namang masama kung mahalin mo si Pogi ah. Mahal mo sya dati kaya hindi imposible na mahalin mo ulit sya ngayon." Sambit pa nito.
"Alam mo sis, ikain mo nalang yan."
Sinubukan ko nalang tawanan yung mga sinasabi nya sakin ngayon. Posibleng posible na wala na akong maramdaman sa lalaking yun. Part nalang sya ng past na hindi ko na dapat balikan. Mamaya hindi pa ako makausad sa kasalukuyan papunta sa hinaharap.
Haist! Pati tuloy ako may nilalaman na ang mga sinasabi. Minsan talaga nakakahawa na 'tong si Yanna. Pero madalang syang magseryoso nang ganito.
"Sowee!" Nagulat ako nang bigla nalang may umakbay sakin. Paglingon ko, si Pedro pala. Medyo mabantot yung pangalan na itinatawag ko sa kanya kaya lang dun na ako nasanay eh. Simula bata pa kami yun na ang tawag ko sa kanya. Hindi ko naman pati alam na napalitan na pala yung pangalan nya. At isa pa, mas bagay sa kanya yung Pedro kesa sa bago nyang pangalan na Jaise.
"Pedro, ikaw pala."
"Sya nanaman...tsss!" Mahinang sabi ni Yanna pero narinig parin namin parehas. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Lalo pa't pinaggigitnaan nila ako? Pero alam kong sa pag-ibig din mauuwi yan. Ngayon palang magsisimula ang love story nila.
"May problema ka ba sakin Ms. Sungit?" Tanong ni Pedro kay Yanna.
"Wala naman po, Mr. Antipatiko." May pag-irap pang sagot ni Yanna.
Ang cute nila. Tapos ngayon may endearment pa? Improving na talaga ang love team nila. Let's see.. Pedro + Yanna = Penna. Haha ano ba 'tong iniisip ko? Nababaliw na ata ako. ^____^
"Ms. Sungit, Mr. Antipatiko? Ang cute!" Kilig na kilig na sabi ko. Sabay nila akong sinamaan ng tingin.
"YUCK! NO WAY!" Sabay pa nilang react.
Ngayon lang ulit ako maniniwala sa katagang, the more you hate, the more you love.
Sana talaga sila nalang ang magkatuluyan.