45

2.5K 60 2
                                    

Stories






Patrick's POV





Mahigit ilang araw din akong nagkulong sa kwarto ko. Walang kain, madalang matulog. Dinibdib ko nang sobra ang nangyari. Bagamat nag-aalala sila, hindi ko na muna inisip iyon. Nagkulong ako sa kwarto ko. Dahil sa pag-aalala nila, parati nila akong pinupuntahan dito sa kwarto ko. Kumakatok sa pintuan para alukin ako sa pagkain pero parati lang din naman akong tumatanggi.

Gusto kong mapag-isa

I need a peace of mind.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nais ko ng mas malinaw at mas malawak na paliwanag. Kahit nalaman ko ang totoo, hindi parin sapat sakin ang mga narinig ko. Madaling paniwalaan ngunit mahirap kung iyong iisipin.

Halos mabaliw ako sa loob ng kwarto ko. Minsan ay nararamdaman ko na ang panghihina ng katawan ko.

Lumabas ako ng kwarto ko, hindi para kumain at magpalakas kundi mangalap ng ilan pang kwento tungkol sa nakaraan ko. Agad akong sinalubong ni Manang na alalang-alala sakin.

"Anak, kumusta ka na? Gusto mo bang kumain?" May pailang beses na alok nya sakin. Muli akong tumanggi at nagpatuloy ako sa paglabas ng bahay.

Pero bago pa man ako makaalis, nilingon ko si Manang at nagtanong, "Manang, gaano ko po sya kamahal? Gaano ko po kamahal si Sowee noon?" Hindi ko man sinasabi pero nang malaman ko ang totoo, biglang pumasok sa isip ko na gusto kong malaman ang tungkol sa bagay na yun.

Nakangiti syang nakatingin sakin at sinabing, "Sobra, anak. Sobra-sobra."

Matapos yun ay nagpatuloy ako sa paglabas. Sumakay ako sa sasakyan ko at nagmaneho paalis. Lumuluha ang mata ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa isang lugar. Sa ilang lugar kung saan posible ko silang makita. Ang mga taong naging parte ng nakaraan at mga naging saksi sa bawat pangyayari na kahit kailan ay hindi ko na naalala dahil sa amnesia ko.

Hinarap ko ang takot at panghihina na nararamdaman ko at tsaka ako kumatok sa pinto ng bahay nya. Wala pang isang minuto ay mabilis itong bumukas.

"Patrick?" Hindi makapaniwalang reaksyon nya nang makita nya ako. Una kong pinuntahan ang manager kong si Via.

"May gusto lang akong malaman." Hindi na ako masyadong umimik pa at dun hinayaan na nya akong pumasok sa loob ng bahay nya.

"May gusto ka ba? Coffee? Juice??" Tanong nito pero hindi ko din pinansin.

"Gaano ko sya kamahal, Via?" Katulad lang din ng tanong ko kay Manang, yun din ang tinatanong ko sa kanya ngayon.

Sa isang tingin lang, alam na nya kung sinong tinutukoy ko.

"More than anything and anyone else. Buong puso mo syang minahal noon. At sa tingin ko kung hindi ka nawalan ng ala-ala, maybe you'll love her even more." Sagot nya tsaka nagpatuloy. "Before when you decided to marry her, sinabi mo sakin na willing kang i-give up lahat ng magagandang bagay na nasa iyo. You can't even wait for three more years kasi sinabi mo na hindi mo masisiguro na sa mga darating na taon ay sa'yo parin sya. That's how you love her, Pat. Minahal mo sya na parang sa kanya lang umiikot ang mundo mo."

Natahimik ako at iniisip ang mga sinabi nya. Hindi ko labis maisip na ang isang taong minsan lang dumating sa buhay ko sa kasalukuyan ay ang taong naging mundo ko sa aking nakaraan.

"Mas mahal mo sya kaysa kay Trixie." Dagdag pa nito.

Mahal ko si Trixie. Kahit pa madalas akong naiinis sa kanya dahil napakaselosa nya. Napakataray at medyo may pagkamaarte. Dala na rin siguro ng pagiging mayaman nya. Sya ang una kong nakita sa pagmulat ko mula sa pagkakahimlay sa ospital ng ilang buwan.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon